Chapter 1 • Partners In Crime (Resolution)

119 10 1
                                    

INGRID

"Pero bago pa buhatin ni Mr. Cabigting ang maleta, nagawa pa niyang pukpukin ng statue ang biktima. At ilagay ito sa loob ng suitcase." dagdag ko. "'Yun din ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng biktima."

"Then, anong nangyari noong nakarating na si Mr. Cabigting sa third floor ng hotel?" tanong ng judge habang hinihimas ang baba niya.

I smiled. Sari-saring emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Lungkot para sa killer, saya dahil siguradong maipapanalo ko ang kasong ito, at higit sa lahat ay pagka-uhaw sa katarungan. "Your Honor, naniniwala akong pinatulog ng killer ang defendant. Ayon na rin iyon sa written testimony niya."

Napatingin sa'kin ang judge. "Pinatulog?"

Tumango ako. "Yes, Your Honor. According sa defendant, may isang kamay daw na tumama sa leeg niya. At iyon ang nakapagpawala sa consciousness ng defendant."

"I see..." the judge said.

"That also acts a piece of evidence." I said. "Dahil tanging may alam lang sa military ang nakakagawa no'n. And speaking of military, alam niyo bang dating sundalo si Mr. Cabigting?"

Napuno ulit ng ingay ng manonood ang courtroom. Bawat isa rin sa kanila ay may kanya-kanyang komento sa sinabi kong iyon.

"Order!" sigaw ng judge. "Totoo ba 'yun, witness?"

Wala nang nagawa si Mr. Cabigting kun'di tumango. Ni halos 'di na siya makapagsalita dahil sa kanyang kaba. Kung titingnan mo nga, masasabi mong naligo sa sariling pawis itong si Mr. Cabigting.

I grinned. "After the defendant fell asleep, the killer placed the suitcase to the elevator. Na maswerte namang nakabukas noong oras na 'yun."

Huminga ako nang malalim bago ulit ako magsalita. Ang susunod kong sasabihin ang tatapos sa trial na 'to. At iyon din ang sasambulat sa katotohanang 'di makita ng iba.

Tiningnan ko ang witness na punong-puno na ng pawis sa mukha. "Doon niya mabilis na inalagay ang suitcase. Pero sa kasamaang palad, bumukas ang suitcase at nahulog ang bangkay na nakalagay dito. Kasama na rito ang wallet ng biktima kaya nagkalat ang pera nito sa sahig."

Ipinagkrus ni Prosecutor Newton ang kanyang mga braso. "And the witness got the victim's wallet and placed it to the defendant's unconscious body, Am I right?"

Tumango naman ako rito. "Yes, prosecutor."

Nagmistulang sementeryo ang courtroom dahil sa katahimikang namayani rito. Mukhang 'di pa yata sila kumbinsado sa sinabi ko.

Napailing na natatawa si Prosecutor Newton. "Sinabi ko naman na hindi tinatanggap ng korteng ito ang mga kahibangan na 'yan."

"A-Anong kahibangan ang sinasabi mo, Prosecutor?" tanong ko rito habang tinititigan ito mula ulo hanggang paa.

Napangiti siya at binigyan ako ng nakakainis na ngiti. "May patunay ka ba na umakyat nga ang witness sa fire exit?"

I smirked. Hindi naman ako na-inform na 'yun lang ang kailangan niya. If he needs that obvious evidence, then I'll give it to him.

"Witness, maari mo bang ipakita sa korteng ito ang suot mong gloves?" tanong ko rito habang naka-ismid.

"B-Bakit naman?" kinakabahan nitong tanong. "Anong kinalaman ng gloves sa kaso?"

"Papatunayan lang naman nito ang paghawak mo sa kinakalawang na handle bars ng fire exit." paliwanag ko.

Nasilayan ko ulit ang ngiti ng witness. Don't tell na may natitira pa siyang alas!

Case Adjourned: Trials Of JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon