Kabanata 5

14K 335 3
                                    

“Marc Fuentebella.” Mahina kong banggit sa pangalan na nakaukit sa isang pintuan. Kung hindi ako nagkakamali siya ang may-ari ng rancho na ito.

Ano kayang itchura niya? Yan ang paulit –ulit na tanong ng dalaga sa kanyang sarili kanina pa ito paikot-ikot sa buong kabahayan ngunit walang anuman larawan ang makikita. Nalibot na rin niya ang buong kabahayan. Iilang tao na din ang nakadaupang palad naya at isa duon si Manang Dolor at Mang Kulas na siyang nag-aalaga sa bahay kung wala ang may-ari.

Ayon sa kanila ay dito na namamalagi si Marc, kung may problema ito sa ibang negosyo ay duon lamang ito umaalis ng rancho.

“Manang saan po ba pupunta si Marc?” tanong ko. Marahil alam na nito na darating kami kaya bakit kailangan pa nitong umalis.

“Naku, kailangan ng batang iyon ng papalakas ng loob” sabi naman ng matanda

“Para po saan?”

“Naku, Yalaine, wag munang intidihin yang mga pinagsasabi ni Dolor tumatanda na iyan at nag-uulyanin na din.” Wika naman ni Mang Kulas. Nakita ko naman na sumilay ang ngiti sa mukha ni Manang Dolor sa sinabi ni Mang Kulas.

“Ilang taon na po ang rancho na ito.?” Tanong ng dalaga habang tinitingnan ang buong kusina kung saan kasalukuyang nagluluto ng kakanin si Manang Dolor

“Naku bata pa lamang ako ay nandito na ang rancho na ito, ako na din ang nag-alaga sa magulang ni sir Marc. Pati nga si sir Marc ay ako na ang nag-alaga ang kaso ng mamatay ang ama niya ay nag desisyon silang mag-ibang bansa”

“eh yung pong pangalan ng rancho “IL MIO AMORE” alam niyo po ba kung sino ang nag-isip?” patatakang tanong sa dalaga na sinagot naman ni Mang kulas

“Ah, iyan ba, dalawangpu’t dalawang taon na din ang nakakalipas ng palitan ng yumaong ama ni Marc ang pangalan ng rancho”

“Ay, kung ganoon ay para po sa asawa nito ang pangalan na yan, ang sweet pala po ng tatay ni Marc kung ganoon.” Sabi ng dalaga na waring kinikilig sa nalaman.

Nagkibit balikat ulit ang dalawang mag-asawa sa tugon niyang iyon.

“Sige ho, maglilibot-libot muna po ako, kung pwede po ba ay makahiram ako ng isa sa mga kabayo, nakita ko po kasi ang daming Arabian horses dito kanina”

“Ah, oo pwedeng-pwede, hinihintay ka nga nung mga yun eh”

Hinihintay? Minsan talaga ay nakapagtataka ang mga katiwala nito. Paano ako hihintayin ng mga kabayong iyon kung hindi pa naman kami nagkikita. Naku baka mga babae ni Marc ang gumamit nito lalo pa noong kabataan niya. Sa palagay ko kasi isa na siyang “Lolo” halos matanda na kasi ang mga katiwala dito siguro ay nasa singkwenta anyos na ito. Matanda na nga kung ganoon.

“Mang Kulas, ano po bang itchura ni sir Marc?” tanong ko sa matanda habang hila-hila nito ang kabayong sasakyan ko.

“Naku, Yaliane ikaw nalang ang humusga kapag nakita muna. Ilang oras lang naman ang hihintayin mo at magkikita na ulit kayo” sabi nito habang hindi maalis ang ngiti sa mukha niya.

Ulit? Nagkita na ba kami para may ulitan na mangyari parang di pa naman ah.

“Sige, Yalaine. Maiwan na kita ah” Paalam nito

“Salamat ho,” sigaw ko sa papalayong matanda.

Nagpasyahan kong libutin ang buong rancho. Madami din akong nakitang  mga manggagawa na nangangalaga sa mga alagang hayop sa rancho. May ilang mga trabahador akong nakausap at ayon sa kanila ay halos isang daan ang mga baka dito at halos limangpung kabayo ang meron sila. Kung bibilhin ko ang ranchong ito makakaya ko kayang pangalagaan sa dami ng iniisip ko kasama na doon ang negosyo ng pamilya. Makakaya ko kaya?. Pinilig ko ang ulo ko sa mga pumapasok na ideya sa akin. Sinimulan kuna ito at walang dahilan para sumuko ako ngayon.

The Bride's Man series: All of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon