[P R O L O G U E]

8.3K 187 4
                                    

[EDITED]

Chaie's Pov

“What?!” sabay na sabi namin sa gulat ng lalaking nasa harapan ko, dahilan para mag-katinginan kami.

Napa-iwas naman ako ng tingin at napatulala nang dahil sa sinabi ng mga ito.

“Narinig niyo naman ata? Kayong dalawa ay itinakdang ikakasal. Na-process na namin lahat ng mga kailangan para sa kasal niyo.” sambit ni Mr. Park.

Napatingin naman ako kay Jimin at nakita ko naman na galit na galit siya ngunit pilit niyang pinipigilan upang hindi maging halata sa amin.

“B-but Dad? I have a girlfriend!” angal ni Jimin.

Yumuko ako nang narinig ko mula sa kaniya. At napatingin sa kawalan.

“Then break up with her, son! Kailangan niyong ikasal ni Chaie nang walang sagabal.” sabi ni Mrs. Park

Kung may girlfriend siya. Bakit hindi nalang doon siya ipagkasundo? Mukhang ako tuloy ang sagabal sa kanilang dalawa.

“Ikaw Chaie, may kasintahan ka ba?” napatingin naman ako kay Mrs. Park na seryoso ang mukha.

“P-po? Wala po!” mabilis na angal ko at nakita ko naman na nakahinga ng maluwag ito.

Tinitigan ko naman ang lalaking nakatakdang ikasal sa akin, his name is Jimin. Kilala ko na siya simula nung nag aaral pa ako ngunit sa tingin ko ay hindi niya ako kilala noong mga panahon na iyon dahil tahimik lamang ako noon.

“Si Chaie, ni kahit kailan hindi pa 'yan nag-boyfriend. Narinig ko nga na crush na crush niya itong si Jimin dati nung nag-aaral pa sila.” sambit naman ni mama dahilan para makaramdam ako nang pamumula ng pisngi ko sa hiya.

Totoo. Dati na akong may pag-tingin sa kanya dahil na rin sa kakaiba siya sa ibang lalaki. Siya ay talagang tipo ng lahat ng mga kababaihan. Maraming mga katulad ko ang humahanga sa kaniya ngunit ang pag-kaiba ko ay tahimik lamang akong humahanga at hindi katulad ng iba na naghahabol para lang mapansin nito.

“Mom! Stop it!” bulong ko at nginisian lang ako,

Kita ko naman ang pag-aliwalas ng mukha ng mga mukha ng magulang nito dahil sa sinabi ni mama. Tumingin naman ako sa kanya at napayuko na lamang ako nang nakita ko ang walang reaksyon na mukha niya.

“Ayun naman pala! Napakaswerte naman ng dalawang batang 'to at bagay na bagay sa isa't isa!” sabi ni Mrs. Park.

Natapos ang usapan naming lahat at sa walang nagawa ang lalaking ito ay napapayag din. Alam kong masama ang loob niya sa akin dahil kung nakakamatay lang ang pag-titig ay kanina pa ako wala sa mundong ito.

“Tita, pwede ko bang maka-bonding ang asawa ko?” napatigil naman ako sa sinabi ni Jimin at napatingin ako sa kaniya.

Asawa ko? Dama ko ang pag-kawala ng puso ko dahil sa narinig ko. Tinignan naman kami ng mga magulang namin na mapanukso.

Tumingin ako sa kaniya at nakita ko na pilit lamang ang mga ngiti na iyon kaya naman ay patago nalang akong napanguso. Halatang ayaw niya talaga.

“Aww, sure! Kailangan niyo nang kilalanin ang isa't isa.” masayang sambit ni Mommy at tinulak ako papunta kay Jimin.

Dahan-dahan naman akong lumapit nang nakayuko at nagulat naman ako nang hawakan nito ang kamay ko at hinila paalis, nagkasalubong ang kilay ko na nakatingin sa kamay niyang hinihila ako paalis at dinala sa kung saan.

Teka...

“S-saan mo ba ako dadalhin?!” litong sabi ko habang hinihila niya ako ngunit hindi niya ako sinagot.

Huminto kami sa tagong lugar at kaunti lamang ang tao kaya kinakabahan akong tumingin sa kanya na nakita ko naman na ang seryoso ng mukha niya. Lumunok naman ako at napatitig sa kanyang mga mata na malamig.

“Why?” malamig na sabi nito, tinignan ko ang mga mata niyang galit at sakit.

Naramdaman ko namang parang piniga ang puso ko dahil sa nakita sa kanya, Dahil alam kong ayaw niya sa kasal na 'to at napilitan lamang siya ng mga magulang niya. Lalo na ngayon na may girlfriend pala siya siguradong galit ang nararamdaman nito.

“W-what?” utal kong sabi.

“Bakit ka pumayag sa kasal na ito, huh?” bulong nito at unti unting lumapit sa'kin at dahan dahan naman akong umatras.

Napaiwas naman ako ng tingin at patuloy pa rin ang pag-lapit nito na ako rin namang patuloy na pag-atras.

“H-hindi ko rin naman alam! M-malay ko ba.” sambit ko at napatigil naman siya sabay ngisi.

“Hindi mo alam? Your mom just said that you have-” sabi pa nito at huminto rin. “Alright so you really planned this right?” seryoso niyang sabi,

How dare he...

Plinano? Ofcourse no! Maging ako 'man ay hindi ko alam na may ganitong magaganap dahil wala rin namang sinasabi sa akin si mama. At kung malaman ko rin naman ito ay alam kong wala rin akong magagawa.

“Trust me! Oo may feelings ako sayo pero-”

“Bullshit!” dahil sa sigaw niya ay napatalon ako roon, naramdaman ko ang mga luha ko sa pisngi ko.

“I told you na hindi ko ito plinano, hindi ko alam na may kasal na mangyayari a-at hindi ko alam na may girlfriend ka.” hikbi kong sabi habang patuloy na pinupunasan ang luha ko.

“Don't expect us to get along.” sabi nito na seryosong nakatingin sa mga mata ko.

“I will not love you no matter what happens.” dagdag nito.

Parang piniga ang puso ko at nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig galing sa kanya. Alam kong seryoso ito dahil sa lamig ng awra niya.

Nakita ko naman na napatigil siya at tumingin sa mga mata ko at ang pag-igting ng panga niya. Yumuko na lamang ako at pasimpleng pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

Maya-maya pa ay nakita ko ang pag-talikod nito para umalis. Kaya naman ay malaya kong napagmasdan ang imahe nito hanggang sa mawala sa paningin ko.

“Hindi pa nga tayo kasal, pero ganiyan na ang trato mo sa'kin. Paano pa kaya kung kasal na tayo?”

_________

Hi lovelots! I hope na ma-enjoy kayo sa story na ito, hindi ko inaasahan na ganto karami ang magr'read, TYSM!

Marriage [Completed]Where stories live. Discover now