Chapter 2 ❤️

365 14 1
                                    

"Alam ba nina Kyle at Clyde na kasama mo ako?" Tanong ni Ivan

Nag cross arm ako. "Of course. Papayagan ba nila ako umalis kung hindi ikaw ang kasama ko?"

Tumawa si Ivan. "Kilala na kasi kita...malay ko ba kung tumakas ka na naman?" Inakbayan niya ko. Pero inalis ko din yun.

Sinamaan ko siya ng tingin. "So yun pala tingin mo saken? Bahala ka nga dyan..."

Nag walk out na ko. At dahil sweet talaga si Ivan. Hinabol niya ko at inakbayan ulit. "Ok. Sige. Sorry na." Sabay pisil niya sa pisngi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Why? At least hindi buhok mo ang ginugulo ko?"

Hinampas ko siya sa dibdib. Napangiti na din ako. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Sunday ngayon kaya magkasama kami ni Ivan. Nasabi ko na bang boyfriend ko siya? Kung hindi, ngayon alam niyo na. Almost 1 year na kami. At matagal na din kaming magkakilala. Childhood friends kumbaga.

Matapos namen pumunta ng mall, hinatid na niya ko sa bahay. Hindi na siya pumasok sa bahay. Dahil ayaw daw niyang makita siya ni Kyle. Ewan ko kung bakit, hinayaan ko nalang. Taga kabilang subdivision lang naman si Ivan.

"Bakit hindi na pumasok si Ivan?" Tanong ni Kyle pagkapasok na pagkapasok ko ng main door. Nakasilip pala siya sa bintana.

"Because you're ugly" pang aasar ko. "So you're telling me na pangit ka din?" Pang aasar niya din.

Umupo ako sa sofa. "Excuse me. My dear twin, wala akong sinabe." Tumabi siya saken. "Excuse me din, we're twins kaya kung pangit ako, pangit ka din. Magkamukha kaya tayo" sabe ni kuya Kyle and then he pinched my nose.

Tinabig ko ang kamay niya at hinampas siya sa balikat. "Bakit ba lagi niyo nalang akong ginaganyan?" Inis na tanong ko. "Ginugulo niyo ang buhok ko. Pinipisil niyo ang cheeks at ilong ko. Ano bang meron?!"

"Ang cute mo kasi" walang lingon na sagot lang ni Kyle. Busy siya sa paglalaro sa Ipad.

"Ok fine. Nasan si Kuya?" Pag iiba ko sa usapan. "Magkasama ba sila ni Zoey?"

"I don't know.. Try to call him.." Tumayo siya. Pinatong niya ang Ipad sa table at nilabas ang phone niya. "Aalis muna ko."

"San ka pupunta?"

"Tinanong ba kita kanina kung saan kayo pupunta ni Ivan?" Pilosopo talaga. "Hindi naman diba?"

Hindi ko na nagawang sumagot. Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabe ng kakambal ko. Ang saya talaga niya maging kapatid. Hindi ko na namalayang nakaalis na pala siya. Minabuti ko nalang na umakyat at magpahinga sa room ko.

--

Maaga akong gumising dahil Monday ngayon. Kelangan namin makapag report ng maaga sa performers production and multimedia society. Gising na din naman siguro ang mga kapatid ko.

Pagkatapos kong maligo, nagpunta ko room ni Kyle.

"Kuya..." Pagtawag ko sa kanya. Nakita ko siyang lumabas sa banyo. Naka uniform na siya at nag tutuyo nalang ng buhok.

"Nandito ba yung notes ko sa literature?" Tanong ko. Usually kasi, hinihiram nila ang mga notes ko.

"Kinuha ni Kuya Clyde kagabi.. Tanungin mo siya."

Lumabas ako at pumunta naman sa kwarto ni Kuya Clyde. Tss. Hindi ko na siya naabutan kagabi tapos hindi man lang nag paalam na hihiram ng notes.

"Kuya" malakas na sigaw ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

Nagulat nalang ako ng makitang nandoon si Dale. Naka pants na siya but he's topless. Nakapatong ang towel sa balikat niya. Halatang kakatapos niya lang maligo.

Kaagad akong tumalikod. Narinig ko siyang tumawa. Nakakahiya tuloy. Pakiramdam ko namumula ako. Kahit naman kaai matagal na kaming magkakilala, hindi pa din ako sanay.

Naramdaman ko siya sa likod ko. Bigla niya kong pinisil sa pisngi na ikina-inis ko kaagad. Napaharap ako sa kanya. Nagsuot na siya ng polo.

"Ano na naman kasalan ko?" Inis na tanong ko sa kanya. Nakangiti lang ang baliw. "Bakit ba lagi nalang cheeks ko? Pag ito, pumangit..." Hinawakan ko ang pisngi ko. "Susumbong ko kayo kay Mommy."

"Sasamahan pa kita" pang iinis na sabe niya. Kaya naman binatukan ko kaagad siya

Natigil ako sa pagbatok sa kanya ng magsalita si Kuya Clyde. "Ash. Ang aga aga, nang aaway ka na naman?"

"Si Ivan lang naman di niyan inaaway e" singit ni Dale. Hinampas ko ulit siya. "Because he's my boyfriend" dinilaan ko siya matapos kong sabihin yun.

"Tama na yan." Sabe ni Kuya Clyde. "Yung notes mo, kunin mo dyan sa study table ko."

Tawa lang sila ng tawa hanggang aa makalabas ako sa kwarti ni Kuya. Ang aga-aga, naiinis na naman ako. Aish.

Bumalik na muli ako aa kwarto para mag ayos ulit. Matapos kong ayusin ang gamit ko, lumabas na ko. Dumiretso ako sa dining para magbreakfast.

Nasa ibang bansa ang parents namen. Simula ng maging teenager si Kuya Clyde iniwan na nila kame kasama si Manang Sally. Matagal na namen siyang katulong. Usually siya na ang nagluluto at naglilinis ng bahay kasama ang isa pang katulong na si Ate Mandy na nasa 30's na.

Naabutan ko dun si Kyle na nagsisimula ng kumain. Magkasunod lang kaming dumating ni Kuya Clyde kasama si Ivan.

"Bakit dito natulog si Dale?"

Walang lingong tanong ko. Kumuha na ko ng pagkain.

"At saan ka ba galing kuya? Hinihintay kita kagabi, nakatulog na ko."

"Nag punta kame dun sa bagong bar ni Emman.... Kilala mo yun?" Kumuha si Kuya Clyde ng pagkain "Tapos, sumunod si Dale dun. Kakatapos lang niyang mag practice, e hindi na daw niya kaya umuwi kagabi kaya dito na siya nag sleep over."

Tumingin ako kay Dale.Nagsisimula na siyang kumain. Nagsimula na din ako.

"Tapos sumunod si Kyle..." Dugtong ulit ni Kuya Clyde.

Tumingin ako kay Kyle. "So nagawa niyo talaga akong iwan para lang mag bar? Tss." Inis na sabe ko. "Susumbong kita kay Zoey."

Sinamaan ko ng tingin si Kuya Clyde. Tapos siya naman tawa lang ng tawa. "You can't" tanging sabe niya.

"Yes I can." Pang aasar ko.

"Nandoon din si Ivan kagabi" si Kyle naman ang nagsalita.

"Ano?!"

Nagtawanan lang silang tatlo. "Susumbong talaga kita kay Zoey"

Pero syempre joke lang yun. Baka mamaya mag away pa sila at ako pa ang maging dahilan. Hindi ko nalang sila pinansin, pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

The Way We WereWhere stories live. Discover now