Prologue

26.5K 421 11
                                    

-----
Author's Note

Copyright Notice:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Also, this story is unedited and some contents has typogrammatical errors. I haven't had time editing them yet so please be kind and ignore them. Ty.

------

~~~~~~~~
  
Prologue

  

Masaya ang lahat sa palasyo, ang mga tao ay nagkandaugaga sa paghahanda dahil excited ang lahat na masaksihan ang panganganak ng kanilang reyna. Hindi maitatago ang saya sa mukha ng bawat isa.

Sa isang silid sa palasyo ay hindi maitago sa mukha ng reyna ang sakit na nadarama.

"Ere pa po mahal na reyna, malapit ko na pong makita ang ulo niya." nakangiting turan ng manggagamot na kasalukuyang nagpapaanak sa reyna.

Umere naman ang reyna. Hingal na hingal na ito sa kakaere pero ere pa rin ito ng ere mailuwal lang ang kanyang anak.

"Uwaahhhh uwaahhhhhh uwaahhhhhh."

"Babae po ang anak ninyo mahal na reyna!"

Napangiti naman ang reyna pagkarinig sa sinabi ng Dama. Ngunit bumahid sa kanyang mukha ang sakit ng maramdaman nito na parang may lalabas pa na isa. Umere naman ito ulit. Nagtataka ang Dama pero isiniwalang bahala nalang nito at tinulungan ang mahal na reyna.

Ere pa rin ng ere ang mahal na reyna pero nagtataka ang Dama na wala man lang siyang nakitang ulo ng bata.

"Ere pa po mahal na reyna!"

"Aaaahhhhhhh"

Sa last na pag ere nito ay narinig nila na may umiyak na bata ngunit gulat na gulat ang Dama sa nakita.

"Uwaaahhh uwaahhh uwaahhh"

Narinig nila ang iyak ng bata ngunit ang bata ay nawawala-wala. Lilitaw ito at parang naglalaho.

"M-mahal n-a r-reyna, ang iyong anak ay..." nagimbal naman ang reyna sa narinig kaya bumangon siya at tinignan ang anak. Pati siya ay nagulat sa nakita. Anong nangyayare sa anak niya? Dahil sa nakita ay nawalan ng malay ang reyna.

Inayos naman ng Dama ang bata at itinabi sa kakambal nito.

"Anong nangyare sa iyo mahal na prinsesa? Nararamdaman kong naiiba ka."

~~~~~~

Malungkot na nakatanaw ang mahal na reyna sa mga anak niya lalong lalo na sa naiibang anak niya. Hindi nila alam kung bakit nagkaganoon ang kanilang anak. Pero nararamdaman nila na special ito. Ano kaya ang gagampanan nito sa hinaharap?

Sinubukan niyang tignan ang future ng kanyang kambal na anak, ngunit nagtataka siya ng wala siyang makita. Madilim ito kaya nababahala ang mahal na reyna.

"Leena Ayesha McCleen, Luna Syesha McCleen..." usal niya. Ang ganda ng pangalan ng kanyang mga anak.

Samantalang sa kabilang kwarto naman ay nandoon ang hari habang nakaluhod na nagdadasal.

"Kung ano man ang rason upang maging ganoon ang isa kong anak ay sana po gabayan ninyo siya..." naluluhang sabi ng hari bago ito tumayo at lumabas ng kwarto saka pumunta sa isang kwarto kung nasaan ang reyna at mga anak niya. Nadatnan niya ang asawa na nagpadede sa dalawang anak kaya napangiti siya. Naglakad siya papunta dito at hinalikan sa noo ang kanyang mahal na asawa at ang dalawang prinsesa niya. "Magiging maayos din ang lahat mahal ko..." sambit nito sa asawa na tinugunan naman ng isang ngiti.

Sa pagdaan ng mga araw, buwan at hanggang sumapit ang 1st birthday ng kambal ay tuluyan na ngang hindi nila nakikita si Luna. Tuluyan na itong naging Invisible sa kanila na ikinalungkot ng mahal na reyna at hari.

Ang alam ng lahat ay isa lang ang anak ng mahal na reyna at hari dahil hindi nito ipinagsabi ang kalagayan ng isang kambal.

Pero kahit ganoon ay naging masaya pa rin sila dahil nakikita ito ng kakambal na si Leena. Hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa hindi nakikitang anak na mahal na mahal nila ito.

"Huwag kang mag-aalala mahal ko, hahanapan natin ng paraan upang makita natin siya." determinadong sabi ng hari.

xxxxxx

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Where stories live. Discover now