EP39: First Heartbreak

5.6K 164 3
                                    

~~~~
Luna POV

Hindi muna kami pumasok ni Leena sa bulwagan kung saan magaganap ang birthday party nina Mirai at Aira.

Magkahawak kamay kami ni Leena habang nakatanaw sa buwan.

"Hey, do you still remember the story of the Sun and the Moon?" tanong ni Leena at napangiti naman ako ng malawak.

"Of course, every single day. By any chance, do you still want the Sun and the Moon to end up together?" sabi ko naman habang nakangiti pa rin.

"Uhmm, yes, I want them to have a happy ending, but, as what Moon says, their fates are already decided. So, I guess they cannot be. But I really want them to be together though..." sabi ni Leena habang nakatingin pa rin sa buwan at ngumiti.

"What if I'll let it happen?" I said and her eyes widen while looking at me surprised.

"You can?" I nodded and she hugged me happily.

"But how?" naguguluhang tanong nito.

"Did you forget something?" napakunot naman ang noo nito at mayamaya pa ay napangiti at napapitik ng mga daliri.

"How did I even forget that you are now the Goddess of Creation and Universe?! Yay! I can't wait that to happen!" masayang ani nito at niyakap ako ulit.

"Wait what? Who's the Goddess of Creation and Universe?" napatingin kami sa aming likod ng may nagsalita.

It was Mirai with crease forehead. Sabay naman kaming sumagot ni Leena ng 'me'. At mas lalo namang naguluhan si Mirai at napakamot ng ulo.

"Aisshh, bahala nga kayo diyan!" maktol na wika nito at umalis. Natawa naman kami ni Leena.

Napagpasyahan naming magpunta na sa bulwagan. Alam kong hinahanap na kami ng mga iyon.

Pagpasok namin ay napatingin ang lahat sa amin ni Leena habang nakangiti naman ang buong barkada. Ngunit sa paglapit namin ay napanganga ang buong barkada. Nagpalipat lipat ang mga tingin ng mga ito sa amin. We didn't said anything kahit na tinatanong kami ng mga ito. Nanghuhula pa rin ang mga ito. We just giggled at their reaction. Minsan sasagot kami pero magkasabay.

"Aiiissh, ano bang trip niyo ngayon?" sukong wika nila na ikinatawa lang namin ni kambal.

Nagsimula na ang party at lumabas na sina Mirai at Aira. Napangiti naman ang lahat pagkakita sa kambal.

Nakita ko naman sa harap si Haring Asgar at ang asawa nito na si Reyna Victoria. Sa tabi naman nito ay ang panganay na anak na lalaki. Katabi naman nito ang kasalukuyang prinsesa ng Majika. At ang kasalukuyang Hari din ng Majika.

Naging masaya naman ng pagdiriwang.

Lumapit naman sa akin si Bryle at pinakatitigan ako sa mata pagkatapos ay tinignan din nito si Leena sa mata. Ngunit napangiti ito at lumapit ulit sa akin.

"Hehehe, alam kong ikaw si Luna!" nanlaki naman ang mga mata namin ni Leena at nagkatinginan. Sumenyas siya sa akin kung paano nalaman ni Bryle ngunit napakibit balikat lamang ako at natawa.

"Paano mo naman nalaman?" ani ko habang natawa.

Ngumiti naman ito ng malawak, "Kasi nakilala ka ng puso ko---" agad naman itong napatakip ng bibig ng marealize ang sinabi nito. Ako naman ay napanganga. Magcoconfess na ba ito?

Narinig iyon ni Leena kaya pati ito ay napanganga rin.

Napangiti naman ng malawak si Leena at tinukso si Bryle na ikinapula ng buong mukha nito dahil sa hiya.

"Ikaw Bryle ha, hindi mo man lang sinabi na may pagtingin ka pala sa kambal ko edi sana ay tinulungan kita! hahaha" mas lalo naman namula si Bryle at tinakpan ang buong mukha. Narinig iyon ng buong barkada kaya tinukso nila kaming dalawa ni Bryle.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Where stories live. Discover now