Chapter 4

275 10 5
                                    

-Cecine-

Nanginginig kong nailapag sa kama ang aking cellphone after I've received a call from Zhena's mom.

Humagulgol ako ng iyak nang maalala ko ang huling sinabi ni tita Elsie, mama ni Zhena Eriesa.

"C-ecine, Z-hena's dead, wala na ang Eriesa ko"

Malakas kong sinampal ang aking sarili baka sakaling panaginip lamang ito. I need to wake up! Masaya pa kaming naghiwalay ni Zhena kanina sa university. Imposible ito!

Tumayo ako ngunit natumba lamang ako sa aking kinatatayuan. Mas lalo akong naiyak dahil wala na si Zhena, ang matalik kong kaibigan. Wala na sya!

Biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at nakatayo doon si mama.

"Cecine anung nangyari sayo?" Tanong nya pagkatapos ay lumuhod at inakay ako. Niyakap ko si mama at doon nag iiyak.

"M-a wala n-a si Zhena ma..." I cried.

"What!?" Iyon lamang ang tanging naisabi ng mama ko, niyakap nya ako ng mahigpit habang pinapatahan.

Isang taon lang ang lumipas simula nang mawala si Clarise. And now si Zhena naman. Ilang kaibigan ko pa ba ang dapat mawala? Hindi ko ba deserve ang magkaroon ng kaibigan sa mundong ito?

"Tahan na anak. Bukas na bukas ay pupunta tayo sakanila." Mama said. Tiningnan ko sya. Masakit man ay nagawa kong ngumiti ng pilit. She kissed me on my forehead before she leaves me in my room.

Naiwan akong tulalang mag isa dito sa kwarto.

Dahan-dahan akong nahiga pagkatapos ay kinumutan ko ang aking sarili.

Before I close my eyes, a sly smile form on my lips.

•••••

-Elena-

Tulala kong tinungo ang kwarto ni Zhena dito sa bahay. Dala-dala ko ang kanyang uniporme at iba pang mga gamit nya sa pag-aaral.

Nabangga ko ang mesa sa tabi ng daan patungo sa kwarto nya. Bumagsak mula roon ang isang picture frame at nabasag.

Unti-unti akong yumuko at pinulot iyon. Muling tumulo ang mga luha ko nang makita ang larawan. It was me and Zhena when we were just kids.

I remember the days when she was still five and I'm six. Isang taon lang ang pagitan namin si Zhena, yun ang rason kung bakit hindi nya ako tinatawag na ate.

Noong limang taon lamang sya ay masyadong masakitin si Zhena. We're always in the hospital because of her. I saw mom and dad crying silently.

When Zhena was eight I'm always in trouble, dahil lagi syang binubully at lagi ko naman syang pinagtatanggol.

"Di mo na kailangang ipangtanggol ako Elena. Kaya ko sarili ko."

"Alam kong isang taon lang pagitan natin Ereisa pero bilang ate mo di ako papayag na sasaktan ka nila."

I smiled bitterly when I remember it again.

"Sinong kausap mo doon sa labas."

"Si William..."

Noong gabi ng kaarawan nya, tinanong ko sya kung sinong kausap nya. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa isinagot nya. William is already dead. Kaibigan syang matalik ni Zhena noon kaya kilala ko sya.

The First Woman (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon