Prologue

350K 4.5K 329
                                    


Geneva's POV

"Hi Gen, saan ka after?"

Nilingon ko ang kasamahan ko sa trabaho. Co-FA ko siya at magkasama kami sa flight kanina. Siya rin ang pinakamalapit kong kaibigan dito sa work. Katatapos lang namin sa last leg namin for today which was from Hong Kong to Manila. We are both international flight attendants.

"Wala, sa condo lang ako. Pagod ako kasi naman five legs tayo since yesterday at dere-deretso pa. I need to make up with my sleep."

"Sabagay..." kibit-balikat na sagot ni Cathy. "Ako nga rin gusto ko na magpahinga but my boyfriend wants to see me. In fact, susunduin niya ako ngayon." Saka may narinig kaming bumusina sa harapan. "Ayun na pala siya. Bye, Gen. See you soon sa next flight natin." Nagbeso muna kami bago siya umalis papunta sa kotse ng boyfriend niya.

I smiled when I saw her get in the car. Buti pa si Cathy may boyfriend na. Ako kaya kailan? At the age of 26, wala pa rin akong boyfriend.

Since birth na akong single. Sabi ko noon, pag nakapagtapos ako ng pag-aaral saka ako magkaka-boyfriend. Pero anim na taon na akong graduate at ito, wala pa rin akong boyfriend. May mga tao talaga na hindi ligawin tulad ko.

Naglakad na ako papunta sa loading area dahil doon naghihintay ang shuttle van namin. Every time we arrive at the airport, may shuttle na naghahatid sa amin pauwi.

I stopped on my tracks nung may tumigil na white van sa harapan ko. Napakunot ang noo ko dahil hindi naman ito ang van na usually na naghahatid-sundo sa amin. This one had no sticker of the airline logo of where I work, but this van looked expensive.

Thinking na hindi naman ito ang van na para sa amin, naglakad ako papunta sa kabilang gilid para hanapin ang shuttle but when I was about to walk away from the white van, agad na may humila sa akin at bago pa ako makapagsalita ay may tumakip na sa ilong ko then I passed out.

Nagising ako na masakit ang ulo. Dinilat ko ang mga mata ko and I realized na nasa isang kwarto ako. It looked nice, clean and fancy. Magagandahan pa sana ako sa lugar pero nung naisip ko na na-kidnap ako, dahil hinila na lang ako bigla kanina ng kung sino man iyon at nagising na nasa hindi kilalang lugar na ako, agad akong kinabahan.

Tiningnan ko ang paligid at ni isa ay wala akong nakitang tao. Mas lalo akong kinabahan. Hindi talaga pamilyar sa akin ang lugar na ito. Bakit nila ako dinala rito?

Kanina lang ay nasa airport lang ako tapos nandito na ako ngayon. Saan kaya ang lugar na 'to? Sana makaalis ako rito. May mga flight pa ako bukas!

Naputol ang pag-iisip ko nung may biglang pumasok sa pinto kaya agad akong napaatras sa dulo ng kama. Kinabahan ako sa kung sino man ang pumasok. Nakita ko na isang babae ang pumasok at nakangiti pa ito sa akin. Mukhang mabait naman siya kaya nawala nang kaunti ang kaba ko.

"Hi, Ma'am! Ako po pala si Jinggay," pakilala niya sa akin. "Ma'am, kain na po kayo, oh. Breakfast niyo po."

Napatingin ako sa tray na dala niya na may lamang pagkain. Wait. "Breakfast?" takang tanong ko na ikinatango niya. "Ibig sabihin, nakatulog ako buong araw kahapon?" Tumango ulit siya. "Paano na ang trabaho ko? Paano pag nasesante ako dahil hindi ako nagpaalam na hindi ako makapapasok ngayong araw?"

Napahilamos ako ng mukha gamit ang kamay ko. Hindi pwedeng mawala sa akin ang trabaho ko. Pinaghirapan kong makuha iyon. Natigilan ako sa ginagawa ko nung may napansin akong bakal sa aking daliri.

Nanlaki ang mga mata ko nung makita ang isang eleganteng silver diamond ring. Alam kong hindi biro ang singsing na ito. This costs a fortune!

"Oh my gosh... Kaninong singsing ito?"

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon