Chapter 1

1.4K 105 78
                                    

Wow. Ganda ng motor.

Napatingin ako sa second floor window ng kapitbahay ko at pilyang napangiti.

"Iba ka talaga, ate Letty... ikaw na!"

Simula last week, isang lumang L300 ang nakaparada sa harap ng row house apartments namin. Ngayon naman, kumikinang na BMW bike.

Buti pa you, ate Letz... mabenta.

Natatawa akong napailing habang hinihila pabukas ang screen door ng apartment ko.

It only took me a few seconds to unlock the front door tonight. Usually, natatagalan ako kasi medyo may topak yung door knob ko.

I was about to do my usual routine of 'slap the ilaw switch on, sabit the payong, tanggal the shoes' nang bigla akong napatigil dahil agad kong napansin na sumasayaw ang kurtina na nasa tabi ng pinto.

Puta.

Dali-dali kong tinapik ang switch ng ilaw at nakitang naka-on ang electric fan ko sa sala.

"Anak ng! Ughhhhhh! Ang tanga naman!"

Pinandilatan ko muna ng ilang segundo ang electric fan kong mukhang number 3 pa ang lakas, bago ko ni-lock ang screen at pinto.

Matapos kong madaliang nagawa 'yun, sinabit ko ang strap ng payong ko sa door knobー para never ko itong makalimutan.

Then, I tiredly eased my black flats off my feet.

Nang maisuot ko ang kaliwang house slipper ko, dun ko lang napansin na nawawala ang kapares nito.

"Ugh!!!"

Inis akong napa-squat sa may pinto para ma-check ang ilalim ng shoe cabinet at upuan na nasa tapat nito.

Matapos ang ilang paulit-ulit na pagyuko, nakita ko rin sa wakas ang kanang tsinelas sa may bandang likod ng cabinet.

"Ugh! Anong ginagawa mo dyan! Ba't andyan ka?!"

Inis kong dinukot ang house slipper na nagtatago sa ilalim ng shoe cabinet.

Nang masuot ko na ito, I dragged myself a few feet away from the door at sumalampak sa sofa.

Habang hinihintay kong humupa ang bwisit ko sa naging impromptu squat exercise, I decided to glare at my Hanabishi stand fan; carefully watching its head turn from left to right, then right to left.

Ugh.

I took a couple of deep breaths, bago ko kinuha ang throw pillow na naipit sa likod ko.

I placed it on top of my face and silently screamed into it.

Aaaahhhh!!!yoko na magtrabaho. Ayoko na!

Gusto ko pa sanang humilata at magtatatantrums sa sofa, pero nagsimula na ang pagtawag ng balyena ng tiyan ko kaya tumayo na ako, pinatay ang electric fan, at pumunta sa kusina.

Kinuha ko yung posporo sa taas ng ref at pinasindi ko yung gas stove. Nang umapoy na ang burner, I placed my reliable all-around kaldero on top of it.

Chineck ko muna na hindi namatay ang apoy ng stove bago ko kinuha yung tupperware ng ulam ko from inside of my fridge. Hindi ko na hinintay na uminit ng bongga yung kaldero at binuhos na lahat ng tirang ulam.

Haaayyyyy........ sinigang na namaaaaaaaan.

I looked forlornly at the pot that held four sad slices of raddish, three cubes of pork, two wilted leaves of pechay, and one unrecognizable half of a tomato.

Pucha. Kailangan ko na naman pala mag-grocery bukas. Kainis.

The sound of the bubbling sinigang took my mind off what I should be buying tomorrow.

For a ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon