Chapter 4

242K 6.5K 771
                                    

CHAPTER 4

GILEN was sipping her coffee, waiting for him to arrive when someone sits on the vacant chair in front of her. Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki na naka-upo ngayon sa harapan niya.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya.

Kaino shrugged. “Nakita kitang naka-upo kaya naman nilapitan kita. Balak ko rin mag-kape rito, mind if I join you?”

“No, I don’t mind. Medyo boring din mag-kape nang mag-isa.” Aniya na nakangiti pa rin.

Kumunot ang nuo nito. “Mukhang masaya ka yata ngayon.”

Tumango siya. “Yeah, masaya ako.”

“Bakit?”

“Kasi magkikita kami ni Luther ngayon.” She chirped happily.

“And who the hell is Luther?”

Nag-aalangan siyang sagutin ito dahil parang sumama ang mukha nito. “Ahm, someone I know.”

“Someone you know? Paano ka nakakasiguro na hindi ka niya sasaktan? Na hindi ka niya papatayin? Na hindi ka niya—”

“Woah! Pause!” Gilen chuckled lightly. “Kaino, bakit mo naman naisip na papatayin niya ako? Luther is a friend of mine. Actually, he’s more of my knight in shining armor. He saves me all the time.”

Nawala ang kislap ng mga mata nito. “Really? I’m happy for you.”

“Happy for me?” Hindi naniniwalang tiningnan niya ito. “Kaino, mukha kang papatay ng tao, ‘yon ba ang masaya para sa akin?”

Agad na nawalan nang emosyon ang mga mata nito. “Masaya ako para sayo.”

She exhaled. “And now you’re eyes had no emotion, I’m pretty sure that you’re not happy for me.”

He looked at her; irritation is visible on his eyes. “Kailangan ba talagang ibasi mo ang nararamdaman ko sa kislap ng mga mata ko?”

“Yeah. Mula pa nuong bata ako, ganoon na ako. My mom thought me to always read eyes expressions, doon mo raw kasi malalaman ang tunay na saluobin ng isang tao.”

Ilang minuto itong hindi umimik at nakatitig lang sa kanya bago nagsalita. “So, alam mo kung anong nararamdaman ko kapag tiningnan kita ng ganito?”

Tumitig ito sa kanya na may kakaibang kislap ang mga mata nito at sa unang pagkakataon, hindi niya mabasa iyon. Parang may sakit, pagtatampo at pagaakusa ang tingin nito sa kanya.

“Ano ‘yon?”

“It’s called jealousy.” Anito at tumayo pagkatapos ay naglakad palabas ng coffee shop.

Nakatanga lang siya habang nakatingin sa likod nito na papalayo. Jealousy? Nagseselos siya? Kanino naman kaya at bakit? Napailing-iling siya. Napaka-weirdo talaga ng lalaking iyon kahit kailan.

“I’m sorry, I’m late.” Anang boses sa likuran niya.

Napanatag ang kalooban niya ng marinig ang boses na iyon. “It’s okay; you don’t have to apologize, Luther.”

Umupo ang lalaki sa inukupang upuan ni Kaino. “Kumusta ka na?”

She gave him a small sad smile. “Heto, naka-move on na pero ayaw talaga nila akong patahimikin.”

“Gilen, I’m always here, remember I promise you that?”

“Alam ko pero sawang-sawa na ako.”

Ipinalibot nito ang tingin at inilagay ang siko sa ibabaw ng mesa pagkatapos ay inilapit ang mukha nito sa kanya.

“Ang alam ko, huhulihin ka nila at pipilitin kang ibigay sa kanila ang white book. Nuong huli kaming magkausap ni Jaime, binalaan niya ako. Kapag tulungan daw kita, alam ko na raw ang kalalagyan ko.”

Falling for Mr. Bouncer - Published!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon