Chapter 3

18 1 0
                                    

Chapter 3

"Andun na 'yung transferee.."

"Ano nga ulit pangalan nun, pre?"

"Ceres Angelique, tandaan mo kasi.."

Umagang-umaga ay sirang-sira ang araw ko. Tss! Kesyo maganda daw sya, palangiti, friendly, magaling makipaglaban, at cool pa daw ng kapangyarahin nya.

Mga bulag! Hindi ba nila makita ang totoong kulay nito? Burara! Maingay! Isip-bata! May sayad!!

Saan ang katangi-tangi dyan? Tss!!

"'Yan na sya dude."

"Tangina, ang ganda nya talaga.."

I looked around, annoyed. When I spotted her, naningkit ang mga mata ko lalo na nung tumawa at ngumiti sya. Kasama nya 'yung dalawang bugok na kaklase nya sa isang subject nito. Wala naman sa kalingkingan ng kakisigan ko! At may pahampas pa talaga syang nalalaman?!

Three days! Tatlong araw palang simula nang pumasok sya sa paaralang ito pero halos lahat ng tao ay nakuha na nya ang loob.

Di ko alam kung manhid ba o sadyang tanga lang talaga ang babaeng 'to para di mapansin ang mga tingin na pinupukol sa kanya lalo na ng mga kabaro ni Adan. Tss!

"Sige nga pre, lapitan mo."

Nabaling ang tingin ko dun sa dalawang lalaki, ang isang lalaki na sinabihan ang baliw na babae ay parang nag-isip pa.

"Pre, lapitan ko kaya at ligawan ko."

Nagpanting ang dalawang kilay ko, ang kanina pang nagpipigil na Chadwick at Luigi, maging ang tahimik na Mario ay napabunghalat ng tawa.

"Shut the fuck up, idiots!" I hissed na syang umagaw ng atensyon ng lahat, including her. I was expecting her to smile at me, kasi okay naman kami kanina sa bahay pero wadahek?!

Umirap sya! Inirapan nya ako!! Ako na prinsipe at hinahangaan ng lahat?!

Laglag ang pangang napatitig ako sa papalayo nyang bulto, ang tatlong bugok, di pa'rin tumitigil sa pagtawa.

"Burn!!!" sabay na sabi ng tatlo bago magsimulang tumawa ulit. I glared at them sabay walk out, iniwan ko 'yung babaeng di ko naman kilala na basta nalang kumapit sa'kin kanina.

Buong first period wala ako sa mood, di naman ako sinisita ng guro. Takot lang nun. Sinong di masisira ang mood kung may tatlong ugok na wala ng ginawa kundi bwisitin ka.

Second period, medyo okay kasi wala si Luigi, lumandi ata. Pero ngayong kakatapos lang ng second period, and I was planning na dumeretso sa training room kung di lang nakasunod ang tatlo. Oo, tatlo na. Bumalik na ang ugok na Luigi.

"Someone is jealous..." Chadwick singsong na kumikinding pa ang pwet

"Tame your green monster!" followed by the ever supportive Luigi

"Bow." ended by Mario

At uulitin na naman nila. Habang patagal nang patagal ang pangbubwisit nila, mas sumasama rin ang timplada ko. 'Yung tao sa paligid na'min ay nakakaramdam na, pero ang tatlo ay mukang mas nag-eenjoy pa.

"Someone is jea– woah! Galit na sya, dre!"

Biglang nagkaroon ng apoy ang paligid ko, agad na nagsinghapan ang mga estudyante at nagsitakbuhan. I glared at them, kung kanina ay para silang bulate na di makatae, ngayon naman ay para silang aso na sobrang bait.

"Don't test my patience, di nyo gugustuhing magalit ako sa inyo–"

"Si Pretty.." biglang sabat ni Luigi, "..nasa clinic."

Heaven's GraceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang