G

2K 98 1
                                    

Glaiza Galura

Tumunog ang phone ko at ng tingnan ko ito nakita kong si Glaiza pala ang nagtext.

G: morning Rhian,are you free today?
R: no why??
G: ah..okay sige next time na lang..
R: joke, need some help?
G: loko loko ka talagang bata ka😂
R: I know right,so anu nga?
G: kita tayo sa RK I'm on my way there.
R: okay but I need to take my shower
G: np..take your time..see you and take care.

Ngumiti nalang ako at di na ako nagreply..ang sweet palang tao ni Glaiza, ngayon ko lang nalaman na kahit tupakin siya ang napaka sweet at caring niyang tao.

Dali dali akong pumasok sa banyo at nagsimula na akong magshower..

Samantalang...

"Glai.."bati saken ni Kath.

" Hello " sabay beso ko sa kanya.

"Ano bang meron at himala yatang nakipagkita ka sa amin ngayon? " Panunumbat ni Kath saken.

"Wala naman may papakilala lang akong kaibigan sa inyo." Pangiti ngiti kong sabi.

"Naku Tsong,.yan"..sabay turo saken ni Chynna.

" Alam ko ang mga ngiting ganyan tsong.." panunukso ni Chynna.

"Tsong, ano ka ba. Narinig mo naman sinabi ko diba?  KA IBIGAN.. ano uulitin ko pa ba?" Sagot ko.

Umiling iling nalang si Chynna saken.

Tumahimik nga kayo diyan ang iingay niyo sagot naman ni Kath.

"Hoy Kathrina!. Bawal nega dito ngayon kaya bawas bawasan mo yang pagkanega mo.." sabi ni Chynna

"good vibes lang tayo ngayon..dimo ba nakita?.iba ang mga ngiti ngayon ni Galura kaya pagbigyan na naten siya today." .sabay hagalpak ng tawa si Chynna..

"Nakakatawa ka talaga Tsong ano?" paninita ko sa kanya.".isa ka pa eh badtrip kayo eh." Sabi ko.

At tumunog ang phone ko and si Rhian yung nagtext sabi niya nasa labas na daw siya.

"Guys excuse me lang ha..susunduin ko lang yung bisita natin." Sabi ko.

"Tsong behave ka ha?and Kath please lang huwag kang mang aaway ha?." Pakiusap ko.

Nakakunot lang ang noo ng mga kaibigan ko ng talikuran ko sila.

Paglabas ko nakita ko si Rhian..simple lang ang suot niya v-neck white  t-shirt at naka ripped jeans.

"H..hi.."bati ko sa kanya..

"you look stunning"  sabi ko sa kanya.

"Glai naman eh ang aga aga nambobola ka" sabay hampas saken.

"Hindi kita binobola ang ganda mo talaga today." .sabi ko..

Halata naman sa hitsura niyan na namumula siya.

"Whatever.." yun lang ang nasabi niya at pumasok na kami sa loob.

Pagpasok namin nakita ko ang mga tropa ko na nakatingin na pala sila samen.

"Ah,Glai.." tanong saken ni Rhian.

"Yes Rhi?."sagot ko naman sabay harap sa kanya.

"Hindi ba nangangagat mga friends mo?." pagbibiro niya.

"Sila Rhi hindi..pero ako uo.." pabiro ko ring sagot.

"Ewan ko sayo! " sabay hampas sa braso ko.

"Aray masakit yun ah.." pag iinarte ko.

At tamang tama naman narating na namin ang kinaroroonan nila Chynna at Kath.

"Guys..Meet Rhian bago kong kaibigan."

"Rhian this is Kathrina and Chynna"  pakilala ko sa kanya.

"Hi.."ang sabi ni Rhian while lahad ang kamay ke Kath..

"Huwag mo nga akong ma hi hi diyan..kilala kitang ungas ka eh!
Diba kaibigan ka nung impaktang Solen na yun?." pangsisigaw ni Kath.

Si Rhian naman ay nabigla pero nakabawi din agad..samantalang si Chynna ang umaawat kay Kath.

"Kath,chill lang diba sabi ko sayo bawal nega dito? Ano ba respetuhin mo naman bisita ni tsong.." sabi ni Chynna.

"Ah..Rhian, pagpasensyahan mo na tong si Kath ha?.nagkaganyan lang yan kasi mahal namin yang si Glaiza eh pero mabait naman talaga tong si Kath,"  paliwanag ni Chynna.

"Look, hindi ko alam kung ano ang ngyari between Glaiza and Sos, sa maniwala kayo o sa hindi walang sinasabi sa amin si Sos about sa break up nila ni Glai..and I come here to meet you guys at ayaw ko ng gulo kaya please kung galit kayo ke Sos,huwag niyo akong idamay kasi kahit papaano kaibigan ko na rin si Glai.." sabi ni Rhian.

Halata sa boses ni Rhian na napahiya siya kaya naman nagsalita na ako.

"Kathrina please,huwag ka namang ganyan,kilalanin niyo muna siya bago ka magalit sa kanya." .at hinarap ko si Rhian.

"Rhi,if di ka komportable dito pwede tayong humanap ng ibang lugar sabay tingin ko sa dalawa." Sabi ko.

"No.I mean I'm fine Glai.".sagot niya.

" naiintindihan ko yang friend mo kaya huwag kang mag alala ayos lang ako," sabay ngiti saken.

"Sigurado ka ba tlaga?".tanong ko sa kanya.

"Yes,siguradong sigurado" sabay kindat.

At heto naman ako pakiwari ko namamaga ang mukha ko sa harapan nila eh,hindi kasi ako sanay sa mga ganya g galawan eh.

Sakto namang nagsalita si Kath.

"Sorry na Rhian kung nataasan kita ng boses kanina,diko lang talaga kasi gusto ang ginawa ng kaibigan mo sa kaibigan namin"  paliwanag ni Kath.

"Its okay Kath I understand. " Sagot naman ni Rhian.

:So I guess okay na tayong lahat dito ano?" Pambasag ng trip no Chynna.

At lahat nalang kami nakatawa si Chynna talaga ang clown sa grupo namin.

But I Love You (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now