Chapter 16

171K 5.5K 328
                                    

CHAPTER 16

“HALUGHUGIN niyo ang buong bahay! Dakpin ang lahat ng naririto!” Narinig ni Kaino an sigaw ni Ethan. Nakita niyang pinosasan ni Ethan si Jaime na may malay pa rin kahit binaril na niya ito sa paa.

Nanginginig ang katawan na nilapitan niya ang nakahandusay sa sahig na katawan ni Gilen. Ipinalibot niya ang braso sa katawan ng dalaga at pinangko ito at nagmamadaling tinungo ang sasakyan niya.

“Gilen! Buksan mo ang mga mata mo!” Mariin siyang pumikit ng maramdamang namamasa ang mga mata niya.“Shit!”

Mas binilisan pa niya ang paglalakad patungo sa sasakyan niya. “Don’t leave me, Gilen. Please, don’t. Please, don’t. Dadalhin kita sa hospital. Please don’t. Wake up, please, wake up. Marami pa akong sasabihin sayo. Don’t leave me.” Marahan niyang niyugyug ang katawan nito. “Gumising ka, parang awa mo na. Gusto mo bang mabaliw ako? Gusto mo ba yun?”

Napakagat labi siya ng may maramdamang mainit na likido na tumulo sa pisngi niya. Nang makita niyang binaril ni Jaime ng maraming beses si Gilen, parang may pumira-piraso sa puso niya. Nagdilim ang paningin niya at binaril niya si Jaime. Gusto niyang barilin ito ng paulit-ulit. Gusto niya itong patayin pero alam niyang hindi iyon puwede. Ang importante ngayon ay madala niya si Gilen sa hospital.

“Kaino Garcia?”

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa lalaki na nakatayo sa harapan niya. Kumunto ang nuo niya. Parang nakita na niya ito— That’s it! This guy name is Luther. Ang anak ng superior nila.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya.

“I’ll drive you to the hospital.” Anito.

“No. Bakit naman ako magtitiwala sayo—”

“Dahil ako ang tumawag sayo kanina. Ako ang lalaking kausap mo sa telepono. Ako ang humingi ng tulong sayo. Ako ang nagsabi sayo kung nasaan si Gilen. Kaya huwag kang maarte at hayaan mo akong ihatid ko kayo sa hospital. At saka…” Tiningnan nito ang parating na black sedan. Ang sasakyan ng superior niya. “Para may dahilan ako na umalis.”

Napailing-iling siya. “Fine. Nasaan ang sasakyan mo?”

Ngumisi ito at binuksan ang pintuan ng isang police car. “Here’s my car.”

“No, it’s not.”

“So, it doesn’t matter. Emergency ‘to.”

Sumakay ito sa driver seat at wala siyang nagawa kung hindi sumakay sa back seat habang karga-karga pa rin si Gilen at mabilis na pinaharurut ni Luther ang sasakyan paalis sa mansiyon ni Jaime.

Kaino caress Gilen’s cheek and whispered. “I love you. Mabubuhay ka. Mag-uusap pa tayo. Magagalit pa ako sayo. Papakainin pa kita ng maraming chocolates.” A lone tear escape his eyes. “I’m sorry wala ako sa tabi mo para protektahan ka. Patawarin mo ako. Kung nahanap lang sana kita kaagad e di sana hindi nangyari ito.”

“Paano mo naman mahahanap ang tao na nagtatago?” Wika ni Luther na nagmamaneho.

Hindi niya pinansin ang lalaki at pinakatitigan lang ang mukha ng dalaga. Ang mukha ng babaeng mahal niya. He leaned in and kissed her forehead.

“I love you so much, Gilen. So darn much it hurts to see you like this!”

Mahigpit na niyakap ni Kaino ang dalaga at paulit-ulit na hinalikan ito sa mga labi. Puno ng pagsisisi ang puso niya dahil hindi niya na-protektahan ang babaeng pinakamamahal niya.

Nag-angat siya ng tingin ng biglang tumigil ang sasakyan.

“Bakit ka tumigil?” Tanong niya kay Luther.

May itinapon na puting bagay sa kanya si Luther at tumama iyon sa dibdib niya. Nang tingnan niya kung ano iyon, nagulat siya sa nakita. It’s the white book.

“What the—”

“Pinapabigay sayo ni Gilen.” Tiningnan nito ang dalaga at ibinalik ang tingin sa kanya. “Promise me one thing, Kaino Garcia.”

“What?” Naguguluhang tanong niya.

“Promise me that you’ll never hurt her. Physically and mentally, Gilen doesn’t need your protection. But her heart is another matter. Protect it and love her as much as you can. You don’t deserve her love but who am I to say that.”

Lumabas ito ng sasakyan at mabilis na tinungo ang nakaparadang motorsiklo at iniwan sila sa gitna ng daan.

“Anong—”

Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng makarinig ng ungol. Mabilis niyang tiningnan ang dalaga na nasa mga bisig niya. Nilukob ng kasayahan ang puso niya ng makitang unti-unting bumubukas ang mata ni Gilen.

“Gilen?” Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga. “Gilen, naririnig mo ba ako?”

Umungol ulit ito at sinapo ang tiyan. Hinintay niya na tuluyang magmulat ang mga mata nito. The moment her eyes opened, a wide smile appeared on his lips.

“Thanks god.” Bulong niya at mahigpit na niyakap ang dalaga. “I love you so much, Gilen.”

“N-Na—na…”

He pulled away and looked at her expectantly. “Yes, may kailangan ka? May masakit ba sayo? Saan?”

Sinapo nito ang tiyan. “Nagugutom ako. M-May chocolate k-ka ba r-riyan?”

Napatanga siya sa sinabi nito. “Ano?” Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang dalaga. “Here I am, so worried about you and you’re worried about your stomach? God, Gilen, ano bang klaseng utak mayroon ka at puro pagkain ang laman niyan?” Naiinis na aniya.

Dahan-dahang ngumiti ito sa kanya. “Eh sa nagugutom ako e.” Inabot nito ang pisngi niya at hinaplos iyon. “Sorry kung pinag-alala kita.”

“Your sorry is not enough.” Aniya na naiinis pa rin. “I can’t believe you risk your life for that book! Baliw ka na talaga. Alam mo ba kung gaano ka delikado ang ginawa mo, paano kung namatay—”

“I’m alive. I’m wearing a vest, Kaino.”

Tiningnan niya ito ng masama. “Paano kung sa ulo ka niya binaril, paano—”

“But he didn’t. Sorry nag pass out ako. Nawalanan ako ng malay dahil sa impact ng bala.” Ipinalibot nito ang braso sa leeg niya at inilapit ang mukha niya sa mukha nito. “Sorry.” Anito at inilapat nito ang labi sa labi niya.

He instantly melted. Nawala ang inis na nararamdaman niya at tinugon niya ang halik nito. Mas hinapit pa niya palapit sa kanya ang dalaga at pinalalim ang halik. When they pulled away, they are both huffing and catching for breath.

Kaino smiled and put his head over her heart and whispered a promise to Gilen’s heart.

Heart, I promise to protect you with my heart. To nurture you with my love. Just please, tell your owner to love me as much as I love her.

  “I love you, Gilen.”

Gilen chuckled lightly. “I love you too, Mr. security guard, slash Mr. NBI Agent, slash Mr. Bouncer. Slash, Mr. Kaino Garcia. Slash Mr. Republic act.”

Kaino chuckled. “Pakiramdam ko may karugtong pa ang slash Mr. na iyan.”

Mahinang tumawa si Gilen. “Malay mo… slash Mr. Husband na kita.”

He grinned from ear to ear and looked at the woman who captured her heart and imprisoned it. “Well, do you want to be my wife?”

Nginisihan siya ng dalaga. “Asa ka naman na o-oo ako. Ang lame ng proposal mo. Mag-isip ka ng unique. Baliw!”

Napatawa siya ng malakas sa sagot nito. Bakit ba hindi na siya nagulat na hindi ito umo-o. It’s just so Gilen. The woman that he loves so much.

Falling for Mr. Bouncer - Published!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon