23rd Mistake

294 12 2
                                    

JANUARY 2009

NAGTAKA si Luigi nang mapansing nakangiti sa kanya si Gavin habang naglalakad siya palapit dito buhat ang isang kahon ng literary portfolio na ilalabas ng Freeman ngayong linggo. Nakaupo ang lalaki sa cargo space ng pulang pick-up truck na pinahiram sa kanila ng publication adviser nila. Coding kasi ang kotse ng lalaki ngayon kaya nanghiram sila ng ibang sasakyan para kunin sa printing press ang mga portfolio.

Silang dalawa lang ni Gavin ang available ng tanghaling 'yon kaya sila na ang nagprisintang pumunta sa printing press.

"What's funny?" nagtatakang tanong ni Luigi nang tumayo si Gavin para kunin sa kanya ang kahon, saka nito iyon nilagay sa cargo space kasama ang marami pang mga box. Hindi siya pumayag na ito lang ang magbuhat ng mga kahon kaya tumulong siya pero isang box pa lang itong nadadala niya, napagod na siya sa bigat niyon. "Are you in a good mood?"

Naging pokerfaced na uli si Gavin. "I just remembered the first day we met."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "'Yong orientation naming mga newbie writer sa Freeman? You didn't even say 'hi' to us back then."

According to their editor in chief, Gavin had pulled an all-nighter and was a bad mood because of lack of sleep. Dahil sa first impression nila sa lalaki, marami sa mga ka-batch niya ang nangilag dito. Kung hindi dahil kay Juri na schoolmate daw ito no'ng high school at nag-vouche na mabait daw si Gavin, baka inisip na rin niyang masungit ito.

"We met before that," sabi ng lalaki mayamaya. "You probably don't remember but you helped me distribute the broadsheets I was carrying a week before the orientation. Naawa ka yata sa'kin kasi ang awkward ko kaya hindi ko maabutan ng broadsheet ang mga schoolmate natin. That was nice of you, Luigi. Thank you."

"You're welcome but let me think." Napakamot siya ng pisngi habang inaalala 'yon hanggang sa mapapitik siya sa ere. "Ah! I remember now. Ikaw pala 'yon? Tinulungan kita no'n kasi before that, tinuro mo sa'kin kung sa'n ang office ng Freeman." Natawa siya nang kumunot ang noo nito kaya nagpaliwanag agad siya. "Magpapasa kasi ako ng application form no'n. Then, after submitting the form to the office, nakita kitang namimigay ng broadsheet kaya as a token of gratitude, tinulungan kita. But I guess we both forgot about it when we met again since we've only brought up that topic now."

"Probably," pagsang-ayon nito. "Anyway, I'll go back inside and get the receipt. Nakalimutan ko kasing kunin 'yong resibo kanina." Inabot nito sa kanya ang susi ng pick-up truck. "Maghintay ka na lang sa loob para hindi ka mainitan."

"Roger."

Umangat lang ang kamay nito para marahang tapikin siya sa ulo, saka ito bumalik sa loob ng printing press.

Naglakad naman siya papunta sa driver's side ng pickup truck. Bubuksan palang sana niya ang pinto nang biglang may humawak sa kamay niya ng mahigpit. Nang tingnan niya kung sino iyon, nagulat pa siya nang makita ang ex-boyfriend niya.

"Rubin," gulat na sabi ni Luigi, saka niya binawi ang kamay niya mula sa lalaki. "Pa'no mo nalamang nandito ako?"

Sumimangot si Rubin, saka nito pinasok ang mga kamay nito sa mga bulsa ng pantalon. Ngayon niya lang ito nakita uli at napansin agad niyang pumayat ito. He still looked good, of course. But his aura became gloomy. "I was waiting for you at the university. Nakita kitang sakay niyang pick-up truck na 'yan kaya sinundan kita. But I was waiting for you to be alone before I approached you." Nginuso nito ang printing press. "Who was that? Is that lame-looking dude your new boyfriend?"

"I'm not like you, Rubin. I haven't dated anyone after our breakup."

Bumakas ang guilt at pagkapahiya sa mukha nito. But soon, it was replaced by a hopeful look on his face. "Luigi, does it mean you haven't moved on from me yet?"

Let's Restart: What Went Wrong?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon