kabanata 35

2.4K 72 0
                                    

KENNEDY POV

nandito kami ni arian sa condo ko, dito siya matutulog don't worry sinundo ko naman siya sakanila saka ko pinaalam haha, may tiwala naman sakin sila tita mommy at tito daddy ganun na lang daw ang itawag ko sakanila kasi alam daw nila na kami daw ang ikakasal sa huli oh diba support na support sila sakin para kay arian, ganun din naman sila mommy at daddy kay arian shempre mag kababata kami nitong ni arian , nasa sinapupunan pa nga lang kami nila mommy may relasyon na kami ni arian eh hahaha char, so ayun nga one week na pala ang nakalipas mula nang tanungin ni hank si tiana, yung apat naman si ashter, pat, marian at carl sila narin official, naging sila rin nung birthday ni tiana nainggit daw kasi si ashter at carl kay hank kaya ayun tinanong na din nila si pat at marian, saka sa pag kakaalam ko pag naging official si hank at tiana automatic na official na rin si marian at carl

so ayun nga nandito kami sa condo, gising na gising parin ang diwa ko habang yung katabi ko nasa dream land na , 3am na kasi at hanggang ngayon hindi parin ako makatulog ang hirap mag pigil pasensya na lalaki lang may kinakailangan haha pero malaki ang repesto ko kay arian, at nangako ako kay tita mommy at tito daddy una muna kasal bago anak haha, inilagay ko ang kamay ko sa ulunan ko saka ko pinag masdan ang mala anghel niyang mukha napaka swerte ko talaga sa babaeng to kahit na minsan abugbog berna na ako sakaniya mahal na mahal ko parin siya ay hindi pala abugbog berna , mas maganda naman tong babaeng to kaysa sa berna noh. abugbog arian pala eh hahahaha sensya na tao lang nag kakamali aba hindi ka tao pag di ka nag kamali alien ka haha

nanlumo ako nang tumalikod siya sakin, tumayo ako nang konti para iharap sana siya sakin kaso bigla ulit siyang humarap sa gawi ko, inilagay ko ang braso ko sa ulunan niya saka ko siya hinapit palapit sakin, inayos ko ang kumot niya mahirap baka ginawin. pag katapos nun ay pinag masdan ko siya ulit sandali saka pumikit at natulog na .

ARIAN POV

kakatapos ko lang maligo, may pasok pa kasi kami oo balik na kami sa pag aaral siguro tatapusin na muna namin ang pag aaral bago kami bumalik sa korea, kinuha ko na ang twalya saka ko ito ginamit pang punas nang buhok, lumabas ako nang kwarto habang pinupunsan ang buhok ko, at habang nag lalakad ako palabas naka salubong ko si kennedy naka uniform narin siya, nakapamulsa siyang lumapit sakin at nagulat ako nang hawakan niya ang mag kabilang balikat ko saka niya kinuha ang twalya na pinangpupunas ko sa buhok , ngumiti siya sakin saka siya na ang nag patuloy mag tuyo nang buhok ko habang tinutuyo niya yung buhok ko nakatingin lang ako sakaniya tinakpan niya ang mata ko gamit ang twalya , eh bat niya tinakpan ang mata ko anong meron, hinila ko pababa yung twalya at pagbaba ko nang twalya malapit nang mag kadikit ang labi namin kaya agad ko siyang tinulak

"ikaw ah pag sasamantalahan mo nanaman yung labi ko " natatawang sabi ko sakaniya lumapit naman siya sakin saka niya ginulo ang buhok ko

"ito naman di pa ako napag bigyan alam mo ba ang hirap matulog nang di ka hinahalikan inaakit ako nang kissable lips mo na halikan ka kagabi di ko lang magawa " naka pout na sabi niya , ngumiti naman ako sakaniya saka ko pinitik ang malaki niyang ilong matapos naming mag harutan ay nag aya na siyang mag almusal sakto nagugutom na rin ako eh ,

-

Marian POV

nandito na kami ngayon sa school , at sobrang saya nang mga studyante dito dahil nga nag babalik na kami maraming nag papapicture at nang hihingi nang authograph samin, muntikan na nga kaming mapipi kanina buti na lang at dumating ang mga guard at hinatid na kami papasok sa room namin, pag pasok namin sa room hagard na hagard na kami hahaha pagod kaming naupo sa kaniya kaniyang upuan ,

"hay grabe nakakapagod " sabi ni pat at akamang pupunasan niya na yung pawis niya gamit ang kamay niya kaso pinigilan siya ni ashter, kinuha ni ashter ang panyo niya saka niya pinunasan ang pawis ni pat aww so sweet, nagulat na lang ako nang biglang tumabi sakin si carl pinunasan niya rin ang pawis ko

"halata kasi sayo na naiingit ka eh , oh tubig " sabi niya sabay abot sakin nang tubig ngumiti na lang ako sakaniya saka ko siya hinalikan sa pisngi nag si ayiii naman yung mga kaklase namin, shempre marami ding may ayaw sakin para kay carl, anong pake ko inggit lang sila kasi kahit anong ganda nila hindi sila magugustuhan nang boyfriend ko noh sakin lang siya akin lang habang wala pang prof nag kaniya kaniya muna kaming gawain, parehong tulog si hank at tiana habang may naka saksak na earphone sa tenga nila, si pat naman at ashter mag kahawak ang kanilang kamay habang pinag lalaruan nila ang daliri nila, si arian at kennedy ayun nag lalampungan kami naman ni carl nag iisip nang maganda at sweet na tawagan sa isa't-isa shempre gusto naming special kaysa sa carl at marian lang ang tawagan namin,

"bugbug na lang kaya tawag ko sayo " sabi ko sakaniya natawa naman siya dahil don eh bakit ano namang nakakatawa ang cute kaya

"ano yun ambugbug berna hahahahaha "lakas talaga nang tama nang lalaking to

"ayoko nun palitan mo naman " nakangiti niyang sabi sakin ang hirap kayang mag isip tsk

"ah alam ko na ang itatawag ko sayo " nakangiti kong sabi sakaniya

"ano ?"

"marshmallows" nakangiti kong sabi sakaniya "marshmallow kasi sa kasobrang ka sweetan mo i can't get enough for you " nakangiti kong sabi sakaniya nakita ko naman na napaiwas siya nang tingin hahahah namumula ang loko

"naisip ko na masyadong mahaba ang marshmallows kaya nemo nalang ang itatawag ko sayo "

"bat naman nemo ano ako isda?"

"nemo, nakakasigurado kasi ako na hindi na kita papakawalan pa wag ka na ngang maarte diyan sasapakin na kita wala na kaya akong maisip " sabi ko sakaniya narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa hmmp

"coco na lang ang itatawag ko sayo " sabi niya ano ako si coco martin

"bat naman coco?"

"dahil katulad nang coco milktea adik na adik ako sayo " sabi niya wahhhh hahahahha bumabawi ang loko

"sparky na lang kaya" sabi naman niya habang naka hawak ang kamay niya sa baba

"bat naman sparky?"

"nagigising kasi ang diwa ko sa oras na nakikita kita " sabi niya saka niya hinalikan ang noo ko,

"okay na yun tama na carl, sparky and nemo ang tawagan natin hahaha" natatawang sabi ko sakaniya ang cute , pag katapos naming mag isip nang pangalan sa isa't -isa dumating na yung prof namin





WEIRD BUT SWEET :)










P.S : minadali ni ate chammy ang pag sulat nang chapter na to dahil kung hindi malalate na siya sa school hahaha , enjoy my little chammies

-VOTE COMMENT AND BE MY LITTLE CHAMMY-



The Billionaire's daugtherWhere stories live. Discover now