Chapter Eighteen

2K 74 4
                                    

Her father told her that there are different kinds of people. There are others who are smart, cunning and wicked at the same time. Others who are ruthless and will use you to their advantage. Some who are nice at first but later you'll find out that they're just pretending to gain your trust. And others who'll do anything to get what they want no matter how and no matter what.

Buong akala niya ay kabisado na niya ang lahat ng uri ng tao. Na kaya niyang pakisamahan at pakitunguhan ang lahat. Na kaya niyang pakiharapan gaano man kasama at kabuti ang isang tao. Na wala siyang magiging problema sa kahit na sino. At kayang kaya niyang intindihin ang ugali at pananaw ng sinoman. Iyon ang akala niya.

Tinuruan siya na utak ang gamitin sa pagkilatis ng isang tao. Hindi dapat siya papadala sa mga pakitang-tao at sa mga mabubulaklak na salita. First impressions don't last. Every thing you see in people is not always what it seems. You have to look deeper. Behind their superficial skin lies their true self, their true nature. Don't give out your trust easily. Don't fall for their simple gesture of kindness. Dahil sa huli, iyon ang ikapapahamak mo. Iyon ang ikababagsak mo.

It really made a difference when your heart is involved. Your mind and your judgement becomes cloudy. You can't think straight and you can't focus on what you're doing. You become unstable and can't distinguish between right and wrong. And in result, you are left to regret all your decisions. Left to hope in giving you a chance to change it, even though you know that it would be impossible.

Marami na siyang nakilalang tao at wala siyang naging problema dahil utak lamang ang gamit niya noon. Pero sa pagkakataong ito ay nakisali na ang puso niya. At doon siya unang nahirapan.

Hirap na siyang bumasa ng tao. Hirap na siyang makisama. Hirap na hirap na siyang intindihin ang ugali at pag-iba-iba ng mood ni Linc. Hindi na niya maunawaan kung alin ba ang totoo sa mga ipinapakita at mga sinasabi nito. Hirap na hirap na siyang kilalanin ito.

Ano na naman ba ang ikinagagalit nito? Ano na naman ba ang problema nito sa kanya at biglaan na naman itong nagbago sa pakikitungo sa kanya.

The first day he was arrogant, then he became kind. He became sweet, then the next day he was angry, distant and cold. Then the next day he was again sweet and kind and passionate, resulting to their intimate sessions. And now he went back to being a jackass monster, again!

I don't fucking understand him! It was really hard to read him. He's like having multiple personalities. She thought to herself.

Kasalukuyan siyang nakatitig sa harapan ng kanyang computer. Halos hindi umuusad ang kanyang ginagawang trabaho dahil sa kakaisip. Balik na naman sila sa umpisa. Lahat na naman ng bagay ay nakikita nito at ikinagagalit. Konti na lang ay masasanay na talaga siya na may naninigaw sa kanya at napapahiya siya.

Sinusubukan niyang kausapin ito ng mahinahon upang matanong niya ang problema nila pero hindi pa nga siya nakakapag-umpisang magsalita ay barado na siya agad at pinapa-alis na sa harapan nito.

Bahagya pa siyang nagulat nang tumunog ang telepono sa tabi niya.

"Ms. Lewis's Office, how may I help you?" Bungad niyang sabi.

"Hi this is Annie from the office of Ms. Mallory of Costa Esquivel. May I speak with Ms. Maple Lewis?"

"I'm sorry but Ms. Lewis is currently engaged on the other line right now, would you like to leave a message for her?" Balik niyang sagot.

"Kindly tell her that Ms. Esquivel is requesting to move their meeting at a later time, around four in the afternoon. She has a lunch date with her fiancé so she won't be able to meet her at 1pm." Sagot ng babae sa kabilang linya.

Love Beneath The LiesWhere stories live. Discover now