INSPIRATION

58 4 1
                                    

Chapter 14

Monday... best of three sa championship.
UP Phoenix vs Ateneo Spartans... Halos mapuno ang covered court ng Ateneo ng supporters ng dalawang koponan.

Isa na doon ang grupo nila Kimberly.

" Paano yan sis , kanino ka kakampi? Kay jowa ba o sa alma mater mo?" Tumitikwas pa ang mga kamay ni Wynona sa pagsasalita.

"Syempre pareho... kung sino ang manalo dun ako." Actually naguguluhan din sya kung sino talaga ang ipagchicheer niya .

Kinausap na niya si Gabriel kahapon na kahit sa mga friends niya siya sasama to support their team, silently ipag chicheer niya ang lalaki.

Naintindihan naman siya ni Gabriel. Nasa magkalabang school kasi sila. Sinundo siya ni Gabriel ng umaga at sabay silang nagpunta sa school niya. Naalala pa niya ang pinag usapan nila ng nasa kotse sila.

" Boss sorry talaga I can't go to your side during the game. Alam mo naman na ako ang muse ng team namin at lead cheerleader kaya hindi ko pwedeng iwanan ang team."

" Sabi ko naman sa yo Mosh, wala kang dapat alalahanin, hindi naman ako ganun kababaw para di ko maintindihan yun." Ngumiti pa ito sa kaniya bago tuluyang inihinto ang sasakyan.

Bababa na sana siya ng kotse ng pigilan siya nito.

" Wala man lang ba akong pampagoodvibes jan? Para naman ganahan ako maglaro."

Namula naman siya nang maisip ang tinutukoy nito. She kissed him on the cheek, pero kinabig siya nito at hinalikan sa labi. It was a long and passionate kiss.

" Promise ko sa 'yo ako ang magiging mvp." He said after that sweet kiss.

"Goodluck, galingan mo ha? Aasahan ko yan." Hindi pa din siya makatingin ng diretso dito.

" I will, para sa MOSH ko. " nakatitig ito sa labi niya na lalong namula. He had that urge to kiss her again at hindi siya nagpigil this time. He kissed her one more time. " Pampaswerte." Tapos tumawa ng parang nakakaloko.

Namula naman siya nang maalala ang huling eksena sa sasakyan ng lalaki. Ipokrita siya kung hindi niya aamining nagugustuhan na niya ang mga halik ng lalaki sa kaniya. Nag uumpisa na niyang makasanayan ang presence nito at sa sandaling panahon na wala ito sa tabi niya ay miss na agad  iya ito.

Narinig niya na inannounce na ng announcer ang umpisa ng game. Nag umpisa naman sila magcheer para sa Ateneo Spartans.

Gusto niyang sumigaw pag nakakashoot si Gabriel pero kailangan niyang pigilan ang sarili niya.

Go Gabriel, alam ko kaya mo yan may tiwala ako sa yo.

Sinusundan niya ito ng tingin habang tumatakbo hawak ang bola. Nasa 3point line ito, alanganin ang tira. Ipinasa niya sa nasa malapit sa free throw spot, lumipat siya ng pwesto, ipinasa ulit sa kaniya ang bola. Tumingin muna siya kay Kim tsaka tumango then calculated his move at pinakawalan ang bola mula sa 3point line. Shoot....

" Three point shot mula kay Gabriel Santiago ng UP Phoenix." Sigawan ang mga taga UP." Sinagot naman ito ng 3point shot mula kay Alex Mendoza ng Ateneo Spartans." Sigawan naman ang mga Atenista. Nagcheer naman ang cheering squad nila headed by Kim.

" This is an awesome game, mukhang ganado ang mga team captain ng magkabilang team. Sino kaya ang mananalo sa kanila."

Nagpalitan ng score ang magkabilang team at dahil ganadong maglaro si Gabriel sila ang nanalo , tambak ang kalaban.

Tuwang tuwa naman si Kim, dahil tinupad ni Gabriel ang pangako nito sa kaniya. Tinext niya agad ito.

"Congrats , boss! Ang galing galing naman.😍"

Reyna ng Pick up Lines meets Mr.SupladoWhere stories live. Discover now