Chapter 1

685 29 4
                                    

A/n: This is a Fantasy genre so lahat ng nakasulat dito ay puro kathang-isip lamang. Walang seryosohan (: Salamat😘

~~~

*Chapter 1*

~~~

-Zhena-

Dali dali kong hinablot ang aking tuwalyang nakasabit sa gilid at kumaripas ng takbo papuntang cr. Baka kasi mamaya ay mauunahan ako ng mga kasama ko sa bakanting shower.

Kakatapos lang naming mag practice ng volleyball and I dunno kong makakasama pa ba ako sa team bukas. Hindi maganda ang naging performance ko kanina kaya malamang wala ng pag-asa na makakapasok pa ako sa team nila.

Nasa kalagitnaan ako ng aking paliligo ng marinig ko ang mga yapak sa labas ng cr na ito. Dahan-dahan lamang ang bawat paghakbang nito.

"May tao ba jan?" Sigaw ko mula dito sa loob ngunit walang sumagot kaya nagsimula na akong manginig sa kaba.

Oh m g! Here I am again. Alam kong nakakatakot itong unibersidad na ito pero wag naman silang magparamdam sakin. Matatakotin ako, pramis.

"Ay kabayong tumatakbo!" Sigaw ko sa gulat noong may pumokpok ng malakas sa pinto nitong cr. Mas lalo pa akong nanginig dahil doon.

"Taena! Wag naman kayong kumatok ng ganun. Alam nyo namang mag naliligo diba? May lakad kayo? May lakad?" Sigaw ko kahit na natatakot na. Rinig ko mula dito sa pinto ang isang hagikhik kaya napakunot nuo ako. Teka! Mukhang alam ko na. I grin.

"Kilala ko crush mo kaya kung ayaw mong mabuking tigilan mo na yan." I said in a sarcasm. One... two... three....

"Waaah! Wag! Di ko na uulitin. Hahaha sorna kasi naman eh ang sarap mong takutin. Hahahah" pagtawa nya mula rito sa labas ng cr. See, hagikhik palang kilala ko na, ganun ko ka kilala ang kaibigan ko. Ganun kami ka-close in short.

Binilisan ko nalamang ang aking pagligo bago lumabas.

"Isang ganun mo pa at makakatikim kana talaga sakin." Banta ko sa aking kaibigan na kasama ko ngayong naglalakad dito sa hallway. Tumawa sya ng malakas staka nagsalita.

"Alam mo kasi Ereisa, wala naman talagang multo tong university. Anu kaba, may kasabihan tayo. Wag kang matakot sa patay, matakot ka sa buhay." Sabat nya tsaka tumawa na ng tumawa. I hissed. Bala ka jan.

She's Cecine Aguas, my friend since baby. Kapitbahay, kalaro, kakutusan at minsan kaaway. May sayad sa utak pero matalino at palaban.

Napatingin ako sa langit nang biglang magdilim. Tiningnan ko ang aking wrist watch at mag aala-sinco palamang ng hapon.

"May payong kabang dala?" Tanong ni Cecine dahilan upang mabaling ang aking atensyon sakanya. Tumango ako dahil merun naman talaga akong dalang payong.

"Mukha kasing anu mang oras ay babagsak na yan. Mabuti na yung lagi tayong handa sa anu mang sakuna. Charot." Dugtong pa nya sabay tawa ng malakas at binuksan ang hawak nyang payong. I was like, hays kalog ko nga palang kaibigan to, di pa ko nasanay.

It was already 5:15 pm at nag aabang kami ng masasakyan dito sa labas ng university nang makita naming hinahakus na tumatakbo papalapit sa amin ang isang estudyante.

Huminto sya sabay hawak sakanyang dibdib. Una kong napansin sakanya ang isang agilang klip na nakasabit sakanyang uniporme.

"Z-hena r-ight?" Panimula nya. Napataas ako ng kilay dahil doon sabay tango.

"Y-ou need t-o s-ee t-his.." He added while handling me his phone. Napatingin ako kay Cecine at pati ito ay napataas din ng kilay. Nag-aalinlangan kong tinanggap ang kanyang cellphone at tiningnan ito.

The First Woman (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon