Chapter 7

8 0 0
                                    

~ Chapter 7 ~

Pagkatapos na'ming mag-usap ni Jamie, ito ako ngayon, kinakain ng konsensya ko.

'You are way important than any knowledge, Cay.'

Ang gaga kong kaibigan para papiliin ng ganun si Jamie. At ngayong gabi na, di ako mapakali dito sa loob ng kwarto ko. I tried texting her, I even called her pero ni isa ay wala syang sinasagot.

I closed my eyes and stood up, kinuha ko 'yung coat ko sa tabi at mabilis na isinuot bago bumaba. Naabutan ko pa ang lalaking hudyo na umiinom ng tubig.

"Saan ka na naman pupunta, babae?"

"Nag-aalala ako kay Jamie. I saw the bruises on her body, feeling ko talaga ay sinasaktan sya sa kanila eh." sabi ko.

Agad naman na sumeryuso ang mukha nito, he grabbed his key and dragged me outside. He drove his car at iyon ang ginawa na'min para makapunta kami sa kanila.

Pagkarating na'min sa tapat ng bahay nito ay mas lalo akong kinabahan. Masyadong tahimik ang paligid, the only thing I could hear was the fast beating of my heart and my ragged breathing.

"Go, knock on her doorway at sabihin mo na may usapan kayong mag-overnight sa bahay. Kung di ka nila pinayagan, I'll follow you."

Tumango lang ako sa kanya at ginawa ko ang sinabi nito. After I knocked several times, bahagyang bumukas ang pintuan at sumalubong sa'kin ang medyo may katabaan na lalaki.

"Sino ka at anong ginagawa mo rito, miss?" he asked me with his rusty voice, ramdam ko rin kung paano nya ako tingnan na syang binaliwala ko lang.

"My name is Ceres Angelique Yxure, Cay for short. Kaibigan ako ni Jam."

Di nakaligtas sa paningin ko ang biglang pagtagis ng bagang nito pero pinapasok naman nya ako. I secretly dialed Zach's number at sinagot naman nito pero di sya nagsalita, mukang nakuha ng lalaki kung ano ang pinaparating ko.

"Anong kailangan mo miss? Kape? Juice? Tubig?" tanong nito.

I politely declined his offer kaya naupo nalang sya sa harapan ko. It's a good thing kasi maluwang na tshirt ang suot ko at denim short na di naman ganun kaikli. I used my coat to hide my expose legs kasi feeling ko ay minamanyak ako ng lalaking 'to habang nakatingin sa'kin.

"So, ano ang sadya ng isang magandang binibini na kagaya mo sa munting bahay na'min?"

"Andito ako para sana sunduin si Jam dahil may usapan kami na overnight." sabi ko at pasimpleng tiningnan ang kabuoan ng bahay kung saan ako ngayon. "Ikaw lang ba mag-isa ang kasama ni Jamie dito?"

Nagkibit-balikat ito, "Yung Nanay ko ay mukang bukas pa makakauwi dahil may mahalaga daw na pupuntahan tapos ang Ama ko naman ay  nasa mahalagang pagpupulong ng Council, alam mo na, council member sya. Si Jamie naman ay kanina pa natutulog sa kwarto."

Nangunot ang noo ko, hinding-hindi ko iiwan si Jamie na mag-isa kasama ang lalaki na ito.

"Pero sabi nya kasi sunduin ko sya dito eh."

Biglang nangunot ang noo nito at nabahidan ng pagkairita, "Miss, mawalang gana na pero nasa loob ka ng pamamahay na'min. Kaya kung ayaw mo na tawagan ko ang Ama ko ay umalis ka na dito."

"I came her to take her, now, tell her that Cay is here to fetch her. And don't you dare meddle with my business, lalaki." sabi ko kasi ramdam ko na ang presensya ng lalaking naiwan ko sa sasakyan sa kabilang bahagi ng pader. I sensed him calmed a little, kaya medyo napanatag ako.

"Aba't–" natigil ang kung ano man na sasabihin nito nung tumalim ang titig ko sa kanya.

"Wala sana akong balak na makialam hanggang sa wala syang sinasabi sa'kin. Pero dahil sa mga pasa nito sa katawan, alam ko na hindi ligtas ang kaibigan ko sa lugar na'to. Ngayon, may dalawa ka lang na pagpipilian. Sabihin mo sa'kin kung nasaan sya at ako na mismo ang kukuha sa kanya o dalhin mo sya sa'kin bago pa ako mawalan ng pasensya sa'yo."

Heaven's GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon