Mission 65

2K 72 25
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
RYLEE POV

Dapat di ako nagpadalos-dalos. Dapat di ako nagpalamon sa galit ko. Dapat di ko pinutok yung baril.

Nang dahil sakin ay nasa piligro ang buhay ni Ked. Nang dahil sakin ay nabaril siya. Kasalanan ko lahat ng ito eh. Kasalanan ko.

"Ry..."napatingala ko ng marinig ko ang boses ni kuya.

Nagkakagulo na dito sa loob ng barko at may puro pagputok ng baril ang maririnig mo. Alam 'kong nandito na sila Ace at Joaquin kasama ang iba.

"K-kuya..."tawag ko sa pangalan niya.

Walang tigil sa pagbuhos ang luha ko dahil sa nangyari ngayon.

Agad akong dinaluhan ng yakap ni kuya at pilit na pinapatahan.

"Ssssh~ hindi mo kasalanan yan. Wala kang kasalanan. Tama na."

"P-pero kuya, nabaril ko siya. N-nabaril ko a-ang kaibigan ko."

"Ssssh~ magagamot pa siya. Dalhin na lang natin siya sa Cabin at bigyan ng paunang lunas."wika niya na agad 'kong tinanguhan.

Binuhat ni kuya si Ked habang ako naman ay nakasunod. Kapag may haharang na kalaban ay agad 'kong binabaril. Kailangan pang mabuhay ni Ked. Wala siyang kasalanan dito kaya dapat siyang mabuhay. Dapat si Luther ang mamatay. Dapat siya ang nasa kalagayan ngayon ni Ked. Dapat siya!

****
3rd Person POV

Mas lalong lumalim ang galit ni Rylee kay Luther dahil na din sa nangyari kay Ked. Pero sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili.

Samantala, sa kabilang bahagi naman ng barkong ito ay patuloy ang pagpapalitan ng putok ng tatlong clan. Ang clan ni Rylee na Petal Mafia, MiyaVigne Mafia---na pagmamay-ari din ni Rylee at ng kuya niya pero nasa ilalim ito ng pamumuno ni Luther. At ang Tiago Mafia na pinamumunuan naman ni Rex Santiago---ang panauhing pandangal sa pagtitipong ito.

Ang grupo ni Jace naman ay naghahanda na para sa paglusob nila sa kinaroroonan nila Ked. Alam na ni Jace kung sino ang totoong ama ni Ked kaya naman gusto niyang makausap kanina si Ked pero wala ito. Hindi na sana nila susundan pa si Ked sa Batangas pero nakatanggap sila ng mensahe galing kay Ked na kailangan niya ng tulong. Kaya ngayon ay naghahanda na sila sa pagpasok sa barko.

*****
Lester POV

Pagdating namin dito ay nagkakaputukan na. Madami ng nakahandusay sa sahig at ang iba naman ay patuloy pa rin sa pakikipagpalitan ng putok.

Tumingala ako sa taas ng barko at nakita ko ang isang lalaking pangit na tinututukan ako ng baril kaya inunahan ko na siya. Pinaputokan ko na ang walang laman niyang bungo.

Nanghiwa-hiwalay kami at nakisali na din sa bakbakan. Matagal na din ng huli kaming makipagbarilan ng ganito kaya naman nakakaexcite. Buti na lang at di madamot si Ked dahil sinama niya kami sa bakbakang ito. Pero speaking of Ked, nasaan na kayo ang torpeng bata na iyon?

["Find Ked."]dinig kong wika ni bosing Jace sa suot 'kong earpiece. Konektado ito sa aming lahat.

"Okay, boss!"sagot ko sa kanya at agad akong pumunta sa second floor ng barkong ito. May mga nakahandusay na mga tao dito at ang iba ay ang sesexy pa. Kaso patay na! Sayang naman ang mga malulusog nilang hinaharap.

Binuksan ko ang mga cabin dito pero wala akong makita. 

*bang!*

Napatago ako ng wala sa oras dahil sa pagputok ng baril na iyon.

Make The Mafia's FallWhere stories live. Discover now