SLL 26

3.9K 210 36
                                    

Joren's POV

Sobrang lakas ng pagkakahatak sa akin ni Ivan. Galit na galit itong nakatingin kay Mico. Hindi ko alam pero nakakatakot ang awra niya. Ngayon ko lang siya ulit nakitang ganito.

"Umuwi na tayo" ang madiin na sabi nito.

"I-ivan nasasaktan ako" daing ko.

Sobrang higpit kase ng pagkakahawak niya sa akin.

"Teka pare. Wag kang ganyan nasasaktan yung tao" ang sabi ni Mico.

"Wag kang makialam dito. Bakit? Sino ka ba Ha!" halos pasigaw na sabi ni Ivan. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko.

"Teka. Teka lang ha. Anong gulo ito Mister Solomon. Wag kang gumawa ng iskandalo dito. Sa pagkakaalam ko wala kang business dito" ang sabi ni Sir.

Tiningnan niya lang ng masama si Sir.

"Wag mo kong matingnan tingnan ng ganyan Mister Solomon. Anytime pwede kitang ireport sa kataas taasan ng paaralang ito"

Napaiwas naman ng tingin si Ivan.

"Sorry sir pero kelangan na naming umuwi" kinuha nito lahat ng gamit ko habang mahigpit pa ring nakahawak sa braso ko. Parang ayaw na niya akong bitawan. Wala akong nagawa kundi ang magpaanod sa agos niya. Hila hila niya ako palabas ng court.

Sa totoo lang. Grabe yung hiyang naramdaman ko sa oras na ito. Hindi ko alam pero nakakahiya talaga kay sir at sa mga kagrupo ko.

Pagkalabas namin ng court ay biglang na lang may humawak sa kabilang braso ko na naging dahilan ng paghinto namin ni Ivan. Pagtingin ko ay si..

Si Mico pala.

"Bitaw!!" sikla ni Ivan dito.

"Pare hindi dapat ganyan ang trato sa jowa mo kahit bakla yan" ang sabi nito.

"Wag kang makialam dito kung ayaw mong masaktan, Basag sakin yang mukha mo" Grabe yung galit sa boses ni Ivan. Napangisi lang si Mico.

"Wag kang mag-alala pare sanay ako sa basagan ng mukha"

"T*ng *na mo pala eh! Wag kang mag feeling hero dito! Hindi mo to jowa kaya wag kang makikialam dito!"

"Hindi ako makikialam pare, pero wag mong ganyanin yan. Hindi dapat sinasaktan ang tulad ni joren"

Natawa si Ivan.

"Bakit jowa ka na rin ba ni joren ha?!"

"Hindi pero may pakialam ako. Kaibigan ko siya"

"Kaibigan? Eh gago ka pala eh. Akala mo hindi ko nakita yang pa tsansing tsansing mo sa kanya Ha! Asa ka. Hinding hindi to mapapasayo"

"Eh mas gago ka pala eh. Hindi yan gamit para ganyanin mo"

"Mas Gago ka rin! Suntukan na lang oh" hamon ni Ivan dito.

"Sige ba! Kanina pa ko naaangasan sayo eh" hamon rin ni Mico dito.

Sa sobrang inis ko ay pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak nilang dalawa sa akin.

"Ano ba ha! Hindi ba kayo titigil?" sigaw ko sa kanila. "Ikaw Ivan. Ano bang problema mo? Kung yung nakita mo kanina ang ikinakagalit mo nagkakamali ka. Wala kaming ginagawang masama ni Mico pwede ba"

"Wala? Eh tuwang tuwa ka ngang nakikipagyakapan sa kanya. Napaka-LANDI MO!"

Sa sobrang inis ko ay nasampal ko siya ng malakas. Nagulat siya pati ako ay nagulat din sa nagawa ko.

Binalot kami ng katahimikan.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Ivan. Kahit nasasaktan ako sa pangbabalewala mo sa akin hindi sumagi sa isip ko na lokohin ka. Hindi ko nagawang tumingin sa iba. Masaya lang ako kase may taong kaya akong pasayahin tuwing nalulungkot ako na dapat ikaw ang gumagawa nun. Pero yung lumandi ako Ivan? Sana makita mo yan sa sarili mo" ang umiiyak na sabi ko.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon