Chapter 3

694 91 51
                                    

Late dumating si Lumi sa opisina kaya hindi ko siya nakachikahan tungkol sa nangyari kagabi.

Kakawayan ko na sana siya to say hello mula sa cubicle ko nang napansin kong nakabusangot siya.

Mamaya na lang, high blood ata si ate gurl.

Maayos ko namang naitawid ang first half ng working day ko. I thought about my imaginary friend for only four times.

Pero tuwing naiisip ko siya, agad ko ring pinapagalitan ang sarili ko dahil dagdag stress lang ito sa buhay ko.

When lunch time rolled in, inayos ko agad ang mga gamit sa cubicle before I took my wallet and phone from my bag.

I was walking towards Lumi's cubicle when I saw her jump to her feet.

Nakaipit sa kanang tenga at kanang balikat niya ang kaniyang thank-you-daddy-Amerikano na iPhone X. Nakasimangot siya at para bang iritable sa kausap niya sa telepono.

Kumaway ako to get her attention. Agad din naman niya akong nakita. She held a finger to me as if to tell me na wait lang.

Hindi pa nga ako nakakapaghintay sa kanya ng one minute, eh nakita kong mabilis na ibinaba ni Lumi yung telepono niya at mahinang bumulong sa akin na mauna na ako at hindi siya makakasabay kumain dahil dun sa kausap niya sa phone.

Nalungkot ako ng slight kasi excited pa naman akong makipag-chikahan sa kanya, pero agad din akong tumango at naglakad palabas ng opisina.

When I got out of the office building, tsaka pa lang ako nag-isip kung aling fastfood chain ang mas lalo ko pang papayamanin.

Dahil sa nakakalokang kaganapan sa buhay ko lately, I decided na deserve kong mag-chicken joy at jolly spaghetti.

Nasa tapat lang ng building namin ang Jollibee kaso, may kamahalan at ma-oover ako sa budget ko kapag inaraw-araw ko ang favorite kong C4 meal. Kaya tuwing may special occasion lang yun.

Habang tumatawid ako papunta sa Jollibee, kino-convince ko ang sarili na talagang deserve kong gumastos for lunch today dahil Friday naman na at magluluto ako bukas ng ulam for next week.

Medyo mahaba ang pila pagdating ko sa loob. So while waiting, paulit-ulit kong tinanong ang sarili kung saan ako kakain.

Usually kasi, tine-take out ko lang yung food tapos sa pantry ng opisina na ako kumakain. Nakakalungkot kasi kumain mag-isa sa restaurant. Pero, I decided na mag-dine in for today.

Mabilis akong naka-order at mabilis din akong nakahanap ng table.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad nang kumain. Wala pang thirty minutes, eh naubos ko na lahat ng inorder ko.

Magpi-people watching pa sana ako, pero napag-desisyunan kong bumalik na sa opisina para hindi ako masyadong mangarag after lunch break.

Pagkabalik ko ng office, napansin kong hindi pa nakabalik from lunch si Lumi.

Paker. Asan na ba yung Lamparang yun?!

Nagsimula na ang second half ng working day ko, at hindi ko pa rin nakakausap si Lumi tungkol sa nangyari sa akin kagabi.

Malamang after work na ako makaka-chika kay Lums.

Wala namang exciting na pangyayari sa trabaho ko after lunch, kaya hindi ko namalayang uwian na.

Mabilis akong nagligpit ng gamit at dinouble check lahat ng kailangang i-double check. After that, naglakad na ako papunta sa cubicle ni Lumi.

Hay salamat... mukhang hindi na bad mood ang loka.

For a ReasonWhere stories live. Discover now