Chapter 33

356 14 0
                                    

*Millan*

Kasalukuyang nandito ako ngayon sa kwarto ko. Dinadama yung lamig na nanggagaling sa aircon. Nagbabadyang pumatak muli ang aking luha. Muling bumalik ang alaala nung nakaraang gabi.

*Flashback*
Imbitado ang aming pamilya sa party na gaganapin sa mansion ng mga De Vista. Ayaw pa sanang pumunta ni dad ang kaso napilit ko lang ito. Syempre magpapatalo pa ba ako? Miss ko na kaya yung mahal kong unggoy.

Pagdating namin sa mansion ay nakakagulat dahil ang simple lang nung magiging party sa dining area may long table doon na sobrang haba para sa whole family at mga kamag anak. Nakita ko din yung kuya ni Allen. Nakilala ko siya nung kami pa nun ni Allen di naman kami close pero nakakausap ko naman siya.

"Hey Mill long time no see mas lalo kang gumaganda ah" sabi nito. Ang pogi talaga ni Kuya Lindon.

"Nambola ka pa kuya" natatawang sabi ko dito.

"I'm serious Millan" sabi pa nito.

"So thanks" nangingiti na sabi ko.

"Sayang pinakawalan ka pa ni Allen ang tagal niyo din" sabi nito.

Di ko na lang siya sinagot dahil nakita ko na yung dahilan ng pagpunta ko dito ang aking mahal na unggoy.

"Excuse lang muna kuya" sabi ko dito at lumapit sa aking 'girlfriend'

"Hey Monggi I miss you" bulong ko dito at medyo nilandian ko. Minsan ko lang ito gagawin.

"Ano ba panget! Ang baho ng hininga mo! Saka bakit ang tagal mo!" Nagkukunwari pa siyang wala akong epekto sa kaniya.

"Sorry naman traffic eh" sabi ko na lang dito.

"Palagi namang traffic! Tara punta muna tayo sa kwarto!" Sabi niya at hinila na niya ako papunta sa kwarto niya.

Pagkasarado ng pinto nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Gumanti din ako ng yakap. Oh! Minsan lang ito maglambing pagbigyan ko na nga.

"Namiss kita!" Sabi nito at kumalas na sa pagkayakap.

"Sus namiss daw pero kanina parang di ka naman naexcite na makita ako! Inaasar mo pa akong mabaho ang hininga!" Sabi ko dito na parang nagtatampo pero nakangiti.

"Dami mong alam! Atleast sinabi ko pa ring namimiss kita!" Sabi nito at ginulo ang buhok ko.

"Bakit di mo agad sinabi" kunwari pa rin nagtatampo ako.

"Ang panget mong magtampo! Tara samahan mo muna akong mahiga!" Sabi nito at hinila niya ako sa kama niya.

"Alam mo panget namiss ko itong bahay!" Sabi nito.

"Alam ko! Pero alam ko rin na namiss mo ang daddy mo" sagot ko dito.

"Oo naman" nagulat ako ng yumakap siya sa akin.

"Ang bango mo" bulong nito. Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan. Para akong kinikiliti na hindi ko maintindihan.

"Wag ka nga dyan nakikiliti ako!" Sabi ko dito.

"Ang arte mo! Inamoy ka lang eh!" Sabi nito at umusad sa akin ng konti.

"Eh nakikiliti ako eh!" Sabi ko dito at tumalikod ang bata.

Fall In Love (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon