Kabanata 27

10.1K 213 3
                                    

Bago ako umalis ay may binigay na mga pictures sa akin si Tita Nadz. Pictures with him. Magkahawwak kamay kami habang naglalakad. Picture na kasama siya habang masayang kumakain ng favorite dish ko. And especially a picture of me wearing my wedding gown.

Ang dami kong tanong sa sarili ko na sina mama at papa lang ang makasagot. Pero bakit noong nagkita kami sa Rancho, bakit wala saying nabanggit sa nakaraan ko. Bakit hindi nito sinabi na matagal na pala kaming magkakilala. Nagugulo ang isip ko.

Paano nila naitago ang mga ito sa loob ng mahabang taon.

Si Marcus! Ano bang dahilan nito ng pagtatago ng totoo sa akin? Shit sumasakit na naman ang ulo ko. Lintik na memories na yan!!

Hindi alam nina mama na darating ako ngayon. Wala akong balak na sabihin sa kanila. Galit ako. Hindi sa kanila kundi sa sarili ko. Ang laki kong tanga para kalimutan ang lahat. Sabi ni tita wala naman daw naging problema sa findings and result ng mga test ko. It is just that may parte ng utak ko na kinalimutan ang lahat. Emotional basis daw ang dahilan! Yun yung sobrang katangahan. My mind wants to protect my emotion kaya ko nalimutan ang mga bagay sa nakaraan. Naisip ko tuloy ganoon ba kasakit ang nangyari sa akin kaya’t pilit kinakalimutan ng isip ko.

Nakarating ako ng bahay na iniisip kung paano ba ako magsisimula. Kung paano ko sasabihin sa kanila na kailangan ko ng maraming explanations. Papasok na ako ng pinto ng marinig kong may kausap si Mama.

“Diana, hindi mo kami pwedeng pangunahan” sabi ni Mama. Hindi kuna kailangan pang tumingin kung sino ang kasalukuyan nitong kausap.

“Why not, for damned 9 years. Itinago nyo ang lahat kay Yalaine. Just to protect her. Pero anong nangyari nasasaktan pa rin ito” galit na sabi ni Tita Diana

“Kasalanan naman ito ng anak mo, kung bakit nasasaktan ang anak ko” wika ni mama

“Victoria, nagmahal lang ang anak ko.”

“Same with my daughter. Nagmahal din siya” wika naman ni Mama.

“Pero Victoria, alam mong walang kinalaman ang anak ko, Marcus love Yalaine. Alam mo yan, Halos mabaliw siya ng malaman na hindi matutuloy ang wedding because Yalaine got an accident. Mistulan siyang namatayan ng ipagkait ninyo si Yalaine sa kanya, akala niya talagang ayaw na ni Yalaine sa kanya. He have his revenged with a wrong reason.” Paliwanag ni Tita Diana.

Pinipigil ko ang iyak ko. Napatakip ang bibig ko dahil sa sinabi ni tita. The word REVENGE strike me. Kaya pala iniwan niya ako ng hindi nagpapaalam. Yung nangyari sa rancho lahat nang yung may kaugnayan sa plano nitong paghihiganti.

“Nilayo ko siya dahil ayaw kong lalong masaktan si Yalaine” sabi ni Mama. “Here, see for yourself” Hindi ko alam kung anong binigay ni Mama kay Tita Diana.

“What are these...Pictures..” Victoria, wala akong panahon sa ganitong mga bagay.

“Just open,” sabi nito. Ilang sandal ay wala akong narinig sa kanila hanggat maari ay pinipigilan ko ang sarili ko. Gusto ko pang malaman ang lahat.

“What are these?” tanong ni Tita Diana.

“Those are the reason kaya ayaw kong malaman ni Yalaine ang ano mang kaugnayan niya kay Marcus,…. Simula ng makilala niya si Marcus, alam kong sumaya siya. At saksi ako sa panahon na iyon. Whenever we talked about him isa lang ang makikita ko sa kanya. Love. My daughter love you son, She’s inlove with him head over heels. Kaya tutol man ako sa kasal nila because yalaine is so young then pero hindi ko makakaya na maging hadlang sa kaligayahan ng anak ko. I love my daughter kaya pumayag na ako. Pero hindi ko inakala na hahantong sa aksidente ang lahat. Bilang isang abogada, hindi ako nakuntento na isang accidente ang nangyari kay Yalaine, because. It was not merely an accident.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Nalaman ko na sinadya ang lahat. Yung aberya sa brakes ng bridal car ng anak ko. Lahat yun may kinalam si Marcus!!” Mas nagimbal ako sa sinabi ni mama.

May kinalaman si Marcus sa accidente? He was trying to kill me back then.

Mas naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko ng dahil sa kaalaman na iyon.

“And those pictures, nakuha ko yan 2 days after the accident. Iniisip ko kung gaano kasakit para sa anak ko ang makita ang pagtataksil ni Marcus sa araw mismo ng kasal niya. And that whore, Zindy Cristobal. Nalaman ko na hanggang ngayon pala ay magkasama sila. I want to protect my daughter, At hindi ako makakapayag na ang pagmamahal niya para sa anak mo ang maging dahilan ng kamatayan niya. I’m sorry!!! But Marcus will be the death of yalaine. I’m sorry Diana,”

“pero Victoria, walang kinalaan ang anak ko sa mga sinasabi mo. Besides hindi lang si Marcus ang nasaktan. Alam mo din naman ang mga picture na may kasamang ibang lalake si yalaine.” Sabi ni Tita. “Nasaktan din si Marcus, hindi lang si Yalaine ang nasaktan”

Napaisip ako. Anong lalake ang sinasabi nito. Hindi kuna kaya, ayaw ko nang marinig ang anu pang sasabihin nila.

“Ma, Tita Diana” sabi ko sa kanila.Nakita kong namutla sila

“Ya-yalaine, kanina kapa?” tanong ni Mama

“Yal-yalaine” sabi naman ni tita na garalgal ang boses.

“ I heard everything”

=====================

Comments and Votes are SUPER appreciated.

Sorry. Maikli!

The Bride's Man series: All of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon