Chapter 6

10 1 0
                                    

~ Chapter 6 ~

Thursday. Suspende ang klase dahil sa gulong nangyari kahapon. Next week daw ulit ang pasukan kaya heto ako, nakahilata kahit na alas-otso na ng umaga.

"Hooy babae!! Hihilata ka nalang ba buong araw dyan?!" sigaw ng ulol sa labas habang minamassacre ang pinto.

"Inaantok pa ako kaya manahimik ka dyan, lalaki!" balik sigaw ko sabay tabon ng mukha ko ng unan.

"Anong oras ka ba nakatulog?! Tae! Wag mo kasing isipin masyado yung halik ko!"

Feeling ko ay namula na naman ang magkabila kong pisnge, kaya para matigil na sya kakadada, agad na tumayo ako at pinagbuksan sya.

"Oh? Ano kailangan mo?" pambungad ko.

Napatingin naman ito sa'kin, kunot-noo, "Anong hayop ang nangitlog dyan sa buhok mo? Magsuklay ka nga, ang pangit mo!" panlalait nito tsaka tumalikod at umalis.

Naiwan na naman akong nagpupuyos ng galit. Napakawalang modo talaga ng lalaking 'yun. Tss! Pagkatapos kong maligo, agad na nagbihis ako, di ko kinalimutan na magsuklay dahil baka anong panlalait na naman ang maabot ko sa walang hiya na'yun.

Pagkababa ko ay naabutan ko silang nasa kusina at nilalantakan ang cookies na natira kagabi. Mukang naparami ata ang nagawa ko.

"Yow! Ganda na'tin ngayon Cay ah." bati ni Chad na itinaas pa ang kamay. Nginisihan ko lang sya.

"Woah! Di kita nakilala, Pretty!" bulalas ng itlog na si Luigi at pumalakpak, "Ligawan na kaya kita total hindi pa naman kayo kasal nitong si Mahal na Prinsipe."

"Shut the fuck up, Luigi."

Di ko nalang sila pinansin, I smiled at Mario who nodded his head in return. Nakiupo ako sa tabi ni Mario at nakikain ng cookies.

"Anong plano nyo ngayong araw?" tanong ni Chadwick.

"Date with Coreen this morning, and Caren this 3 pm." sagot ni Luigi na nakangisi.

"Magkapatid 'yun diba?" tanong ni Chad na syang nagpalapad sa ngisi ni Luigi.

"Yup! Mukang alam naman nila, ayaw ko na may mainggit kaya pinagbigyan ko na silang dalawa." he said proudly

Malakas nga itong binatukan ni Zach, "Ang gago mo!"

"Ulol! Gwapo ako, at di ko na kasalanan 'yun." pagdedepensa pa ng ulol sa sarili.

I just rolled my eyes on him, "Makarma ka nawa."

"Naaah! Di ako naniniwala sa karma." ito, "So, ikaw kakambal, anong balak mo?"

"Uuwi ng bahay, I missed mom and dad. At pwede ba, wag mo akong tawaging kambal, nakakahiya ka." si Mario at di na ulit pinansin ang kakambal na nanghaba ang nguso.

"Ikaw Zach?" tanong ni Chad.

"Pakialam mo?!" He hissed sabay walkout. Naiwan naman kaming natigilan dahil sa inakto nya.

"Anong problema nun?" tanong ni Chad.

"Ewan." sagot ko nalang at kumuha ulit ng cookies.

"Ikaw Cay, ano plano mo?"

"Mamamasyal kami ni Jam, around 10 am. Ikaw ba?"

"Sama nalang ako!" sabi ni Chad kaya tumango nalang ako.

"Ako rin!" si Luigi, "Text ko nalang sila na sunod nalang 'yung date na'min." sabi nito.

"I'll tag along." si Mario.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa kanila. "No, si Chad lang ang isasama ko. Kayong dalawa, ituloy nyo ang kung ano man ang gagawin nyo."

Akmang aangal pa si Luigi nang pinandilatan ko. Ayown! Nadala naman sya sa tingin. Kalahating oras bago ang alas-dyes, umalis na kami ni Chad. Di na ako nagpaalam pa kay Zach since di ko alam kung saan sya nagpunta. Dinaanan ko nalang si Jamie sa bahay nila.

Heaven's GraceWhere stories live. Discover now