As I open my eyes, I see the white ceiling. Alam kong nasa clinic ako. Pag tayo ko ay may nurse na nasa gilid ko.
"Ate, hindi pa po kayo pwedeng lumabas sabi ni Doc, mahiga nalang daw po muna kayo riyan" sabi nung nurse kaya humiga nalang ulit ako sa kama. Nag overheat na yata yung mga braincells ko sa problema kaya eto, nahimatay ako
"Miss, buntis ka ba? Yung totoo, mapapagkatiwalaan ako." seryosong tanong ng babae sa akin. Grabe naman, wala pa nga akong experience kung paano gumawa noon. Mukha ba akong pokpok?
"Ate, Do I look a 1 peso girl? Wag mo akong itulad sa mga bayaran" inihiga ko ulit yung ulo ko sa unan. Hanggang dito ba naman ay susundan ako ng ka-bwisitan? Quotang-quota na ako ha! Lumabas na yung nurse. Umiinit nanaman ang dugo ko. Pasalamat siya dahil ko ko pa siya kayang sapakin
After class ay pinaalis na rin ako sa clinic. Pinainom lang ako ni Dr. Fren ng biogesic para daw sa hilo
Pagkalabas ko ay bigla akong sinalubong ni Mary Ann, yung vice president namin. Buti pa siya ay kaya niya akong pumunta rito at kumustahin man lang ako
"Krista, kailangan ka raw sa theater room ngayon. May practice raw para sa play" akala ko naman ay kukumustahin niya ako sa lagay ko ngayon pero may kailangan pala siya sa akin
"Teka, di ba next week pa dapat yun? Thursday pa lang ah?"
"Ewan, pumunta ka nalang sa theater room ah? Hinatayin ka raw ni Ma'am Gail" sabi niya at tinalikuran na niya ako. Akala ko talaga may paki siya sa akin. Wala rin pala
I want to skip the practice dahil kay Kevin at dahil medyo nahihilo pa rin ako pero kung hindi ako pupunta doon ay baka naman isipan niya ay masyado akong nagpapa-apekto sa mga nangyari. Habang papalapit akong naglalakad sa may theater room ay namamawis ang kamay ko at nanlalamig rin ang mga ito. Kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksyon niya pag nakita niya ako?
Dahan dahan kong binuksan ang doorknob ng theater room at pagkapasok ko ay nakita ko si Kevin at ang iba pang cast para sa Florante at Laura. Naroon na rin ang mga ibang section na kaniya-kanya ring magpe-present ng mga play nila. Malaki itong Theater room na ito kaya kasya ang apat na section na magpa-practice rito, yung ibang section yata ay nauna ng mag-practice kesa sa amin
"Halika na Krista, kailangan nating ma-practice 'to ngayon" sabi ni Ma'am Gail
Pumunta na ako sa stage. I feel so strange when Kevin look me. Pumunta ako doon sa position na sinabi ni Ma'am Gail. Wag naman sana kami masyado ipagdikit ni Kevin pero malabong hindi iyon mangyari dahil kami ang bida at imposible namang hindi kami mag-memeet sa isang scene
Sinabi sa amin ni Ma'am Gail na gawin lang naming natural ang pag-arte namin. Wag sobra, wag kulang. Kung natural lang ay baka naman pagalit lagi ang deliver sa akin ni Kevin. Binigyan pa kami ng mga tips ni Ma'am Gail sa pag-arte. Akala mo ay gagawa kami ng isang bongang bonggang film na sure siyang magiging box-office hit dahil siya ang gumawa. Feel na feel naman niyang maging direktor
Prinactice namin una yung mga unang scenes na kaming dalawa lang ni Kevin. Bakit kaming dalawa pa kasi ang magka-partner dito? Napaka-awkward...... SOBRA!
Hindi ko iniintindi yung mga pinagsasabi ni Kevin. Hinihintay ko lang siyang matapos para masabi ko naman ang linya ko. Nakatingin lang ako doon sa kabilang grupong nagpapractice, ang galing nung gaganap ng Laura nila. Kaya ko kaya yung mga pinag-gagagawa nila? O mas kaya ko pa kayang higitan yun? Mga bihasa na sa pag-pe-play. Dito pala ay talo na ako.
"Hey Krista, ano na? Tinatanong ka na ni Florante, ano na?" Nagulat nalang ako bigla, turn ko na nga pala. Nang magsasalita na ako ay bigla kong nakalimutan ang linya ko
"Ay Ma'am, pahiram nga po ulit nung script. Nakalimutan ko po ulit eh" tumalon ako sa stage papunta sa ibaba at kinuha yung copy
"Hay! Iilang scenes palang? Nakalimutan mo na?" Ang kapal naman nitong teacher na 'to, siya kaya pagkabisaduhin ko nito!, "Okay! Break muna" pumalakpak pa ito sa mga classmate ko at nagsibabaan na lahat
Ayokong kumain dahil kong makasabay si Kevin, mamaya ay magkasama nanaman yun at ako nanaman ang mapag-initan pero teka, asan siya? Isa siya sa gaganap bilang Laura sa kabilang section ah?
Kinabisado ko nalang muna yung mga linya ko para wala ng masabi si Ma'am Gail. Hays! Nakakapagod itong pag-e-excercise ng utak. Ang daming kailangang kabisaduhin. Medyo hindi na maalala yung kwento nitong Florante at Laura. Last year pa kasi naman itong dinisscuss iyon. Wala bang shortcut para makabisado itong lahat agad?
Habang nagkakabisa ako, may tumabi sa akin. Si Arvin pala, isa sa pinakamakulit sa amin pero matalino itong si Arvin
"Any problem?" Tanong niya
"Oo eh, ang dami ko pang kailanganing kabisaduhin" kunyari ko pang itinirik ang mga mata ko sa itaas
"No, What I mean is personal? Personal problem?" Tanong niya ulit. Ang personal naman masyado niyan
"Wala noh! Bakit naman ako magkakaroon ng problema? Ang saya ko kaya" pagsisinungaling ko sa kanya. Halos lahat ng sinabi ko ay kabaliktaran lahat
~ To Be Continued ~
Written by Eggboy16
No To Plagiarism
BINABASA MO ANG
A Nerd Bedwarmer
ChickLitI'm not her bedwarmer nor her boyfriend. It's just her trips. She's just a damn feeler. She's not the girl I liked, not my ideal girl. She's the most sexiest and prettiest in the campus but, she's not my type until... One day came, It is all damn.