Stay Close, Don't Go

281 18 33
                                    

Mula sa point na 'to ng story, wala nang ibang POV kundi kay Vice na lang. 😁😁

---------------

"Viceral!!"

Malakas na boses ng lalake ang umalingaw-ngaw sa tenga ko kasunod ng malamig na likidong biglang bumuhos sa mukha ko na nagpabalikwas saakin.

Napamulat ako at agad na nasilaw dahil sa araw. Nilibot ko ng tingin yung paligid nung makapag-adjust na yung mata ko.

Dagat.

Buhangin.

Araw.

"Asan..."

"Kasalukuyan."

Sabat nung katabi ko na agad kong nilingon. Si Negi yun. Naka-suot ng one-piece bikini, shades at beach hat. Natawa ako ng kaunti bago napakunot noo.

"Kasalukuyan? Paano? Bakit? Tsaka anong kasalukuyan? Wala na akong maalalang kasalukuyan. Jusko."

Naguguluhang sabi ko bago sinipat yung suot ko. Board shorts na neon green and white at puting sando.

"Viceral!! Ano ba! Dali na. Kulang kami oh!"

Sigaw ni Vhong mula sa hindi kalayuan habang nakatayo sa initan kasama si Jhong. Mukhang may nangyayaring game. May ibinatong kung ano si Jhong na muntik nang tumama sa mukha ko kung hindi ko naagapang masalo yun.

Bola.

"Ayoko!! Wala ako sa mood."

Sigaw ko sabay bato pabalik sakanila ng bolang kulay asul at dilaw. Binalingan ko ulit si Negi.

"Nagtagumpay ba ako?"

Tanong ko. Ngumiti siya ng malungkot bago tumango. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at muling humiga sa beach chair na kinauupuan ko.

Mabuti naman kung ganun.

Tatlo pa.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Ituloy tuloy na natin 'to. Nasan yung bulaklak?"

Tanong ko kay Negi na agad namang inabot saakin yung blue na rose na kasumpasumpa sa paningin ko.

"Si Rey at Ben muna bahala sayo. Chillax muna ako dito."

Sabi ni Negi na enjoy na enjoy sa pag sa sunbathing sa tabi ko. Inirapan ko siya bago ako pumitas ng petal kasunod ng mga bagay na alam ko na.

Agad kong naramdaman na lumulutang ako. Tila nakapatong ako sa kung anong bagay na palutang-lutang sa gitna ng kung saan. Binuksan ko yung mata ko at agad nasilaw.

"Pucha. Anong meron saakin at sa araw ngayon."

Bulong ko bago gumalaw.

Maling desisyon.

Agad akong lumubog sa tubig dagat pero agad din namang kusang kumampay ang paa't kamay ko na parang kabisadong kabisado na ang gagawin.



I emerged from the water at nakita ang isang surfboard na palutang lutang sa dagat. Agad ko yung kinuha at nagpaddle pabalik sa dalampasigan habang inaalala kung nasaan ako.


Malibu.

Naglalakad na ako nun sa dalampasigan habang nakasukbit sa isang braso ko yung sufboard ko. Tinignan ko yun saglit.

Puti na may mga linyang blue at may nakasulat na salita sa ilalim.

"Tadhana?"

Basa ko. Hinalungkat ko ang isip ko pero walang kahit isang memory ni Ja---

In Another LifeWhere stories live. Discover now