P

1.7K 75 0
                                    

Persistent...

Ilang linggo na din ang nakalipas simula noong nagpunta kami sa bar ni Trixie,ngunit wala pa din akong tawag na natatanggap.

Nga pala,sina Trixie at Batchi na pala. Batchi pala yung name ng bartender and ang laki ng pasasalamat ni Trixie sa akin kasi kung di daw dahil sa kabaliwan ko ay wala padaw siyang love life ngayon. I'm so happy for them.

Samantalang ako,heto diko alam kong may aantayin pa ba ako oh wala na?.pero malakas kasi ang loob ko na hihintayin ko si Rhian kahit ako lang ang nakaka alam na mahal ko siya.

Tumunog ang doorbell sa labas ..kaya naman nagtaka ako kung sino yung dadalaw sa akin. Wala naman akong inaasahang bisita eh.

Kaya naman dali dali kong binuksan ang pinto at nanlaki ang mga mata ko..no..I mean..mas lumalaki pa ang mga mata ko dahil sa di ako makapaniwala sa kaharap ko ngayon. Totoo ba ito? Oh nananaginip lang ako.

"Nay?.."sambit ko habang pinagmasdan ko ang taong nasa harapan ko ngayon.

Si Nanay Cristy, ilang buwan na din ang nakaraan simula noong diko siya nakita at nakausap,kaya naman napaluha ako sa nakikita ko ngayon.

"Cha,di mo ba ako papapasukin sa loob?"tanong ni nanay sa akin

,ako naman parang natauhan.

"Pasok ho kayo Nay," at inalalayan ko siya papasok sa loob ng bahay.

"Maupo po kayo inay,ano pong gusto niyo?".tanong ko sa kanya.

"Huwag ka nang mag abala Cha",sabi niya sa akin.

"Pumunta ako dito para kausapin ka."

Pagkarinig ko sa sinasabi ni inay ay bigla akong kinabahan.

"Maupo ka Cha,"sabi ni inay sa akin..kaya naman umupo ako sa tabi niya.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa Cha,isa lang naman talaga ang pinunta ko dito eh. Nagpunta ako para sabihin sayong tanggap na kita." Sabi niya.

" Tanggap ko na kung ano man ang pinipili mong landas. Oo,noong una nasaktan ako kasi pakiramdam ko,hindi kita napalaki ng tama dahil ganyan ka,pero natauhan ako mula noong nagpunta si Solen sa bahay." Dagdag niya.

FLASHBACK....

Umaga noon at nasa labas ako inaayos ko ang mga bulaklak ng may isang kotse na huminto sa harapan ko, at lumabas doon ang isang napakagandang dilag.

Nagtaka ako kung sino yun,nilapitan niya ako at nagmano siya sa akin kaya naman may kutob akong girlfriend mo yun,kaya naman hinintay kong may lumabas muli sa kotse at meron nga pero ang inaasahan ko ang ikaw ang makikita ko pero nagkamali ako. Isang mayamang lalaki ang lumabas doon at doon ko nalamang nobyo niya iyon.

Patuloy lang ako sa pakikinig kay inay,diko alam kong sino yung tinutukoy ni inay.

Cha,ang babaeng nagpunta sa bahay ay ang ex-girlfriend mong si Solen at kasama niya ang nobyo niyang Chinese,kinausap niya ako tungkol sayo at sa pagkatao mo naki usap siya sa akin na tanggapin na kita kasi kahit na ganyan ka ay anak parin kita. At sinabi niya sa akin lahat ng pinagdaan mo sa mga panahong nasaktan ka niya,at doon nanaig ang pagkamagulang ko.

END OF FLASHBACK...

"Cha,kung sana natanggap kita agad, andun sana ako noong mga panahong nahihirapan ka,pero dahil sa pride at prinsipyo ang pinapairal ko ay hindi kita nadamayan,kaya naman pinuntahan kita dito para narin humingi ng tawad sa mga pagkukulang ko sayo" at niyakap ako ni Nanay.

Ang yakap niya ang nagpapahina sa akin. Bumuhos lahat ng luha ko dahil sa wakas nakuha ko na rin ang matagal ko ng hinihiling,ang tanggapin ako ni inay.

Kaya naman wala akong nasabi kundi iyak lang ako ng iyak.

"Tama na anak,"sabi ni nanay sa akin.

" Magsimula kang muli,gusto kong makita kitang masaya." Sabi niya.

" Sabi kasi ni Solen,simula ng magkahiwalay kayo ay hindi ka pa daw nagkaroon ng karelasyon,kaya naman nag aalala siya para sayo Cha." Dagdag niya.

Tumango tango lang ako sa mga sinasabi ni inay,wala ako masyadong naiintindihan kasi umaapaw ang puso at isipan ko sa sobrang kaligayahan.

Wala paring katumbas ang kaligayahang dulot kapag tanggap ng pamilya mo ang pagkatao mo. Salamat sa Diyos at sa wakas binibigay na rin niya ang matagal ko nang pinagdarasal ang tanggapin ako ni inay.

Kaya naman,pagkatapos ng pag uusap namin ni inay ay isinama niya ako pauwi sa bahay. Matagal tagal na rin bago ko nakasama ang pamilya ko kaya naman sobrang excited ako at sobra sobra din ang kasiyahan ko ngayon.

But I Love You (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now