16th Mistake

272 12 1
                                    

SEPTEMBER 2007

ANG TANGA-tanga mo, Luigi del Fierro! naiinis na sabi niya sa sarili habang naghihilamos sa CR ng mga babae. Binubura niya ang makapal niyang makeup dahil tapos naman na ang Mr. and Miss St. Patrick High. Sila ni Rubin ang nag-champion at nanalo pa silang Best in Talent pero hindi siya masaya ngayong araw. Bakit ba nakalimutan mong girlfriend na siya?!

Masyado siyang naging masaya at kinilig sa isang buwan na naging close sila ni Rubin. Pagkatapos kasi ng klase, himbis na magmadali siyang umuwi para manood ng mga afternoon soap ay nag-i-stay siya sa Freedom Park kasama ang lalaki. Nag-pa-practice sila sa pagkanta ng Cold Summer Nights.

Naging instant heartthrob pa nga si Rubin dahil ang cool talaga nitong tingnan kapag naglalakad ito sa school premise habang sukbit sa balikat ang malaking guitar case nito.

Isa ako sa mga nabulag sa kaguwapuhan at pagiging cool niya.

Bukod do'n, nalaman niyang kaya ring maging sweet at thoughtful ni Rubin kung gugustuhin nito. Well, lamang pa rin ang pagiging rude nito at palamura. Pero sa ilang linggo na pinagsamahan nila, na-realize niya na may good qualities din ito.

He had a soft spot for animals and kids. Nalaman niya 'yon dahil lagi niya itong nakikitang pinapakain ang mga stray cat sa campus premise. Minsan nga, pati mga askal na aso ay napapaamo nito. Kapag weekends naman at kumakain sila sa mga fast food chain at may nakikita itong mga streetchildren ay binibigyan nito ng pagkain. Alam niyang hindi nito pinepeke ang lahat ng 'yon dahil kitang-kita niya ang pagiging natural nito.

Saka lumaki siya sa environment ng mga artista noong buhay pa si Lola Cecile. Natutunan niyang pag-aralan ang mga tao sa paligid kaya alam niya kapag umaarte lang ang kaharap niya.

But I failed to see his true feelings.

Pagkatapos niyang maghilamos at nakita niya sa kaharap na salamin na nabura na ang makeup niya, maingat na tinuyo naman niya ang mukha niya gamit ang malambot na face towel.

Wala namang sinabi si Rubin na may feelings din siya for me...

Pero ang problema kasi, masyado siyang umasa na may feelings din ito sa kanya dahil sa closeness nila. Lagi kasi itong nakabuntot sa kanya at sa dumaang isang buwan, complete attendance pa ito. Nang tanungin niya ito kung bakit hindi na ito um-a-absent o na-le-late, muntik na siyang mangisay sa kilig dahil sa sinagot nito.

"I can't miss your face– not even a day."

Akala talaga niya, sapat nang evidence 'yon para i-confirm ang hinala niyang gusto rin siya nito. Pero kanina, pagkatapos ng pageant, ay may maganda at pamilyar na babaeng lumapit kay Rubin at hinalikan ito sa mga labi. Oo, sa harap ng mga schoolmates nila.

That was definitely 'Condom Girl.'

Masyado kasing nakakahiya ang first meeting nila ni Rubin kaya pilit niya 'yong kinalimutan. At kasama niyang nakalimutan ang tungkol sa babaeng nakasabay niya sa convenience store. Bumili pa ito ng condom na siguradong ginamit nito at ni Rubin ng araw na 'yon. Kaya siguro late din ang lalaki no'ng first day of class.

They're too mature compared to me.

Well, those two were older.

Anyway, wala namang kasalanan si Rubin kaya hindi dapat ako nagmamaktol, sermon niya sa sarili nang maayos na uli ang histura niya. Nakasuot siya ng blue tube dress habang nakapatong pa sa mga balikat niya ang black leather jacket na pinahiram sa kanya ni Rubin kanina. Napansin siguro nitong nilalamig siya dahil ang lakas ng AC sa auditorium hall kung saan ginanap ang pageant. Bakit kasi ang sweet niya sa'kin?

Laglag ang mga balikat na lumabas siya ng ladies' room habang hinahalungkat sa handbag niya ang phone niya. Bigla na lang kasi siyang nag-walk out kanina pagkatapos ng "kissing scene" ni Rubin. Siguradong hinahanap na siya ng parents niya na walang kaalamalam sa nangyari dahil hindi naman alam ng mga ito ang feelings niya.

"Luigi."

Napasinghap si Luigi sa gulat kaya nabitawan niya ang phone niya. "What the..."

"Fuck?" pagtatapos ni Rubin kahit hindi naman 'yon ang sasabihin niya. Pagkatapos, yumuko ito para pulutin ang phone niya, saka nito iyon inabot sa kanya. "Bakit bigla ka na lang tumakbo kanina?"

"Na-si-CR na ko, eh," pagsisinungaling niya. Nakita na nga niya kong sinusundot-sundot ang ilong ko. Wala nang kadiri sa sinabi ko.

"Luigi, Jackie is not my girlfriend," seryosong sabi nito na ikinagulat niya. "Not anymore."

"Then why did she kiss you?" naguguluhang tanong naman niya dahil hindi na niya mapigilan ang emosyon niya. "Gano'n ba sa adult world? Nag-ki-kiss kahit wala nang romantic relationship?"

"Yes, may gano'ng klase ng relationship pero hindi 'yon ang case namin ni Jackie," paliwanag nito. "Hindi ko rin alam kung bakit ginawa niya 'yong ginawa niya kanina. Maybe she's trying to win me back. To be honest, for the past month, our realationship had been rocky because I caught her with another guy. Nakipag-cool off muna ko sa kanya last month habang nagpapakalma ako. When I finally realized that we couldn't go back to what we used to be, I broke up with her but it seems like she couldn't accept my decision. I didn't know she'd show up here tonight."

"Ga'no katagal na kayong break?"

"Cool off kami for a month so ang official breakup namin, one week pa lang."

Nakakahiya mang aminin pero na-relieve siya nang malamang nasa cool off stage si Rubin at ang girlfriend nito habang nagiging close sila. Pero hindi pa rin siya gano'n ka-satisfied dahil isang linggo pa lang palang hiwalay ang mga ito. "D-Do you still love her?" kinakabahang tanong niya. Napahawak pa nga siya sa laylayan ng dress niya dala ng kaba at takot. "Mukha kasing in love pa siya sa'yo kaya nandito siya ngayon. Babalikan mo ba siya?"

"No, I won't," mabilis at seryoso pa ring sagot ng lalaki habang deretso ang tingin sa kanya. "Because I already like someone else."

Napalunok siya pero sinagad na niya ang pagtatapang-tapangan. "Is that me?"

Rubin broke out into a wide smile. "Yes, Luigi del Fierro. I like you."

Nakahinga siya ng maluwag pero pinigilan niya ang sariling sumagot agad ng 'I like you, too' dito dahil hindi pa puwede. "Thanks, Rubin."

Kumunot ang noo nito sa pagtataka. "That's it?"

"What are you expecting?"

"That you'll say you like me, too. Then, we'll start dating right away."

"Ano ka, sinusuwerte?" sagot niya. "Ligawan mo muna ko for three months."

"Three months?" gulat na tanong nito. "Ang tagal naman no'n."

"Hindi matagal 'yon 'no. Sanay ka lang siguro sa mabilisan," katwiran ni Luigi. "I'm a firm believer of the three month rule. Kaka-break mo lang sa girlfriend mo kaya hindi magandang tingnan kung mag-de-date agad tayo. Kaya ligawan mo muna ko for three months. Of course, I'm not forcing you to make ligaw to me."

"I'll do it," determinadong deklara ni Rubin. "Liligawan kita for three months."

Let's Restart: What Went Wrong?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang