SLL 7

6.5K 386 99
                                    

Tingnan niyo po sa Multimedia ang gwapong gwapong si Ivan :)

______________________________________

Joren's POV


"Dahil dalawa naman ang kwarto natin doon ka sa kabila" ang sabi ni Ivan.

"Ha? Iiwan mo ko dun mag-isa?"

"Oo. Ano sa tingin mo? Wala dito ang mga magulang natin kaya wag kang umarte diyan na merong tayo"

"Pero Ivan hindi ko kayang mag-isa doon"

"Talaga ba? Nakakapag-isa ka nga sa kwarto mo diba?"

"Iba naman yun saka iba na ang sitwasyon ko ngayon. Buntis ako Ivan"

"So what? Mababago ba niyan ang paniniwala kong hindi kita mahal?"

"Ang akin lang naman ay natatakot ako sa magiging kalagayan ng anak natin kapag may nangyari sa aking masama na wala ka sa tabi ko"

"Edi puntahan mo ko sa kwarto ko kung may kelangan ka. Ganun lang kasimple"

"Ivan anak mo rin ito. Wag mo naman kaming ganyanin" ang umiiyak na sabi ko.

Oo iyak ako ng iyak. Hindi ko alam kung bakit ako nagiging ganito ka emosyonal. Hindi naman ako ganito dati.

"Wag ka ngang umiyak diyan!" ang naiinis na sabi nito.

"Ikaw kase eh. Pinapaiyak mo ako" ang humihikbing sabi ko.

Napasabunot lang siya sa kanyang ulo.

"Oo na! Oo na. Tumigil kana diyan. Basta hindi ako tatabi sayo ha" ang naiinis na pagsuko nito.

"Galit ka ata eh. Uuwi na lang ako sa amin" ang umiiyak pa ring sabi ko.

"Urgh!!!" sigaw niya.

Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili.

"Hindi ako galit. Tumahan kana dyan please.." ang malumanay na sabi nito.

Tumango naman ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. Nakatitig lang siya sa akin.

"G-gusto ko ng magpahinga" ang sabi ko.

"Sige. Ipaglalatag na kita ng higaan mo" tiningnan pa niya ako bago siya umakyat sa kwarto namin.

Pagkaalis ni Ivan ay naupo lang ako sa sofa namin. Hindi ako nag-iinarte o umaarte ha. Totoong umiyak ako. Bakit kaya napakaemosyonal ko ngayon? Nakakapanibago. Hays..

"Umakyat kana dito" sigaw niya mula sa taas.

"Oo. Aakyat na ako"

Pagkaakyat ko sa taas ay nakaayos na ang higaan ko. Sa kama ako habang siya naman sa sahig.

Nagpalit lang ako ng pangtulog at nahiga na sa kama.

Hindi ko alam pero nakatulog ako agad dahil siguro sa sobrang pagod at sa pag-iyak ko kanina.

Nagising na ako na umaga na pala. Dumiretso ako agad sa cr at sumuka. Grabe yung pagkahilo ko ngayon mas malala kesa noong nakaraan. Parang mas lalo atang tumitindi araw araw. Ganito daw talaga ang mararamdaman ko sa unang trimester o tatlong buwan ng pagbubuntis ko.

Matapos kong sumuka ay nagtooth brush lang ako at bumaba na para hanapin si Ivan. Wala na kase siya pag gising ko.

Naabutan ko siya sa baba. Kumakain. May nakahain na rin na mga pagkain.

"Kumain kana diyan" walang ganang sabi nito. Napangiti lang ako. Ang sweet naman niya.

Naupo ako sa harapan niya.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon