Chapter 4

733 92 52
                                    

Ughhhhhh! Hutangina! Ansakit ng ulo ko, paker na buhay to.

I slowly opened my eyes and stared at my bedroom's sad ceiling.

Shet. Baka one day nasa TV Patrol ako, tapos... babae! Namatay dahil nabagsakan ng kisame habang natutulog!

Mahina akong natawa sa naisip ko. Pero imbes na tawa ang lumabas sa bibig ko, eh tuyong ubo ang lumabas.

Paker. Ayoko pang bumangon... pota. Ba't ba kasi ang layo ng kusinaaaaaa

Hihilata pa sana ako kaso mas nanaig ang kagustuhan kong uminom ng tubig, kaya dahan-dahan na akong bumangon.

Nang makita ko ang aking bag na nasa sahig sa may pinto, my memories of last night came flooding in.

Mabilis akong napalingon sa kama to check any evidence.

Ay de potaaaah jusko, wag kang sumuka gaga kaaaaa

Pinikit ko muna ang mata ko and tried to calm my dizzy mind. Nang feel ko eh safe and sound yung suka sa tyan ko, I opened my eyes.

But just like the two other nights, nothing was off.

Hay. Hopia? Sarap ng hopia?

Maayos yung other half ng kama na para bang walang umupo dun sa area na yun. Yung aircon naman, naka-off. Pero hindi ko rin naman maalalang in-on ko yun kagabi, kaya it wasn't weird to me.

Pucha... Tanginang diagonila! Iinom talaga ako ng dalawang galon na tubig today para matanggal lahat ng lason sa katawan ko!

Matapos kong mapag-desisyunan ang water therapy na gagawin ko, I quickly checked my phone.

Wala namang notifications kaya naisip kong mamaya na ako mag-check ng mga social media feeds para makainom na ako ng tubig.

Bago pa ako nakalabas ng kwarto napagpasyahan ko na ring maligo na para magising nang tuluyan ang lelembot-lembot na diwa ko.

Usad pagong ako sa paghubad ng blouse, slacks, bra, at panty ko para hindi ako mahilo at masuka ng wala sa oras.

Nang nakatapis na ako ng twalya, agad na rin akong bumaba.

Dalawang baitang na lang bago ako makatapak sa sahig ng first floor nang halos matuyo lahat ng dugo sa katawan ko.

"Ay! Good morning ho, ma'am."

Sa sobrang gulat, hindi ko nabati pabalik ang nakapang-konsehal uniform na lalaki, na sa tingin ko ay nasa early 40s, who was standing near the screen of the front door.

Nakita kong napalingon siya nang may naubo sa may kusina. Binalik din niya agad ang tingin niya sa mukha ko. Ngumiti muna siya bago tuluyang lumabas ng bahay.

Napako ako sa may hagdan for quite some time. Kung hindi ko pa napansin na may gumalaw from the corner of my eye, eh baka amagin na ako sa kinatatayuan ko.

Dahan-dahan kong nilingon yung gumalaw sa bandang kaliwa ko.

Halos maging kasing lapad ng platitong ginamit niya para sa pan de sal ang mga mata ko.

"Good morning... friend?"

Pu... ta...?

Lumitaw ang dimples niya as he awkwardly smiled at me.

"I cooked us... ano, breakfast... sabi mo kasi kagabi na... you wanted bacon and eggs, diba?"

Ha?

"Tara, kain muna tayo... mamaya ka na lang, ano... uhm, maligo."

Ano?

Obvious na obvious siguro ang lito, gulat at takot sa mukha ko kaya tumigil na siya pagsasalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

For a ReasonWhere stories live. Discover now