Chapter 2

821 95 32
                                    

"Rex Ferrera? As in, Renato Xavier Rowland Ferrera?"

Renato?

"As in, Rex Ferrera na anak ni Xenaida Rowland? Yung breast cancer survivor? Yung half-American beauty queen nung early 90s na kinailangang i-give up ang Bb. Pilipinas Miss Universe crown niya dahil nabuntis ng mining magnate na si Renato Ferrera Jr.?"

I gave my close friend, Lumi, a look of utter disbelief.

"Wow... wow. I mean, wow, Lums... napaka-detailed ha! Gugustuhin ko bang malaman kung paano mo nalaman yung mga bagay na yan?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, Lumi just rolled her eyes at me at dire-diretso na namang nagdadadakdak.

"Wait lang... seryoso ka ba talaga? As in, girl. Rex Ferrera talaga? As in, matangakad, maputi, matipuno na Rex Ferrera? As in, yung may malalim na dimples? Sure ka ba taー

"Oo nga! I mean, maputi... hindi ako sure kung matangkad at matipuno kasi nakakumot siya! At hindi siya nakangiti matulog kaya hindi ako sure sa dimples na malalim."

Tinignan ako ni Lumi na para bang hindi talaga siya naniniwalang natulog sa kama ko si Rex Ferrera.

Dahil medyo nairita ako ng slight sa mukhang ipinapakita niya sa akin, sinabihan ko siyang wag na namin pag-usapan kung hindi naman siya maniniwala.

"Gaga! Syempre hindi ako maniniwala! I mean, bakla... Rex Ferrera! Sa luma mong kama? Sa loob nung kwarto mong mukhang bibigay na ang kisame? Sa apartment mo na lagi mong nirereklamong amoy amag? Sa barangay Soccorro sa Cubao? Anong ginagawa ni Rex Ferrera sa Cubaoー

"Kaya nga! Kung ayaw mo maniwala, eh di wag! Kulit nito!"

Lumi gave me a look of concern for a few seconds, bago ito nag-morph into a look of worry.

"Hoy bakla! Wag mo sabihing... nagda-drugs ka?"

Dahil pabulong na sinabi ni Lumi yung dulo ng tanong niya, it took me a moment before I fully understood it.

"Gago! Tumahimik ka nga! Mamaya may makarinig sayo! At, hindi noh! Muntimang to!"

"Sure ka ha? Nako, nako, nako! I hate druhgs pa naman presidente ng Pilipinas ngayon!"

"Gago ka talaga, Lumi! Hindi nga! Hampasin kita nitong cheeseburger ko eh!"

Tinignan niya yung brown paper bag ng McDo na hawak-hawak ko bago niya nilipat ang malisyosong tingin sa akin.

"Kaya ka nagkakaganyan eh! Walang sustansya yang kokote mo dahil laging fastfood nilalafang mo! Mag-gulay ka nga!"

"Hoy! Sinigang ulam ko kagabi noh! May labanos, pechay, at kamatis yun! Tawag mo dun? Ha?"

"Eh diba cheeseburger din kinain mo nung lunch break kanina? Tapos hapunan mo ngayon cheeseburger uli? Kaya ka naghahallucinate eh! Tigil-tigilan mo ko Nominadora!"

Sinimangutan ko siya at hindi na kumibo.

"At hoy, sabi mo sakin tatlong araw ka lang nag-sinigang. Tapos every lunch except today, chao fan! Jusko! Payat payat mo na nga, hindi ka pa kumakain ng maayos!"

Umirap lang ako sa kawalan at patuloy na tahimik na naglakad papuntang EDSA. Tumigil na rin sa pagtalak si Lumi at tahimik na naglakad sa tabi ko.

Akala ko aabot kami sa sakayan ng bus na hindi magiimikan, pero binasag ni Lumi ang katahimikan.

"Muntanga ka talaga! Nung pinagbintangan kitang nagda-drugs, keri lang... tapos tinawag lang kita sa pangalan mo, na f-y-i lang eh ibinigay sayo ng nanay mong napakabait, eh maktol pa more ka dyan! Sus!"

For a ReasonWhere stories live. Discover now