Kabanata 1

8.1K 174 4
                                    

Hayyy, nakakapagod mag hanap nang trabaho, halos lahat tinatanggihan ako dahil wala pa daw ako sa 18 para mag trabaho, baka makasuhan pa daw sila pag tinanggap nila ako, hayy miski ang bahay na titirhan ko hindi ko pa naasikaso, hayyy nag punta ako sa isang tindahan, bumaba ako at bumili nang sofdrinks dahil sa nauhaw ako sa pag hahanap nang trabaho.

'Hindi ba siya yung anak ni pres ?' Napatingin naman ako sa mga babaeng nag uusap, inalis ko ang tali nang buhok ko at ipinangtakip sa mukha ko, tumalikod narin ako sakanila

'Oo nga, siya nga. Bakit kaya siya itinakwil ni pres ? ' hayy inubos ko na ang softdrinks at itinapon na sa kung saan ang plastik at nag madali na akong paandarin ang sasakyan ko wala akong panahon makipag talo sa mga chismosa katulad nang dalawang yun, inihinto ko sa isang tabi ang sasakyan ko saka sinubsob ko ang ulo ko sa manibela, grabe napaka malas ko ngayong araw,

*krrrinngg *

*krrrinngg*

Kinuha ko ang phone ko saka sinagot ko na hindi ko tinitignan kung sino ang tumatawag

"Hello?" Walang ganang banggit ko

"Tiana " napadilat naman ako nang mata dahil narinig ko ang bosses ni Kuya Carl,

"K-kuya ba-bat ka napatawag? " tanong ko sakaniya,

"Pumunta kasa ***** Simula ngayon don ka na titira binili ko yun para sayo, hindi kalakihan pero sinigurado ko na magiging comfortable ka don " sabi ni Kuya Carl tila nabuhusan naman ako nang malamig na tubig to too ba ? M-may matitirhan na Ako for real?

"T-talaga kuya ? Thank you "

"Alam mo naman na di kita matitiis diba, saka kailangan mo paring mag hanap nang trabaho mo tiana, dahil ikaw ang mag babayad nang bills sa bahay na yun. Hindi naman ako pwede dahil baka makahalata si dad " sabi nito

"Okay Kuya, thank you I love you na talaga "

"I love you too take care princess " sabi ni Kuya at pinatay niya na yung call, hulog talaga nang langit ang Kuya ko,

*
Carl James Laxamana POV

"Sige na pare tulungan mo na yung kapatid ko" sabi ko sa kaibigan ko na si Hezekiah Hank tucker , isa rin siyang billionaryo dito sa pinas, at pag siya ang tumulong Kay tiana , wala nang magagawa pa si papa dahil kasing yaman nila ang pamilya namin saka mag kaibigan si papa at Mr tucker kaya di magagawa ni papa na pahirapan ang pamilya nila

"Tsk, no. Hayaan mo siyang mag hirap at tumayo sa sarili niyang mga paa, and besides she want a simple life right? Edi mag Simula siya sa ibaba " sabi nito, tsk hindi niya kasi ako naiintindihan eh , bago pumanaw si mama nangako ako na hindi ko pababayaan si Christiana, na lahat gagawin ko para lang Hindi siya masaktan at mahirapan kaya nga ako pumayag sa ginawa niyang rule sa school kasi don siya masaya,

"Sige na pare... Ibibigay ko ang lahat nang gusto mo"

"Lahat nang gusto ko nakukuha ko kahit hindi mo ibigay sakin" oo nga pala , kasing yaman namin sila arggg

"Ano ba kasing gusto mo para pumayag ka sa gusto ko hah? "Tanong ko sakaniya. Lumapit siya sakin saka siya bumulong, kumunot naman ang noo ko at lumayo sakaniya, ano siya hilo? At satingin niya ba papayag ako sa gusto niyang mangyari? Ayoko ngang makitang mahirapan si tiana tas siya lalo niya pang papahirapan no way!!!

" no ayoko"

"Okay madali lang naman akong kausap eh, " sabi niya arggg!!!!

"OK fine its a deal " sorry tiana, but I have to do this...

The Billionaire's daugtherजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें