Kabanata 1

27K 389 3
                                    

"Ate, are you gonna attend his wedding"? Tanong ni Angela. Ang aking bunsong kapatid. Halos magdadalawang taon na din ako dito sa London, halos dito ko ginugol ang lahat ng panahon ko para kalimutan lang siya. At ngayon heto ako patuloy pa rin na bumabalik sa kanya kahit ang sakit-sakit pa. Bata palang ako ng maging kaibigan ko si Gabriel, madaling salita isa siyang kababata. Sa pagkaka-alala ko siya ang nangako sa akin na pakakasalan niya ako.

I was seven that time at siya naman ay ten years old nang mangako siya sa akin na ako ang kanyang gagawing bride. Ilang taon ko ding pinanghawakan ang pangako niya. Sa loob ng dalawang taon na pamamalagi ko dito siya pa rin ang naiisip ko. Walang ibang lalaking sumagi sa isip ko kundi siya. Sa bawat panaginip ko, alam ko na kahit malabo ang lalakeng laging laman ng panaginip ko. Alam ko siya at naniniwala akong siya lang ang mamahalin ko.

Ang kaso nagbago ang lahat ng malaman ko na may girlfriend na ito.

"Prinsesa" tawag niya sa akin habang nasa kusina ako at pinagluluto siya ng paborito nitong adobo.

"Ano yun?" nakangiti kong tanong sa kanya. May babaeng biglang lumitaw sa kanyang likuran. Bagamat simple lang sa suot na puting bistida ay makikita ang taglay na ganda nito.

"Si Sam pala, girlfriend ko" sa pagkabanggit niya sa mga salita na yun ay napawi ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa Tinuran niyang iyon. Kapante ako na tutuparin niya ang pangako dahil wala naman itong pinapakilalang girlfriend sa mga magulang niya. Ngunit heto ako ngayon kaharap ang babaeng sa palagay ko ay kanya nang seseryosohin. Ang kaso, Paano naman ako?

" Hey, hindi kaba masaya para sa akin" tanong niya habang hawak-hawak ang kamay ng girlfriend niya. Isang pilit na ngiti ang sinukli ko sa kanya.

" Of course, im happy fo both of you" sagot ko naman " sige dun muna kayo sa dining room at ihahanda ko lang ito. Sabi ko at tumalikod sa kanila at kasabay noon ang pagpatak ng luha ko.

Hanggang ngayon sariwa pa rin sa isip ko ang tagpong iyon. Ang bawat yakap niya , ang bawat matamis na salita niya, ang mga halik na "dapat" sa akin ay hindi ko kailan man naramdaman. Dahil ngayon ang prinsepeng tumuring sa akin biglang kanyang prinsesa ay tuluyan nang naging hari at ngayon ay nakahanap na siya ng kanyang magiging reyna panghabang-buhay ngunit sa kasamaang palad ay hindi ako ang kanyang napili.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Angela. Uuwi ba ako para sa kasal na yun. Mahalaga ba iyon?

Tinatanong ba iyan, syempre Oo, napakahalaga dahil kasal kaya nang pinakamamahal kong tao. Oo pinakamamahal ko, first love pa nga, diba? dapat pumunta ako kasi syempre mahal ko, dapat nanduoon ako.

Ang problema?

Hindi naman ako ang Bride, paano ako pupunta sa kasal nang taong pinakamamahal ko kung hindi naman ako ang Bride, Bibigyan ko lang ang sarili ko ang sakit sa puso.

"Ate, are you okay" kahit na phone call lang to alam ko, Angela is so worried about me, alam kasi nya lahat, pati sina Papa at Mama alam nila. Pati ang magulang ni Gab alam nila kung gaano ko kamahal ang anak nila. Maging mga tao sa paligid niya alam kung gaano ko kamahal si Gab.

Si Gab lang naman ang hindi. Si Gab lang naman kasi ang mahal ko at siya pa ang hindi nakaka-alam.

Tanga lang ba siya o masyado akong duwag kaya hindi ko masabi ang nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot kasi ako na baka hindi niya tanggapin ang nararamdaman ko sa kanya. At hanggang ngayon hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagtatago o naging happy ending ang story naming kung umamin ako sa kanya. Ngunit aaminin ko ba ang isang bagay na sa umipisa palang alam kuna ang patutunguhan na hanggang childhood friend at little sister lang ang turing niya sa akin.

The Bride's Man series: All of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon