Mission 1

7.5K 140 3
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Rylee Lavigne POV

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa campus ng school na 'to, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nahahanap ang Royal building. Hsst! Ano ba yan! Bakit kasi ang dami-daming building dito?! Tsk! Alam ko namang magara 'tong school nila pero sana naglagay man lang sila ng karatulang 'ROYAL BUILDING' para naman hindi kami mahirapan na mga transferees. Tsk!

"Ahmm, excuse me, miss."singit ko sa dalawang estudyante na nag-uusap. Bastos ko din, eh no?

Humarap sila sakin tsaka ako pinagtaasan ng kilay. Aba ang taray nila. Nakakatakot tuloy ang mga itsura nila------for the normal student. But for me? Nah. I'm not afraid by tgat look. Ba'ka nga sila pa ang matakot sakin eh.

Bago ko pa man makalimutan ang ipinunta ko dito ay tinanong ko na sa kanila ang kailangan 'kong itanong.

"Ahmm, alam niyo ba kung nasan yung Royal building?"I said in respect kahit na gustong-gusto ko ng gamitin ang bossy kong boses.

Nagkatinginan muna sila bago humarap sakin na tumatawa. Hmm? Anong problema ng mga 'to? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Tsk!

"Royal?"natatawang tanong ng isang babae na tinanguhan ko lang bilang sagot.

"Ba'ka rebelion building. Hahaha!"singit ng isa at tumawa na sila at kulang na lang ay humiga sila sa sahig dahil sa kakatawa.

"Ahh.. saan ba yun?"tanong ko na lang kahit na mukhang baliw na ito'ng mga 'to.

"Doon oh... kumaliwa ka tapos may makikita kang building. Yun na yung building niyo."sagot ng babae sakin habang nakaturo sa direksyong tinutukoy niya.

Kahit na mukha na silang baliw sa kakatawa ay pinagsalawang bahala ko na lang.

"Salamat."magalang 'ko paring sagot bago ako dumiretso sa sinabi nilang direksyon.

Pagliko ko pa lang ay halos mapanganga na ako sa building na tinutukoy nila. Seryoso ba sila? ROYAL building ba 'to? Bakit parang tambakan na ng basura ang building nila? Hindi naman siya sa literally na may mga basura pero yung kulay ng building ay papasa na bilang isang bodega. May mga vandal na din ito at feeling ko mabaho ang C.R dito. Hsst! Hindi ako nainform na ganito na pala ang 'ROYAL'. Buong akala ko pa naman ay maganda ang building. Pangmayaman ang dating. Tapos mga conyo ang mga estudyante'ng nasa 'ROYAL'. Tsk! Tsk! Tssk! Nagkamali ako. Hindi ganito ang naiimagine ko sa 'ROYAL'.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at may mga estudyante naman dito sa building na 'to. Yung iba ay napapatingin pa sakin. Nakakatakot ang mga tingin nila. Parang kakainin ako sa mga masasamang tingin na binibigay nila sakin.

Talaga bang ganito dito? Masyadong nakakatakot ang mga tao? Or sadyang ganyan lang ang mga mukha nila? Kunwari nakakatakot pero ang totoo ay mas maamo pa sila sa kuting.

Pinilig ko na lang ang ulo ko at hinanap ang number 12. Yun kasi yung nakalagay sa class schedule ko, R-12. Kaya lang naman Royal ang tawag ko kasi ROYAL section ang naririnig 'kong tawag doon. Ba'ka code name lang siguro, ganern.

Nakarating ako sa 3rd floor at sa unang room ko nakita yung 12. Ito na siguro yung room ko.

Pinagcross ko muna ang hintuturo at hinlalato ko sa magkabilang kamay ko tsaka ako bumuntong hininga. Ito kasi ang pantanggal kaba ko. Hindi naman ako palakaba pero iba ang nararamdaman ko ngayon.

Nang kumalma na ang pagpintig ng puso ko ay kumatok na ako sa pinto. Pansin ko ang pagtingin sakin ng mga estudyante na mas lalong ikinakaba ko. F*ck it! Kinakabahan na naman ako.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon