CHAPTER ONE

4.5K 79 0
                                    

TRIVIA:

Alam n'yo bang nagsimulang mabuo ang kuwentong ito sa isang imagination lang? Nasa rooftop ako ng alas-dos ng madaling araw, nag-stargazing. Since I am so fascinated with angels, at ng mga panahon na iyon ay abala rin ako sa pag-iisip kay JB ng GOT7 (yes! forever bias!) tapos bigla ko na lang na-imagine ang isang scenario.

An angel suddenly came down from heaven...

Tapos bigla ko na lang nasabi sa sarili ko... "Ano kaya may bumabang anghel dito na kamukha ni JB?"  (Oo, ganoon ako kabaliw sa lalaking 'yon!)

Hahahahahahahaaha!!! 😂😂😂

Pinost ko sa Facebook 'yun naisip ko na 'yon, then a friend posted her comment, sabi n'ya... "Isulat na mo 'yan!" 

Ayan na nga ang resulta!  😇😇😇

Approved under PHR last 2016. Sana po ay magustuhan ninyo ang kuwento ni Andrew at Angge. ❤

Para sa mga nakabasa na ng "AURAE PRAELIA SERIES" na naka-post din dito sa Wattpad account ko. This TRILOGY is the sequel of that series. HAPPY READING! And GOD BLESS YOU. 😘


***************************************************************



"ABA ANGELINA, ang aga aga pa para sumimangot ka. Ngumiti ka naman, lunes na lunes," puna sa kanya ng may edad na katapat ng maliit niyang Eatery.

Tumingin lamang si Angge sa may edad na babae at saka matipid na ngumiti.

"'Yan, ke ganda-gandang bata palaging nakasimangot," dagdag pa nito.

Nang tumalikod na ang matanda ay agad napalis ang pekeng ngiting binigay niya dito. Wala siyang makitang dahilan para ngumiti pa.

"Angge, isang order nga ng menudo saka dalawang kanin," order ng isang lalaking bagong dating.

Gaya ng dati, walang emosyon ang mukha na binigay niya ang order nito. Pag-abot ng pinggan nito na may laman kanin ay napansin niya na pasimple nitong hinawakan ang kanyang kamay. Nang tingnan ni Angge ito ay ngumisi lang ito.

"Ano bang gusto mong kainin? Isang order na menudo o isang order na lason?" mataray na tanong niya.

Mabilis na binitiwan ng lalaki ang kamay niya. Kilala ni Angge ito, driver ito ng isang jeep at suki niya doon sa maliit niyang Eatery, ang Angge's Eatery. Matagal na itong nagpapalipad hangin sa kanya pero hindi niya ito pinapansin.

"Joke lang, ito naman hindi mabiro," biglang bawi nito.

Lalo niyang pinormalan ang mukha at saka padabog na nilapag sa mesa ang pinggan.

"Miss, magkano lahat ang nakain namin?" tawag sa kanya ng babae sa

kabilang table. Kinuwenta niya ang total ng bill ng mga ito, bigla siyang natigilan ng dumukwang ang babae sa lalaki saka hinalikan ito sa pisngi. Kaya hinalikan din ito ng lalaki sa pisngi.

Lihim siyang nairita. Kaya tumikhim siya ng malakas at saka sinabi ang presyo ng nakain ng dalawa. Matapos magbayad ay magkahawak-kamay pang umalis ang mga ito. Habang nagliligpit ng pinagkainan, bigla na naman siyang natigilan ng may dumating na tao na kahit sa panaginip o bangungot ay ayaw niyang makita. Si Tina, ang dati niyang matalik na kaibigan. Nang mga sandaling iyon, gusto niyang ibato ang hawak na pinggan sa mukha ng babae. Ngunit tila may narinig siyang bumulong sa kanyang isipan na huwag niya itong sasaktan.

The Messenger's Trilogy Book 1: Surrender to an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon