[Chapter 22]

4.1K 75 1
                                    

Chaie

Tinawagan ako ni Angi at sinabing mag-kikita kami ngayon sa kinakikitaan namin palagi, hindi ko alam 'kung ano ang rason na kaya kahit tinatamad ako ay napilitan akong mag-ayos nalang para pumunta roon.

Nang naka-bihis ay agad naman akong bumaba at naabutan ko naman si Jimin na nakakunoot ang noong tinignan ako.

"Where are you going?" taas kilay niyang tanong, alam 'kong tatanungin niya yan.

"H-huh? Bakit ka pa nagtatanong at saka bakit nandito ka rin? Wala ba kayong date ni Mia?" tanong ko ngunit hindi niya pinansin o sinagot at mas lalo naman siyang lumapit sa akin.

"I said, Where are you going?" dahil sa seryoso niyang mukha ay napalunok ako.

"Sa pinagkikitaan namin ni Angi, may ipapakilala raw sakin." sambit ko at nakita ko naman na mas lalong kumunoot ang noo niya at ako naman ay hindi ko alam kung bakit ang bilis nang tibok ng puso ko.

"May ipapakilala sayo, Lalaki ba yan?"

"Seriously? ofcourse I don't know! Kaya nga pupuntahan ko diba?" napakagat nalang ako ng labi ko dahil alam ko na naman kung saan 'to tutungo.

"Hindi pwede." napanganga naman ako dahil sa sagot niya.

"Jimin! Kahit sandali lang, please." nag-pout ako para makita niya na kailangan ko talagang umalis.

"Bawal. " napasimangot nalang ako.

"Please." sabi ko at ginawa ko ang lahat ng hindi ko ginawa sa buhay ko, ang nag-papacute.

"S-stop! Hindi pa rin kita papayagan."

*tsup

"Gusto mo isa pa? Oh. eto," at hinalikan ko ulit siya sa kabilang pisngi at pagkatapos ay nakita ko naman ang pagmula ng dalawang pisngi niya kaya napangisi nalang ako.

"A-ano...h-hmm, Fine! Basta dalian mo lang," napatalon naman ako sa saya dahil sa sinabi niya, sabi na eh! effective ang ginawa ko. *laugh, alam ko ang kahinaan mo PARK JIMIN!

"Yehey! I love you talaga." masayang sabi ko at aalis na sana nang bumalik ulit ako,

*tsup

Naramdaman ko naman na nagulat siya sa ginawa ko, at ako rin naman nagulat sa ginawa ko.

HINALIKAN KO SIYA SA LABI!

Agad naman akong humiwalay at awkward na ngumiti sa kaniya.

"S-sorry, Alam kong nagulat ka at hindi mo nagustuhan 'yon lalo na may girlfriend ka." pagkatapos nang sabihin ko 'yon ay agad na akong tumakbong umalis.

Nang nakarating na ako sa pagkikitaan namin ay nakita ko naman siya na may kasamang isang lalaki. Nag-taka ako dahil ngayon lang ako nakakita na lalaking kasama niya, madalas kasi ang mga lalaki niya ay wala ng komunikasyon kumbaga parang wala lang 'yung nangyari.

"Chaie! Tara dito," nakangiting sabi ni Angi at umupo naman ako kung saan ang table nila.

"S-sino 'yan?" bulong ko sa kaniya at narinig ko naman na tumawa siya.

"Boyfriend ko," nalaglag naman ang panga ko dahil sa sinabi niya. BOYFRIEND?! Ngayon lang siya nag-pakilala ng officially boyfriend niya.

"Hi, I am Ricci Rivero. Angi's boyfriend and nice meeting you Chaie," ngiti niyang sabi at tumango naman ako at tinanggap ko ang kamay niya.

"Nice meeting you too, Congrats Angi! ngayon ka lang nagpakilala ng boyfriend kaya Ricci! Huwag mong sasaktan 'tong kaibigan ko ha? Masasaktan ka rin sa'kin."


"Hell no, I would never do that to her."

ITUTULOY...

Marriage [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ