Chapter 37

24.6K 538 10
                                    

Yuri’s POV

 

“Seth” bulong ko sa asawa ko. Halatang natetense siya pagtapos ng sinabi ng pinsan niya.

“Why?” tanong ni Adrian. Hindi niya alam?

“Kaaway namin ang clan na yun” nanlaki naman ang mga mata ni Adrian sa narinig.

“A-ano?” mukhang hindi siya mapakali dahil nasa bahay siya ng kalaban. “Kung ganon, ikaw din yung Vincent na leader ng Rutherford clan?”

“Hindi mo alam?” tanong ko kay Adrian.

“N-no, a-ang alam ko Gonzales ang apelido niya. Seth Gonzales to be exact. Hindi ko alam ang last name niya, kasi magpinsan kami sa parehong side ng mom namin. H-hindi ko alam na s-siya yung Vincent Rutherford” nanginginig na paliwanag niya.

Ikaw nga naman kasi magkaroon ng dalawang katauhan.

Yung mga masisipag kong kaibigan ayun pinaliwanag sa kanya ang tungkol kay Vincent at Seth pati na rin yung pagdidisguise ko as Adrienne.

“So.. anong plano mo ngayon?” tanong ko dahil mukhang malalim ang iniisip niya.

“I’ll help you” direktang sagot niya kay Seth.

“You will?” hindi makapaniwalang tanong ni Seth. “Yes, because you’re my cousin” nakangiting sagot nito.

“Bakit ka ba sumali sa mga Carcino?” tanong ni Anthony.

“Nandun kasi yung girlfriend ko. Niyaya niya ako kaya sumali ako. Sinabi nila sa akin ang tungkol sa clan ninyo. Ang sabi nila masasama daw kayong tao lalo na yung boss nila” tapos ay tumingin siya kay Seth.

“Wala daw kayong awang pumapatay, kaya kinalaban nila ang clan niyo” dagdag pa niya.

“Ui! Wow ha, sa gwapo kong to!” Caleb.

“Mukhang binabaliktad nila tayo ah” Violet.

“Hindi mo alam kung paano namatay si mama?” seryosong tanong ni Seth pero umiling lang si Adrian. “Ang sabi lang sa akin, taga Rutherford daw ang pumatay”

“F*ck!” I heard Seth cuss in a low voice. “How can a Rutherford kill her kung Rutherford ang napangasawa niya?” dagdag ni Seth.

“I’m sorry hindi ko kasi alam. Hindi ko alam na Rutherford pala ang napangasawa ni tita.” Paliwanag ni Adrian. “Then how did tita die?” tanong niya ulit.

“Carcino’s heiress Bianca. She become my girlfriend and kill my mom and dad” nanlilisik na ang mga mata ni Seth sa galit kaya hinawakan ko ang mga kamay niya.

“Don’t please” I beg. Kasi baka magwala na naman to. Ngumiti siya sa akin at tumango kaya napangiti din ako.

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon