EP11: Ang pagbukas ng bagong propesiya

7.4K 194 3
                                    

~~~~
Third Person POV

Habang nasa itaas sila Luna habang naghahabulan sa mga kaibigan nitong fairy ay hindi mapigilan ng nasa ibaba na mag-isip.

Iisa lang ang tanong sa kanilang isipan.

'Sino ka bang talaga, Luna?'

"Ereia, paano mo nakilala si Luna?" tanong ni Zenon kay Ereia habang nag-iisip pa rin ng malalim.

"Nagkakilala kami sa gubat ng Enchantreia noon."

"Ano naman ang ginagawa mo doon?" Zaphe said.

"Well, baka kasi may makapasok na taga Drazona kaya nagmanman ako doon. At nakita ko siyang naglalakad na parang nawawala. Akala ko nga eh taga Drazona siya noon kaya inatake ko siya pero nagkamali ako dahil wala siyang alam sa mga taga Drazona at kahit sa Enchantreia. Ni hindi man lang niya ako inatake pabalik."

"Ano?!"

"Paanong wala siyang alam sa buong Enchantreia?"

"Because she's not from our world..."

"What?!!/Are you kidding us Ereia?" hindi makapaniwalang bulalas ng magkakaibigan sa sinabi ni Ereia.

Napapaisip naman si Princess Alesia sa sinabi ni Ereia tungkol kay Luna.

'Totoo ba ang sinasabi ni Ereia?' sabi sa isip ni Alesia at tumingin sa naghahabulan na mga fairies at kay Luna.

Hindi na naman maipapaliwanag ni Alesia sa sarili ang namumuong paghanga para kay Luna. Pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman pero talagang hindi niya magawa lalong lalo na't palagi silang pinagtagpo ni Luna.

"Kung ganoon saan siya nanggaling?" seryosong sabi ni Zenon.

Natahimik naman si Ereia at napaisip bago magsalita. "I am not in the right position to tell you this... kung gusto niyong malaman ay tanungin niyo siya..."

Wala ng nagawa ang magkaibigan kundi ang hayaan si Ereia na ayaw magsalita. Alam nilang hindi nila ito mapipilit dahil parang pinuprotektahan nito ang pagkatao ni Luna.

Malaki pa ring katungan sa isip nila ang nalaman tungkol kay Luna.

~~~~~
Luna POV

Lumipas ang araw na nasa Fairy Land lang ako samantalang sila Ereia at ang iba pa ay nag-eensayo para sa nalalapit na Leveling. Alam naman nila na nandito lang ako kaya hindi na nila ako kinulit pa na ikinahinga ko ng maluwag. Pero kahit ganoon ay nagsasanay pa rin ako para mahasa ang aking iba pang kapangyarihan.

Bukas na magaganap ang Leveling at bumalik na ako sa Academy. As usual nasa garden na naman ako napadpad. Mas napapabuti kasi ang pakiramdam ko tuwing makita ang mga puno at halaman lalong lalo na ang buwan...

"Sinasabi ko na nga ba at nandito ka..." medyo nagulat naman ako sa presensya ni Alesia.

"Paano mo naman nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kanya.

"Ang lakas kasi ng presensya mo at alam kong nasa malapit ka lang dahil nararamdaman kita..." tumango naman ako at napabuntong hininga.

"Kumusta ka na? Ok lang ba ang pagsasanay mo?"

"Hmmm...ok lang naman."

Umani naman ang katahimikan sa aming dalawa. Tinignan ko siya at nakatingin pala siya sa akin at bigla nalang itong napaiwas ng tingin.

"Ah... ano... uhm, may ipapakita ako sayong lugar at sigurado akong magugustuhan mo!" nakangiting ani nito kaya naman napangiti din ako dahil nakakahawa ang ngiti niya.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon