[Chapter 21]

4.1K 83 0
                                    

Jimin

May na-fefeel ako kay Mia na hindi na siya katulad ng dati. Hindi na siya yung dating Mia na nakilala ko. Ibang iba na siya, ibang iba. Kaya ngayon ay nasa dorm niya ako at nag-aaway na naman kami.


"Why are you always like that Mia?" sigaw ko sa kaniya at nakita ko naman na nagulat siya sa pagtaas ng boses ko.

"Don't you dare! Huwag mo akong pag-tataasan ng boses Jimin." galit niyang sabi.

"Ano bang nangyayari sayo Mia. Is there something wrong?!" taka kong tanong sa kaniya.

"Don't mind me. Mahal mo naman si Chaie diba?" nabigla naman ako sa sinabi niya.

"I have a problem Jimin. And it's you! Nakikita ko na ang pag-babago ng pakikitungo mo sa akin. Nasaan na ang Jimin na nandiyan palagi sa tabi ko na kaunting text or tawag ko lang mag-rereply at sasagutin na!" halos tuliro niyang sabi.

"It is just a misunderstanding Mia." mahinahon kong sambit.

"Misunderstanding? Yes! Pero malala pa roon dahil hindi na ako mag-tataka kung isang araw ay iba na ang mahal mo! Hindi na ako Jimin! Dahil sa pinapakita mo lang ngayon napakalaki ng pinag-bago mo." nanlaki ang mata ko dahil sa mga sinabi niya.

"Shut up Mia! Alam mo naman kung sino lang ang mahal ko. Bakit mo ba pinag-dududahan ang pag mamahal ko sayo." sambit ko at napaiyak nalang siya sa sinabi ko.

"Natatakot ako. I'm scared Jimin. Na hindi mo na ako kaya pang mahalin."

"It's not what you think! Stop thinking nonsense Mia." seryoso kong sabi.

Napatitig naman siya sa mga mata ko, hindi ko mabasa ang mga mata niya dahil kahit ako ay naguguluhan din.

Nakita kong napapikit siya saglit ngunit tumitig din sa akin.

"Choose, Chaie or Me?" napahinto naman ako sa sinabi niya.

"Mia. STOP!" i raised my voice at napapikit naman siya habang tumutulo ang luha.

"I said CHOOSE!" sigaw din na sabi niya.

"Ako o si Chaie?" ulit nito kaya naging seryoso nalang ang tingin ko sa kaniya.

"I'm sorry." sambit ko.


ITUTULOY...

Marriage [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz