2nd Mistake

731 14 3
                                    

MARCH 2011

"AH, SHOOT," frustrated na bulong ni Luigi sa sarili nang ma-realize niyang nakalimutan niyang ilagay sa backpack niya 'yong ipinapadalang empty bottles ni Juri. Do'n kasi niya dapat isasalin ang laman ng alak na binibili niya ngayon sa convenience store na malapit lang sa St. Patrick University. Kaya heto, napilitan tuloy siyang bumili din ng dalawang malaking bote ng apple juice na kakulay ng binili niyang alcoholic drinks. No choice.

Twenty years old na siya kaya legal na siyang bumili ng alak. Pero hindi puwedeng ipasok ang mga iyon sa university kaya ipupuslit niya lang. Dumalaw kasi sa Freeman– ang official university publication kung saan Features Editor siya– ang mga former editor nila from Editorial Board Batch 2008. Nakapasok ang mga ito sa university dahil si Mr. Mercado (na adviser ng publication nila) ang sumundo sa mga senior nila kanina.

Alas-nuebe na ng gabi no'n pero may access pa rin sa university ang mga gaya niyang staff member ng Freeman. May permission sila na mag-overnight dahil sa responsibilidad nila bilang mga student journalist. Sa ngayon, tinatapos nila ang lay-out ng huling issue ng broadsheet na ilalabas nilang Batch 2011 para sa semester na iyon. Sa May kasi, ga-graduate na silang lahat.

Ang tagal naman ni Juri.

Dahil nilalamig siya sa lakas ng AC ng convenience store (lalo na't manipis na T-shirt, pajama bottom, at flip flops lang ang suot niya) ay lumabas siya. Umupo siya sa silya sa ilalim ng green umbrella at pinatong sa pabilog na mesa ang mga binili niyang alak at juice.

Nanghinayang siyang itapon lang ang apple juice kasi paborito niya 'yon kaya naisipan niyang inumin na lang 'yon habang hinihintay si Juri (na News Editor naman ng Freeman). Nagtext kasi ito kanina at sinabing nagpapabili raw ng ice cream ang mga senior kaya susunod ito sa kanya. Wala na kasi siyang dalang extra cash.

This must be our unlucky night.

Nagbunutan kasi sila kanina at siya ang nakabunot ng "slave stick" kaya siya ang naging errand girl ngayon. Siguradong gano'n din ang nangyari kay Juri.

"Hey, lackey girl."

Muntik nang maibuga ni Luigi ang iniinom na apple juice nang bigla na lang umupo sa tapat niya si Gavin Mongrande– ang Arts Director ng Freeman noon. "You've made it, Gavin."

Ang usapan kasi ng mga senior kanina na ka-batch nito, hindi raw makakarating si Gavin dahil busy sa trabaho bilang web designer para sa isang sikat at malaking IT company. Hindi naman na unusual 'yon. Tatlong taon na rin kasi simula nang maka-graduate ang Batch 2008 at bihira na talagang makadalaw ang mga ito sa Freeman dahil sa kanya-kanyang career.

"Luckily, na-satisfy agad ang client sa design ko kaya maaga akong nakaalis ng office," sagot ni Gavin sa usual nitong blangkong boses. Actually, he had a semi-permanent poker face, too. "Were you waiting for me?

Napangiti siya dahil mahirap 'yong i-deny. "Well, I've missed my favorite senior."

No'ng freshman at newbie staff pa lang siya sa Freeman, graduating Fine Arts student at Arts Director naman ng publication si Gavin. Pero kahit may three year age gap sila at isang taon lang nagkasama sa university, naging close pa rin sila dahil malaki ang utang-na-loob niya rito.

Simula nang tulungan siya ni Gavin no'ng araw na 'yon, naging malapit na ang loob niya sa lalaki. Kaya kahit naka-graduate na ito, nagkakamustahan pa rin sila sa text. Na nangyayari lang twice a month kasi bukod sa tamad itong magtext, ayaw din nito ng phone call. Mas lalong hindi ito active sa social media dahil may pagka-old fashioned ito.

"Knowing that someone misses my presence surprisingly made me feel good," sabi ni Gavin. There was a hint of surprise in his usual dull voice and his face softened up a bit. "Thank you, Luigi, my favorite junior."

Natawa siya ng mahina sa sinabi nito. She didn't mind if he didn't say that he missed her, too, because she wasn't expecting him to respond to that knowing that he was a reserved person. To engage a usually quiet guy in a conversation was already a huge feat. "Wait, galing ka ba sa office? Did you see Juri?" Schoolmates no'ng high school ang dalawa kaya matagal nang magkakilala. Magkasama rin yata sa isang club ang mga ito noon. "She misses you, too."

"Ah," sabi ng lalaki na parang may biglang naalala. "Yes, I saw Juri on my way to the office. No'ng kinuwento niya sa'kin ang nangyari, nag-volunteer ako na ako na lang ang bibili ng ice cream at susundo sa'yo. Medyo madilim na rin kasi sa university premise kaya pinabalik ko na siya sa office. I hope you don't mind me as her replacement."

Kinamot niya ang pisngi niyang kinagat ng lamok dahil biglang nangati. "Of course, I don't."

Tumango lang ito bilang sagot sa sinabi niya. Pagkatapos, tinuro nito ang mga bote ng alak sa mesa. "Bakit hindi mo pa nasasalin ang mga 'yan sa ibang bote?"

"Hindi ko pa kasi 'to nauubos," sagot niya, saka niya inangat ang hawak niyang bote ng apple juice. "Nanghihinayang kasi akong itapon, eh."

"You just really like apple juice," amused at playful na panunukso nito, saka nito kinuha ang isa pang bote ng juice. "I'll help you," deklara nito habang binubuksan ang lid ng bote.

Pagkatapos, tinungga nito ang juice.

Ah.

Napalunok siya habang pinapanood ang paggalaw ng Adam's apple ni Gavin. Hindi rin niya alam kung bakit na-attract siya do'n. O baka naman kasi talagang attracted lang siya sa lalaki?

Oh.

"Nag-dinner ka na ba, Gavin?" tanong niya sa lalaki para i-distract ang sarili niya. "Baka mabusog ka agad kapag ininom mo 'yang juice. Sayang, marami pa namang food sa office."

"Now that you mentioned it, yeah. I'm hungry," sagot ng lalaki, saka ito tumingin sa loob ng convenience store. "I miss their instant chicken teriyaki here." Tiningnan siya nito. "Should we eat first? Hindi naman sila mamamatay kung hindi natin agad madadala 'yang alak sa kanila."

Natawa uli siya. Nakakatawa naman kasing makita na nag-jo-joke ito pero pokerfaced pa rin. She could only tell that he was joking by the very small hint of playfulness in his voice. "Okay. Medyo gutom na nga rin ako."

"Let's go inside," pag-aaya nito, saka ito tumayo at binitbit ang malaking plastic bag. "Nilalamok ka na dito, eh."

Ngumiti lang siya at tumayo dahil totoo naman 'yon.

Aayain ko na lang si Gavin sa table na hindi ga'nong abot ng AC para hindi ako lamigin masyado.

Sinundan niya ang lalaki na pinagbukas siya ng pinto at pinauna pang pumasok sa convenience store. Hindi naman nakakagulat 'yon dahil natural itong gentleman at considerate. Anyway, sasabihin pa lang sana niya na do'n sila sa table na hindi masyadong natatamaan ng AC pero hindi pa siya nakakapagsalita, dumeretso na agad ito sa puwesto na gusto niya at nilapag do'n ang dala nitong plastic bag.

Then, without saying a word, he took off his jacket (and exposed the Superman T-shirt he wore under) and gently put it over her shoulders. Pagkatapos, tahimik siya nitong tinulungan na isuot ang mga sleeve niyon. Napatitig lang tuloy siya dito na nakatingin naman sa jacket na suot na niya. Medyo nakakunot ang noo ng lalaki dahil siguro hindi nito maitaas ang zipper niyon.

Ah, he changed a little.

Gavin wasn't artista-level handsome but he was nice to look at since he was always neat. He was also tall and lean. Plus, he smelled really good. 'Yon nga lang, sa puti nito, kung minsan ay para na itong maputlang tingnan. Idagdag pa ang malalaki nitong eyebags dala siguro ng puyat.

But he's charming in his own a way.

"Finally," bulong ni Gavin nang ma-zip up na nito ang jacket. Pagkatapos, nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Alam kong lamigin ka kasi kapag nasa office tayo noon, lagi mong pinapahinaan ang AC o kaya naman, nagtatago ka sa cubicle na hindi gano'ng abot ng AC."

Napangiti si Luigi dahil nakakatuwang naalala nito ang mga gano'ng detalye tungkol sa kanya. Pero hindi lang ito ang observant sa kanila 'no. "Ikaw din naman, ha? Tumatabi ka sa table ko para hindi ka rin lamigin, 'di ba?"

The corner of his lips curled up in a half-smile but it was gone as soon as it appeared. "Tara na, libre kita ng dinner."

Let's Restart: What Went Wrong?Where stories live. Discover now