Fuse

209 16 19
                                    

"VICE!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakasubsob sa buhangin at agad na napa-upo.

Saglit na nagadjust ang paningin ko sa dilim ng paligid bago ko nilibot ng tingin ang kinaroroonan ko.

"VICEEEEE!"

Halos hysterical na tawag ng isang boses mula sa kung saan. Tinatangay yun ng malakas na paghampas ng tubig dagat sa shore.

Hindi ko man hanapin ang pinanggalingan nun ay alam ko kung kanino ang tinig na 'yon.


Kay Jackie.



Tahimik ako nakaupo. Hindi gumagalaw at nakamasid lang sa horizon. Hinihintay na muli akong tangayin ng oras at panahon sa ibang lugar at ibang oras.


"Dalhin mo na din kaya ako sa Mars, no? Nahiya ka pa saakin."


Sabi ko.



"Eh kung dalhin na lang kita sa umpisa? O di kaya sa gitna? O sa dulo?"




Napalingon ako sa babaeng biglang sumulpot sa tabi ko. Pilit kong inaninag ang mukha niya mula sa suot niyang itim na hoodie pero bigo ako.


"Sino ka nanaman? Hindi na ako magugulat kung bampira ka o ano man."




Walang gana kong sabi bago ulit binaling ang tingin ko sa dalampasigan. Tahimik na tawa lang sinagot niya saakin.



"Alex. Ako si Alex. Maniwala ka saakin, ako lang ang tanging makakatulong sayo."




Sabi niya. Kinilabutan ako sa lamig na hatid ng boses na 'yon. Nilingon ko si Alex bago tumayo para harapin siya.


"Sa paanong paraan?"



Tanong ko. Nilingon niya ako pero tanging yung mga labi niya lang ang nakikita ko. Ngumiti ito saakin bago magsasalita na sana nung biglang may lalakeng sumulpot sa tabi niya.


"MULTO!"


Sigaw ko sabay atras ng ilang hakbang. Kunot noo naman akong tinignan ng bagong sulpot na kung sino bago tinapunan ng tingin si Alex na mukhang hindi natuwa sa pagdating ng lalake.


"Huy, babae, ilang beses na ba natin 'tong napagusapan!"




Pagalit na sabi nung lalake kay Alex na kahit mas maliit sa kaharap eh mukhang hindi naman kinabahan manlang.


"Wag mo nga akong sinisigawan! Sino ba kasing may kasalanan kung bakit sumulpot yung babaylan!? Ako ba!?"




Galit na sabi ni Alex habang nakatingala sa kausap. Pero kahit nakatingala na ito ay tanging bibig lang nito ang nakikita ko. Napakunot noo ako sa sinabi niya at magsasalita na sana nung bigla silang lumingon saakin at parehong kunot na kunot ang noong tinitigan ako na parang pinagiisipan kung anong gagawin saakin.




Bumuntong hininga yung lalake bago pailing-iling na hinimas ang baba niya at nagsalita.




"Payag na ako. Pero sa dulo natin siya dadalhin. Kay Vice at hindi kay Dos."

Nakahalukipkip si Alex bago halatang nag-iisip. Maya maya ay bumuntong hininga na ito at nagsalita habang nakatulala pa din ako sakanila at walang ma-gets sa pinag-uusapan nila.


"Si Dos na nasa buhay ni Vice, correction. Nakalimutan mo na ata yung pakikialam mo nung nasa Psychologist sila."

Pairap na sabi ni Alex. Lalo akong naguluhan. Tumikhim ako saglit bago nagtaas ng isang kamay na parang humihingi ng permiso sakanila para magsalita.


In Another LifeWhere stories live. Discover now