Chapter 2 • When Your Gravity Falls (Part 1)

115 8 4
                                    

INGRID

Dala-dala ko ang sarili kong suitcase habang naglalakad sa corridor. I'm now on the city where I supposed to work, walking towards my office. According to my dad, may makakasama raw akong attorney. Hindi ko pa siya kilala pero sana magkasundo kami.

Napahinto ako sa harap ng isang pintuan. I guess, this is my office. Besides, nakasulat din sa pintuan nito ang numerong "915". Ang numerong kanina ko pa hinahanap.

Kumatok ako nang tatlong beses sa pinto at hinintay ko itong bumukas. Hays, get ready to your permanent office, Ingrid. I can't wait for my second case. This time, dito sa bagong siyudad na nilipatan ko.

Pagkabukas ng pintuan, bumungad sa'kin ang isang lalaking nakasuot ng pulang polo. He's also wearing a black necktie that suits his style.

Bakas din sa kanya ang pagiging matikas ng kanyang katawan. I can say, siya ang dream guy ng iba. But for me, nevermind.

"You're the daughter of Mr. Roosevelt, right?" he said and smiled. "Pasok." he welcomed as he extend his right arm towards the room.

Agad naman ako naglakad papasok habang dala-dala pa rin ang suitcase ko. Naalala ko na bigay ito ni Ms. Teneiro. Akalain mong siya pala ang nag-desenyo ng mga maleta sa Watershark Hotel.

Pagkapasok ko, bumungad sa'kin ang dalawang mesa sa bandang norte ng kwarto. One of this desks are vacant. I think this is the table reserved for me. May bintana rin sa likod nito na nagpapaliwanag sa kwarto. Kapansin-pansin din ang ilang mga kahon sa kanang bahagi ng kwarto. I guess, mga lawsuits at ilang mga documents ang laman ng mga 'yon. By the way, may malaki ring bookshelf sa kaliwang banda ng kwarto. It's full of law books and other thick folders. There's also a comfort room in one of this room's corner. May dalawa ring makabilaang couch sa gitna ng kwarto habang mayroon namang coffee table sa gitna nito.

"Nga pala, 'yung mesa sa kaliwa 'yung sayo." he said while closing the room's door.

Naglakad ako patungo sa mesang sinasabi niya. Inilagay ko muna sa gilid nito ang dala kong suitcase. Pagkatapos ay umupo ako sa swivel chair na narito at nag-unat. Sa wakas, nakapagpahinga rin ako matapos ang ilang minutong paghahanap sa kwartong 'to.

I suddenly chuckled. "Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. By the way, I'm-"

"Ingrid Roosevelt. I already knew that." Putol niya sa pagpapakilala ko. "I'm Ronaldo Arman, if you haven't heard my name yet."

For his age, hindi sakto ang pangalan niya. Ewan ko pero tunog matanda ito sa'kin. No doubt, lawyer ang isa sa mga magulang nito.

"Your name is... Old!" I said and laughed. "Infairness, magaling din pumili ang magulang mo."

I continuously laughed and giggled on my seat. Habang siya ay nakatingin lang sa'kin at nakapamewang. Sorry, hindi ko kasi mapigilang matawa.

"Tawagin mo na lang akong 'Ron'" he said as I laughed.

Unti-unti akong tumigil sa pagtawa at kumuha ng hininga. Habang siya naman ay may kinukuhang kung ano sa bookshelf. My eyes widened when he get a thick folder from the bookshelf. Ibinagsak niya iyon sa lamesa ko na siyang dahilan ng pagkalat ng alikabok no'n sa'kin.

Napapikit ako habang iwinawasiwas ang kamay sa harapan ko. Nauubo tuloy ako dahil sa ginawa niya. "A-Ano 'to?" I asked and then I coughed.

Imbes na sagutin ako, nilagay ni Ron ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon. After that, he walk towards his table and there he slightly laid his butt on its edge.

"Ba't 'di mo buksan?" he said while staring at the room's door.

I curiously looked at the folder in my table. Kulay asul ito at halos mapuno na ng alikabok. Is this a old fairytale or something?

Case Adjourned: Trials Of JusticeWhere stories live. Discover now