SLL 29

5.2K 282 53
                                    

Joren's POV

"Anak subukan mong pumasok. Ilang araw ka nang hindi pumapasok sa school" ang sabi sa akin ni mama habang binibihisan ko ang mga bata.

"Opo 'Ma. Papasok na po ako ngayon" ang nakangiting sabi ko kay mama.

Bigla kaming natahimik.

"Joren anak.."

"Po?" ang sabi ko habang nilalagyan ng powder si baby phim sa likod.

"Hindi mo na ba talaga patatawarin si Ivan. Araw araw at gabi gabi siyang nandyan sa labas ng bahay natin. Naaawa na rin ako sa batang yan. Mukha namang nagsisisi na siya anak at ginagawa ang lahat para patawarin mo siya"

Humarap ako kay mama at ngumiti.

"Ok na po yun 'Ma. Susuko rin po yan saka mas makakabuti po kay Ivan kung magkakaroon siya ng normal na pamilya. Ayoko pong maranasan niya araw-araw ang panghuhusga ng mga tao. Ayoko pong sirain ang magandang kinabukasan niya. Sayang po siya kung sa akin lang siya mapupunta" ang nakangiting sabi ko kay mama. Niyakap lang ako ni mama.

"Gusto kitang salungatin anak pero kung saan ka man dalhin ng desisyon mong yan nandito lang kami ng papa mo... Sa totoo lang anak noong una talaga hindi ko gusto si Ivan para sayo pero kung papipiliin mo ako. Siya parin ang pipiliin ko para sayo anak. Umaasa parin ako na magkakabalikan kayo. Alam kong kaya ka niyang alagaan hanggang sa pagtanda niyo. Hindi mo man makita anak pero nakikita kong magiging mabuti siyang asawa at ama sa mga anak niyo"

Sobrang positive ni mama.

"Salamat po 'Ma" hinalikan ako ni mama sa pisnge.

"O siya. Ako na diyan anak. Maligo kana at baka magka-iyakan pa tayo dito ang aga-aga pa naman" ang natatawang sabi ni mama.

Hinalikan ko din si mama sa pisnge at kumuha na ako ng tuwalya. Minsan talaga mas maituturing pang bestfriend ang mga magulang natin kesa sa kaibigan natin lalo na at open na kayo sa isa't-isa.

Ang sarap lang sa feeling na may ganyan kang mga magulang. Yung hindi ka takot magsabi ng problema mo. Yung papakinggan ka kahit mali ang nagawa mo at itatama ka sa paraang alam nila at napagdaan nila.

Napabuntong hininga lang ako ng makapasok ako ng cr.

Isang linggo na ang nakalipas mula ng maghiwalay kami ni Ivan. Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng mag-uusap ang mga pamilya namin.

Sa loob ng isang linggong yun akala ko kaya ko. Akala ko matapang na ako, akala ko kaya ko na siyang harapin ng taas noo pero hindi pa pala. Nagkulong ako sa kwarto ng isang linggo at iniyakan ang paghihiwalay namin.

Oo, hanggang ngayon mahal na mahal ko parin si Ivan at hindi naman mawawala yun pero hindi na pwede. Kahit pilitin namin hindi na talaga pwede.

Umiling lang ako at pinagpatuloy ang pagligo.

Tumingala ako sa shower at pinagmasdan ang pagbagsak ng tubig sa katawan ko. Pero sa tuwing pumapatak ang tubig sa buong katawan ko ay hindi ko maiwasang maalala ang matagal ko nang takot sa dibdib ko. Akala ko wala na siya pero patuloy paring bumabalik...

~~PAST~~

Kasisimula pa lang ng pasukan namin ng kaliwa't kanan na ang kumukuha kay Ivan para sa mga activities ng school. Isa na nga dito ang pag ganap niya sa isang play para sa foundation day.

Tuwang tuwa ako at proud na proud sa kanya dahil sobrang sikat talaga ni Ivan. Siya yung hearthrob ng school namin. Siya yung campus crush at pangarap ng lahat. Sa totoo lang, naeexcite na nga akong ikwento sa mga bata kapag lumaki na sila kung gaano ka sikat ang daddy eh. Tiyak na magiging proud din sila sa daddy nila.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon