Buwan

301 17 4
                                    

Vice's POV

Hating gabi na pero hindi pa din ako makatulog. Kanina pa ako pabaling baling ng higa sa matigas at maingay sa sahig ng kubo ni Bay. Gawa ito sa kawayan kaya maingay, at nilatagal lang ng banig na gawa sa dahon ng niyog na hinabi. May kumot naman din at unan na kahit papaano eh hindi nalalayo sa mga nakagawian ko.

Iniisip ko pa din si Ate Girl.

"Nakuha ko ito nung araw na nakita ka namin ni Nanay. Natusok yata, pero hindi ko namalayan."

Naaalala kong sabi niya saakin habang kinikwento kung paano siya nagkapilat sa kanang kamay niya.

Ipinatong ko yung kanang kamay ko sa noo ko habang tinitignan ko yung bilog na bilog na buwan mula sa bintana. Sa pagmamasid ko dito eh parang naglalaro na yung imahinasyon ko dahil parang nagkakaroon ng mukha yung buwan at nakangiti pa saakin.

"Ano ba naman tong panaginip ko na to. Ang weird."

Bulong ko sa sarili ko dahil tulog na si Bay sa kabilang kwarto. Lakas pa nga ng hilik eh. Sumuko na ako sa pagsubok na matulog kaya dahan dahan na lang akong tumayo mula sa higaan ko at lumabas ng bahay. Madilim sa paligid pero hindi ko naman ininda yun dahil maliwanag naman yung buwan. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa dulo ng ilog kung saan kami nagusap ni Ate Girl. Umupo ako ulit sa ibabaw nung bato na inupuan namin tapos tumingin lang sa kalangitan. Ang ganda ng langit andaming bituin. Hindi gaya sa Maynila na halos wala kang makitang stars dahil sa dami ng ilaw.

"Jose Mari..."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun. May isang maskuladong lalake na nakatayo mula sa likod ko. Mahaba ang itim na itim niyang buhok at naka-suot lang ng bahag na kulay itim na itim na kumikinang sa liwanag ng buwan. Wow! Lakas maka-Derek Ramsay ng features oh. Pero wala naman akong naramdamang pagkagusto sakaniya. Kinabahan lang ako ng slight kasi baka rapist.

"Sino ka?"

Matinis ang tinig na sabi ko sakaniya. Agad namang may ngiting nabuo sa mukha niya.

"Ako ang taga-pangalaga ng buwan at ng gabi."

Sabi niya. Eh di wow. Natawa ako.
Napakunot noo naman siya saakin bago naglakad papalapit saakin.

"Tila hindi ka naniniwala saakin, Jose Mari."

Sabi niya. Grabe yung boses niya parang DJ sa radyo eh. Buong buo tapos ang lalim.

"Hindi naman sa ganun. Hindi lang ako sanay sa mga kemeng ganto. Tsaka ayaw lang yung buwan oh! Babantayan pa."

Natatawang sabi ko. Mukhang hindi naman siya nagalit dahil tinignan lang niya ako na parang curious siya saakin. Itinaas niya yung tungkod na hawak niya na ngayon ko lang nakita dahil itim na itim din yun. Inikot niya ng isang beses at kasunod nun eh biglang nilamon ng maiitim na ulap yung liwanag ng buwan.

"Hala!! Galing oh!!"

Sabi ko sabay palakpak pa sa ginawa niya. Nakakaaliw talaga tong kung ano man tong napasok ko na to eh.

"Hindi ka ba natatakot? Madilim na. Madaming lumalabas na masasamang elemento sa dilim."

Sabi niya na sinadiya pa niyang pahinain ang boses niya. Napalunok naman ako. Dun lang ako nakaramdamn ng kaunting takot.

Tumawa siya ng malakas bago iwinagayway ulit yung baston niya kasunod ng pagkalat ulit ng liwanag ng buwan.

"Jose Mari. May isang bagay na itinatago sayo ang Babaylan. Alamin mo ng hindi niya namamalayan."

Sabi ng kausap ko bago ako biglang nakaramdam ng antok at sa isang iglap eh nakatulog ako.

Nagising ako sa liwanag ng araw na tumatama sa buong katawan ko.

"Vice!! Vice!"

Narinig kong tawag saakin ni Ate Girl na noon ay humahangos sa pagtakbo papunta sa kinahihigaan ko sa gitna ng malawak na damuhan. Napaupo ako kaagad at inilibot ko yung mata ko sa paligid.

"Anong ginagawa mo diyan??"

Tanong niya saakin nung makalapit ma siya. May dala siyang basket na may lamang mga gulay. Tumingala ako sakaniya at napatakip ako ng kamay sa mga mata ko dahil nasilaw ako bigla sa sikat ng araw at sa ganda ng mukha niya...

Ha? Naiinis na ako sa sarili ko dahil nagagandahan ako sa babaeng to. Susme. Sana makabalik na ako sa tunay kong buhay.

Iniabot niya saakin yung kamay niya para tulungan akong tumayo kinuha ko naman yun at tumayo na.

"Hindi ko alam eh. Ang naaalala ko eh  nasa gilid ako ng ilog kagabi. Tapos may lalaking dumating, sabi niya siya daw yung taga bantay ng buwan at ng....."

Sabi ko habang naglalakad kami pero hindi ko pa natatapos eh napahinto na si Ate Girl sa tabi ko.

"Nakausap mo siya?? Si Bulan? Yung taga bantay ng buwan at ......"

Sabi niya.

"...ng gabi."

Sabay naming sabi. Tumango lang ako at naglakad ulit. Sumabay naman siya saakin na parang bata. Halos mabali ang leeg niya sa kakatingala saakin na parang nagaantay ng kadugtong ng kwento ko.

"Oh? Anong inaantay mo?"

Tanong ko sakaniya. Napa-pout naman siya tapos iling ng kaunti na parang bata. Natawa ako.

"Teka, saan ka nga pala nanggaling?"

Tanong ko sakaniya. Bumalik yung ngiti sa mga labi niya tapos ipinakita saakin yung basket na dala niya.

"Sa bayan. Magluluto kasi si Nanay ng espesyal ngayon dahil kaarawan ko."

Sabi niya. Napangiti naman ako skaniya.

"Talaga ba? Happy birthday sayo."

Sabi ko. Napalingon naman siya na parang hindi nagets yung sinabi ko. Napabuntong hininga na lang ako sabay iiling iling na ngumiti.

"Maligayang kaarawan."

Sabi ko sakaniya. Nginitian ulit niya ako habang tahimik na naglalakad.

"Doon ka na saamin mananghalian."

Sabi niya saakin. Natatanaw na namin nun yung bahay nila at yung nanay niya na may dala dalang kahoy na pang-gatong. Tinignan ko siya.

Napakagandang babae naman nito. Sana pagbalik ko sa panahon ko eh makilala ko siya ulit.

Napailing ako bigla.

Ano ba tong iniisip ko.

May jowa ka kaya sa taong 2017. Yung ngayon, dito lang ito. Iba ang reality mo, Vice.

Paalala ko sa sarili ko.

Nilingon ko ulit yung babaeng naglalakad sa tabi ko.

Sa ngayon, ito muna ang reyalidad ko....

Bulong ko sa sarili ko.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon