Kabanata 23

2.9K 80 4
                                    

Carl pov

halos hindi kami makalagaw sa kinatatayuan namin , lahat kami parang na estatwa na walang gustong mag salita at gumalaw first time lang kasi namin makitang nag kakaganun si tiana nang dahil lang sa isang lalaki, never siyang umiyak at nag makaawa sa isang lalaki dahil sanay na sanay kaming siya ang hinahabol at iniiyakan nang mga lalaki shempre maganda si tiana , mana sakin gwapo ako eh. walang pangit sa pamilyang laxamana noh. mayamaya ay lumabas na nang kwarto si hank

"marian bihisan mo na si tiana" sabi nito agad namang sumunod si marian, sumandal si hank sa pader saka pumikit nang mariin nag katinginan naman kamin nila kennedy

"gagawa lang kami maiinom niyo " sabi naman ni patrice tumango naman kami sakanila, nang makaalis na sila agad kong nilapitan si hank saka ko tinapik ang balikat niya napadilat naman siya saka siya tumingin sakin

"sabi na eh, may problema kayo ni tiana kaya pala kayo palaging nag iiwasan "sabi ko sakaniya ngumiti siya nang matipid sakin.

"bat mo ni-reject si tiana ?" tanong ni kennedy,

"hindi naman to para sakin eh, para sakaniya to. ayoko lang madagdagan ang gulo nang buhay niya " sabi nito, sabi na eh ako, kennedy at ashter pare-parehas lang din kami nang dahilan , ang una naming inaalala ay ang pagiging mafia namin, maraming may galit samin, maraming gustong pumatay samin at maraming gustong kumuha nang rank 1 mula samin. dati narin kaming naging duwag, palagi kaming nag iisip nang negatives, at naging mahina kami pag dating sa pag mamahal. ngayon ko lang na realize na pag dating sa pag mamahal walang negative kailangan palaging positive, pag dating sa pag mamahal hindi ka dapat matakot hindi ka dapat maging mahina at maging duwag dahil ang mga yan ang dahilan kung bakit siya mawawala sayo

"hank wag kang mag isip nang negatives, dat palaging positive lang. hindi porket mga mafia tayo hindi na tayo pwedeng mag mahal, naalala mo nun natagpuan namin kayo sa gubat? puro ka galos at may tama ka pa nang bala, na kwento samin ni tiana na kaya ka may tama nang bala dahil sinalo mo ang bala na para sakaniya see. nagawa mo nga siyang ipag tanggol eh kaya ano ang kinatatakot mo diyan, mas lalaki pa nga si tiana kaysa samin eh " sabi naman ni regan woah, napaka seryoso nang lalaking to ngayon ah , himala ata to eh

"dati narin akong duwag at mahina pag dating sa ganiyan, pero naisip ko na ayokong mawala sakin si pat kaya isinantabi ko ang pag kaduwag at mahina ko, kaya heto ako ngayon masaya siyang kasama. hanggang maaga pa hank kumilos kana baka maunahan ka pa nang iba " sabi naman ni ashter ngumiti naman siya samin kung kanina ngiting tipid ngayon naman ay ngiting abot langit na

"salamat sainyo ah " sabi nito ngumiti ako saka siya inakbayan

"pag isipan mo nang maigi ang mga sinabi namin pare, "

-

CHRISTIANA POV

NAGISING na lang ako dahil sa sinag nang araw , pag kadilat nang mata ko sobrang sakit nang ulo ko , kaya dahan dahan naman akong bumangon at umupo sa kama, saka humawak sa ulo ko haist ano bang nangyari ? bat ako nakauwe dito sa bahay ?

"oh kape mo " napatingin naman ako kay marian, ngumiti naman ako sakaniya saka inabot yung kape. umupo naman siya sa tabi ko

"okay ka lang ba ? masakit pa ba ? " tanong nito hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niyang masakit sakin yung ulo ba o yung puso ko, eh kung sabagay wala naman silang alam tungkol sa amin ni hank , ngumiti naman ako sakaniya

"hindi na mawawala rin to pag uminom ako nang gamot " sabi ko sakaniya saka ininom yung kapeng dala niya narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napatingin ako sakaniya anong nakakatawa?

The Billionaire's daugtherWhere stories live. Discover now