Yuri’s POV
2nd week of school. Lunch break namin ngayon at nandito kami sa cafeteria.
“Haaay prince charming, kailan ka dadating?” Kate. Mukhang lalaki to haha, pano nakailang boyfriend na di niya pa rin makita si Mr. Right.
“Darating din yan” sabi ko na natatawa.
Lumapit sa amin si Travis. Ang aming handsome but gay classmate. “Oi mga girl, tawag kayo ni Ms. Loisa kayong tatlo” tapos tinuro niya yung tatlong kasama ko.
“Bakit daw?” Carol. “Ewan, try niyo kaya na pumunta na dun mga ate” Travis tapos nag flip hair kaya natawa kami. “Sige na, tong baklang to.. Yuri kita na lang tayo sa classroom ha” tapos ay umalis na sila.
Inubos ko na ang pagkain ko at pumunta ako sa library para mag aral. Puno na lahat ng upuan at isa na lang ang bakante. Nilapitan ko yung lamesa na pangdalawahang tao lang.
“Uhm.. excuse me kuya may nakaupo ba dito?” tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Tapos inayos niya yung salamin niya at medyo nagulat pa kaming pareho.
“Vince?” ako
“H-hi Yuri.. Uhm sige u-upo ka wala naman akong katabi at wala din naman may gusto” nahihiyang sagot niya. “Thank you!” sabi ko sa kanya at umupo na ako.
“Nga pala Vince, sorry nga pala sa nangyari dun sa cafeteria last time ha” paumanhin ko
Kumunot naman ang noo niya. “Why?”
“Hmm sa ginawa ni Stacey, alam kong mali yun pero kasi wala akong lakas ng loob na ipagtanggol ka sa kanya eh. Sorry” nakayukong sabi ko sa kanya.
Tumingala ako at nakita kong nakangiti siya. “Ok lang, wag ka mag alala sanay na ako dun atsaka di naman ako nag papaapekto”
Nagkwentuhan lang kami about sa kanya. Hobbies and interest. Kinuwento ko din yung sa akin. Masarap siyang kausap halos kulang yung isang oras para sa pag uusap namin.
*rrrriiiinnnggg*
“Vince, Thank you ha. Ang saya mo pala kausap”
Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Thank you din, ikaw din naman masaya kausap”
Sabay na kaming pumunta sa classroom tutal magkaklase din pala kami sa next class ko. Umupo na ko sa likod kung san ang pwesto ko. Nandun na din yung tatlo.
“Bat ang tagal mo?” bungad nila sa akin.
“Nasa library kasi ako, napasarap ang kwentuhan namin ni Vince” tapos ay lumingon ako kung saan nakaupo si Vince.
“Yung nerd na inaasar ni Stacey?” tanong ni Carol kaya tumango ako.
“So, what kind of guy is he?” Kate.
“Well ang saya niya kausap promise! Pareho kami ng interest. At saka ano bang meron sa nerd na kagaya niya at ayaw siya ng mga tao? Mabait naman siya ah” sagot ko.
“Alam mo kasi na for rich and sosyalerang school to and maybe akala nila na poor si Vince because of his outfit?” Lilia.
“Pero kung mabait nga siya gaya ng sabi ni Yuri, we should be friends with him din. Kailangan din naman niya ng kaibigan” Carol
Ngumiti naman kami as approval sa gusto nila. Yan ang gusto ko sa mga kaibigan ko. Hindi sila namimili ng kakaibiganin.
Pumasok na yung professor namin at nagsimula na mag discuss.
“Good morning Sir Jude” bati namin pagpasok niya.
“Good morning class” bati niya sa amin.
Nagsasalita siya pero walang napasok sa utak ko. Di naman sa tamad ako mag aral, matataas kaya grades ko. Ewan ko lang ngayon kasi antok na antok ako.
Hmmm.....
“Yuri” dinilat ko ang mga mata ko nung marinig kong may tumawag sakin.
“Hmm?” tinignan ko kung sino yun at si Vince pala.
Ngumiti muna siya sa akin bago nagsalita. “Tapos na ang last class Yuri. Uwian na”
Pagsabi niya nun ay agad kong tinignan ang relo ko. 3pm na? ibig sabihin simula kaninang 1pm 2 hours akong nakatulog?
“Maaga ka nga matulog mamaya” sabi ni Carol.
“Nagpagawa ng group project si Sir Jude, pinag grupo niya tayong apat.” Kate
Humikab muna ako at nagkuskos ng mata bago tumayo.
“Anong project daw?” tanong ko.
“Gagawa ng baby” sagot ni Carol at Kate
ANO?!?!
*pok*
“Kayo talaga pinagloloko niyo si Yuri” sabi ni Lilia pagtapos niyang batukan yung dalawa. “About lang naman yun sa emotions ng tao, so saan tayo gagawa?” patuloy niya.
“Uhmm ok lang ba kung sa condo ko?” aya ni Vince at pumayag naman kami.
VOTE/FAN/COMMENT PLEASE :)
BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
ActionOne guy with Two personality. Will you fall for him?