TWH 01

10 1 0
                                    

YSLY BELLE CRUMS

Nandito ako ngayon sa garden ang favorite na tambayan ko--- namin, ako lang mag-isa kasi busy si Aij.

At dahil wala naman akong magawa, kain lang ng kain ang peg ko. Wala din naman akong gagawin ngayon.


Kain lang ako ng kain dito sa garden with matching sound trip pa! Trip lang pala, walang sound. Ito talaga ang favorite kong ginagawa pag wala akong magawa XD

Actually, dito namin napagkasunduang magkita-kita. As what I said, busy si Aij. Apat kaming magkakaibigan kasama na sina Iya at Irka. Pumunta silang dalawa sa cafeteria at nagpaiwan naman ako. Tinatamad kasi ako. Hehe.

"Dora!" -3- kunyare hindi ko sila naririnig. Nakaheadphone kasi ako kahit hindi ko dala yung cellphone ko. Haha, naiwan ko kasi itong headphone sa bag ko pero di ko naman dinala cellphone ko kaya ayun. Mukha talaga akong tanga nito, pero atleast kyut.

"Dora, pfft." Hagikhik ni Irka. Pero hindi ko pa rin pinapansin dahil nga nagkukunware ako.

May tumanggal bigla ng headphone ko.

"Wala namang music!" Sigaw ni Iya.

"Parang tanga nito." Tawa ni Irka sa'kin. Ngumuso lang naman ako. "Tara na, puntahan na natin si Aij."

Habang naglalakad, patuloy pa rin ako sa kain, ganun din si Iya. Si Irka naman, ayun nagcecellphone. Madapa sana, charot lang. Lablab ko yan eh.

Busy na ang mga teachers tsaka ang ibang students na siguro ko ay hindi pa tapos sa nga requirements.

Malapit na ang bakasyon and we'll be second year college next semester.

Tapos na si Aij sa requirements niya, inutusan lang siya nung isang prof.

Nasa huli kasi siya no'n habang naglalakad kami papuntang garden. Buti hindi napasama si Irka, kung hindi ako ang kukulitin na naman ni Iya.

Naglalakad lang kami nang may biglang nakabangga si Iya.

"Oh, gosh! Iya!" Sigaw ni Irka. Napatingin naman ako sa nakabangga ni Iya.

"Sorry miss, sorry." Tinulungan niyang makatayo si Iya.

Pinagmasdan ko naman yung nakabangga nya. Hindi naman kagwapuhan pero pwede na. Pwede ng sapakin. 'Di joke lang, bait ko kaya.

"Sa tingin mo, sinong may kasalanan?" Pabulong kong tanong kay Iya nang makatayo siya. Nagigitnaan namin siya ni Irka.

"Siya." Bored niyang sagot.

"Sorry talaga miss, so---" Naputol ang pagsosorry nya ng may umepal.

"Come on Irvy! Tsk." Abat!

"Sorry miss  ah." Napakagat yung lalaki sa ibabang parte ng labi niya saka sumunod sa lalaking epal.

"Ang papangit na talaga ngayon ng mga lalaki!" Naiinis kong sabi.

"Hayaan muna," sabi naman ni Iya.

Maglalakad na ulit sana kami nang mapansing nakatanga pa rin si Irka, hindi sa cellphone niya, ah. Doon sa lalaking ewan na kasama nung epal na lalaki at nung Irvy daw na nakabangga ni Iya.

"Huy!" Tawag ko kay Irka.

"O-oh?" Saka sya dahan-dahang ngumiti ng malapad.

"Tara na! 'Di mo ikagaganda yan!" Ani ko, napanguso lang siya.

"Nice, mukha kang bibe." Nakangisi na sabi ni Iya.

"Ang mimean nyo talaga!" Tsaka siya nagpout ng bongga, as in yung mahaba na pwede ng sabitan ng kaldero. Napa-iling na lang ako.

"Lets go." Aya ko ulit saka naglakad.

"Napa-English mo tuloy, tsk tsk tsk." Ani Iya kay Irka. Napa-irap na lang ako.

"Aij!" Sigaw ni Irka. Napatingin naman sa'min ang tinawag no Irka.

"Nagugutom na 'ko." Saad ni Aij nang makalapit sa amin at saka nagpekeng umiyak. Napatapal nalang ng noo si Iya.

"Bakit ba puro childish ang nakapaligid sakin?" Naiiling na tanong nito.

"Sila lang," sabi ko saka tumingin sa ibang direksyon.

"Sige," sagot niya sabay gulo ng buhok ko. (`ロ´)

"Uwaa! Ang kyut kong buhok!" Saka ko inayos yung buhok ko. Kainis, palagi nalang nila pinagtitripan yung buhok ko ٩(ˊ〇ˋ*)و naiinggit lang talaga sila sa maganda kong buhok. Hmp.

"Hindi raw, pfft." Nye nye, daming learn.

"Itawa muna, baka kung saan pa yan lumabas at makadagdag pa sa air pollution." Sabi ko sakanya, dahilan ng pagpalo niya sakin. Kaya pinalo ko rin siya at ayun nagpaluan kami.

"Tumigil na nga kayo!" Awat ni Aij.

"Si Iya!" Sumbong ko.

"Ikaw kaya!" Sumbong niya sabay turo sa akin kaya binelatan ko.

"Ikaw kaya!" Balik ko sakanya.

"Ikaw!"

"Ikaw!"

"Ikaw!"

"Ikaw!"

"Tumigil na sabi kayo!" Nagsisimula nang mag-isa ang makakapal na kilay ni Aij. Hihi.

"Si Iya." Huli kong sabi saka ako tumakbo sa kung saan. Alam kong susundan ako ni Iya kaya binilisan ko pa ang pagtakbo. Hindi kami talaga nito matatapos.

Napahinto nalang ako para maghabol ng hininga, kapagod. Napasandal ako sa likod ng pader.

Oh?! Nasa likod na pala ako ng eskwelahan?! Grabe rin ah, pwede na akong isali sa marathon, haha.

Babalik na sana ako ng may narinig akong tinig, sinundan ko ito at natagpuan ang dalawang tao na nag uusap.

Err, yung babae parang desperate sya tapos yung lalaki parang wala lang. Ewan, nakatalikod sakin eh. Yung mukha lang ng babae ang nakikita ko.

Maganda--- OMO!! S-si ano 'yan, ah. Kilala ko 'yan! Sikat kasi ang babaeng iyan dito sa campus.

Pero sino kaya tong lalaking 'to?

Natahimik lang ako sa pag-iisip ng magsalita yung lalaki. And i was like,,,

OMAYGASH!

--hangkyutq.

❝❞;;🐱🌸

Votes and comments are highly appreciated💞

Together With HimWhere stories live. Discover now