Nilapitan ko silang dalawa pero nahinto ako kasi baka sabihin lang nung babae yung ginawa namin sa kanya nung isang araw. Siya naman kasi ang may kasalanan eh, bakit ba kasi ako natatakot na magalit si Kevin kung sabihin niya? Arghh
Bumalik nalang ako sa room. Naroon na sila Chena at Nickie
"Anong nangyari sayo? May binanatan ka namamam ba?" Medyo natatawang sabi ni Chena
"Baka naman nakitang may kasamang iba ang kayang destiny" sabat naman ni Nickie
"Pwede bang manahimik kayong dalawa?!" Umupo na ako sa gitna nila
"Ano bang nangyari? Bakit mukhang pwet ng matanda yang mukha mo?" Tanong ni Nickie
"Ayoko ng pag-usapan yan. I'm SMUBV!" Sigaw ko sa kanila
"Anong SMUB V?" Sabay nilang tanong
"Super Mega Ultra Bad Vibes" Bakit ba naman kasi ako naiinis?
"Ay eto change topic, nasa bahay niyo si Kevin? Bat siya nandoon? Ikaw ha, may nililihim ka sa amin ni Chena" inilapit pa ni Nickie yung tenga niya sa akin na parang hindi naman niya naririnig ang sinasabi ko
"Hindi ko pa ba nasabi sa inyo?" Pero ayoko naman talagang sabihin sa kanila
"Ay hindi, alam na namin kaso nagkaroon kami ng memory lose kaya nawala sa utak namin, siyempre hindi pa. Kaya nga nagtatanong eh" pilya ni Chena
"Oo at ako talaga ang bubugbog sa utak mo para matuluyan na yang memory lose mo! Ano yan? Na-format?" Sinasabi ko sa inyo eh, SMUBV AKO NGAYON, punyeta
"Seryoso na kasi, ano nga kasing ginawa niyo? Natototoo na ba yung 'Bedwarmer' name tag niya?" Medyo bastos rin ang bunganga nitong si Chena eh
"Hindi ah! He's my tutor. Alam niyo naman di ba? Dati pa?" Tinignan ko lang silang dalawa
"Owww, I see.. Bakit paano mo napilit yung nerd na mag tutor yun sayo? Suplado yun diba?" Isa pa 'tong si Nickie eh, pang-showbiz ang tanungan
"Paano nga?" Pangungulit ni Chena
"Oo nga, eto na nga" hinigit ko yung cellphone ko sa bulsa at ipinakita sa kanila yung picture namin ni Kevin
"Is this true? O photoshop? Grabe ginawa mo talaga ito?" Tumango lang ako
"Bina-blackmail ko siya gamit yan"
Medyo na-excite akong umuwi dahil makakausap ko nanaman si Kevin. Arrrgghhh! Bakit ba ganito yung iniisip ko?
***
4:30 na pero wala pa rin si Kevin. 4:00 ang usapan namin. Hays
*DingDong
Siya na siguro yun!
Dali dali akong bumaba
"Ya! Ako na po" pinahinto ko si Yaya Kira sa pagbukas ng pinto
Ng nasa harap na ako ng pinto ay medyo inayos ko yung buhok ko. Bat ko ba 'to ginagawa?
Binuksan ko na iyon pero hindi si Kevin ang nakita ko
"Hi, Girl! We missed hangging out with you na" eto naman si Chena, parang hindi kami nagkita kanina sa room
"Tara na! Halika" hinila ako ni Nickie
"Ay, sorry girls. Ang sakit ng panga ko, sakit rin ng tagiliran ko, sakit rin ng ulo ko, pati yung kamay ko" palusot ko
"Don't worry, sa saturday! Ako bahala" dagdag ko pa
"Okay, pagaling ka ha"
Sinarado ko na yung pinto
Bakit ba nadismaya ako ng sila ang nakita ko? Psshhh!
Pag naman nagyaya sila ay agad akong pumapayag
• Kevin's POV •
Late na ako kina Krista. Sinamahan ko pa kasi si Cielo na bumili ng bagong sapatos niya. Buti medyo malapit lang
Siguradong galit nanaman iyon sa akin. Mahirap kumuha ng taxi papunta sa kanila
5:30 na ng makapunta ako sa kanila
Pinindot ko yung doorbell
"Kanina pa po kayo hinihintay ni Ati" sabi nung maid nila habang pinagbubuksan ako ng gate
Umakyat na ako sa kwarto niya
Nakaupo siya sa may study table niya
"Tara na" sabi ko
Tagaktak ang pawis ko
"Bat ngayon ka lang?" Nakakunot noo niyang tanong
"May sinamahan lang ako" umupo na ako sa tabi niya. Di naman siya nagalit o something pero nakasimangot siya
Kinuha ko yung science notebook namin kasi kahapon hindi naman natapos yun.
"Earth and galaxy yung papag-aralan natin ngayon" sabi ko
"Minsan, napansin mo rin ba na paano nagawa ang universe?" Medyo napaisip ako sa tanong niya, I am Bigbang theory believer kasi eh
"Hindi ko pa masasagot yan" wala pa rin naman nakakaprove ng theories kung paano nabuong ang universe gamit ang dust. Di ko alam
"They say, it take a million of years to create a universe but it only takes you and me to create an infinity"
"Huh? Ano? Ulit, di ko narinig"
"Ah eh, wala.. Tara na. Masarap ba yung pagkain sa Mars? May starbucks ba doon?"
~ To Be Continued ~
Written by Eggboy16
No To Plagiarism
BINABASA MO ANG
A Nerd Bedwarmer
ChickLitI'm not her bedwarmer nor her boyfriend. It's just her trips. She's just a damn feeler. She's not the girl I liked, not my ideal girl. She's the most sexiest and prettiest in the campus but, she's not my type until... One day came, It is all damn.