TWH 02

4 0 0
                                    

ʏsʟʏ ɮɛʟʟɛ ċʀʊʍs

OMG! Bakit sila magkasama? Sila ba? Bakit parang nag-aaway--- or maybe not. Si babae lang kasi ang mukhang may pinaglalaban. Grabe talaga itong lalaking 'to! Kawawa naman si babae, ang dami namang ibang mas mabubuting lalaki. Tsk, tsk. Basta talaga pogi. Hays.

Babalik nalang ako sa garden, baka nandun sila. Hehe.

Pero di pa ako nakakalayo ng isang metro ng may humawak sa braso ko, kunot noo ko itong tinignan--- loko 'to ah!

"Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko.

"What are you doing here?" Kunot noo nyang tanong. Bakit? Bawal na ba ako dito? Sakanya ba toh? Sya nagpatayo?

"Nakatayo! Obvious naman di ba?!" Pabalang kong sagot pero parang nagsisi ata ako, kainis! Hinigpitan pa nya ang kamay nya sa braso ko, isusumbong ko sya!(T⌓T)

"A-aray! Masakit!" Isusumbong ko talaga 'to kay daddieh!

"Sagutin mo ko ng maayos! Anong ginagawa mo dito?" Tila nagtitimpi niyang tanong.

"Ano naman sayo ngayon?" Tanong ko ng nakataas ang kilay, mas lalong sumama ang tingin niya. "Nakatayo! Nagpupumiglas sa hawak mo!"

Pagkalabas ko sa lugar na yun, tumambad sakin si Iya pero maluha-luha pa rin ako habang hawak ang braso ko ಥ⌣ಥ masakit po talaga yun!

Imbis na paluin ako, taka nya kong tinignan

"Anong nangyare sayo?" nag-aalala nyang tanong.

"Waaahhhh!!! Inaway ako nung epal!" ayun, umiyak na ko! Kainis! Masakit kaya yun! Kahit sila mammieh di pa yun ginagawa sakin!

"Sinong umaway sayo?" hindi ko kilala ಥ⌣ಥ mamaya search ko kay google.

"Yung lalaking epal na kasama nung nakabangga sayo!" bwesit talaga!

Pinuntahan nalang namin yung dalawang magpinsan. Pero maluha-luha pa rin talaga ako >_<

Di pa rin nawawala yung sakit...

"Napano yan?" agad na tanong ni Aij

"Inaway daw." sagot naman ni Iya

"Sinong umaway?" tanong naman ni Irka.

"Yung kasama nung nakabangga sakin." sagot nya ulit.

"Ang swerte nyo noh?" pigil tawa na sabi ni Aij kaya sinamaan ko ng tingin.

"Anong ginawa sayo?" tanong naman ni Irka.

"Ayuko na siyang pag-usapan. Baka hindi ako makapagpigil at balikan ko siya." ani ko.

"Ano naman ang gagawin mo sa kanya?" tanong ni Aij habang nagpipigil ng ngiti.

"Yayakapin." natatawang sagot ni Iya kaya sinamaan ko siya ng tingin. FYI lang, back belter kaya toh! Baka lang kasi makagalitan ako, atsaka never ko pang naexperience ang maguidance kahit ngayon na magsusummer na. "Uwi na tayo." aya ko, tumango lang naman sila.

Pagkadating sa bahay agad akong dumaretso sa kwarto ko, wala pang tao sa bahay except sa maids. Sina mammieh at daddieh nasa work pa siguro, si big sis naman nasa school pa rin nya ata. Di pa rin kasi tapos sa mga requirements nya.

Nagpalit nalang ako ng damit saka humilata sa higaan ko. Ano kaya ang gagawin ko ngayong summer? Halos nabasa ko na lahat ng libro. Mahilig kasi akong magbasa. Ano kayang pwedeng gawin? Hayst, parang gusto kong humilata nalang buong summer.

Napatingin ako sa braso ko, hindi na masyado namumula. Ano kayang problema nun? Bakit ganun na lang ang galit niya? Baka ayaw niyang may makakita kung gaano sya kawalang awa sa babae. Naalala ko na naman yung babae. Hera ata pangalan nun, di ko sure.

At dahil 4pm pa lang naman, naisipan kong lumabas at pumunta sa convinient store dito samin. Pumunta agad ako sa ice cream section at namili ng gusto kong flavor. Chocolate flavor ice cream ang binili ko, gusto ko yung plain kasi masarap at walang arti. Ayuko sa rocky road... Mabato kasi🙃. Pumunta na ko sa cashier para bayaran ang binili ko. Pagkatapos, lumabas na ako para bumalik sa bahay namin.

Pero papalabas palang ako ng may makasalubong akong alagad ni satanas. Agad ko syang tinignan ng masama pero snob ang koya. Perp bago pa sya makalampas sakin, hinawakan ko na ang braso nya at kinaladkad papalabas.

Agad naman nya akong tinignan ng masama, nakakatakot ka naman.

Magsasalita sana siya pero bago pa siya makapagsalita, agad kong sinuntok ang mukha niya. Alam kung bad ang maghiganti pero di ko talaga mapigilan lalo na at mukhang pinagtatagpo talaga kami. Pagkatapos ko siyang suntukin, agad akong naglakad palayo sa kanya. At umuwi ng nakangiti.




❝❞;;🐱🌸

Votes and comments are highly appreciated💞

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Together With HimWhere stories live. Discover now